No Remorse
"Wala pa ang mga Hermedilla. Nasa hospital pa binibisita si Donya Aquina. Pero umuwi saglit si Attorney Felicia. Nasa itaas."
Maingat ang pakikipag-usap sa akin ni Manang Vilma, tila sasabog ako ano mang oras. Nakita kong naluluha ang kaniyang mga mata kaya napaiwas ako ng tingin.
The mansion was quiet... in a strange way. Tahimik naman talaga rito pero kahit paano, hindi mo iyon dama. Siguro dahil alam mong may mga tao at... walang problema. Pero ngayon, malalaman mong tahimik ang mansyon dahil nasa hospital ang mga tao, at may... burol sa isang silid.
It still hadn't completely sinked into me... that somewhere in this huge mansion, my mother is lying in her wake. Hindi pa rin ako makapaniwala na noong isang araw lang na pumunta ako rito sa mansyon, alam kong narito si Mama pero iyon ay dahil kakwentuhan niya si Senyora Lucinda. It still feels like some time today, I'd bump into her... she'd ask me what time I'd be home... or she'd tell me she's just in the hacienda if I need something.
I felt my heart sink with the thought that she spent her last months having to deal with her old friends. I noticed she frequented the hacienda the past months, working there for more hours. Doon naman talaga siya pinagkatiwala ni Senyora, pero madalas din siya sa mansyon lalo na kapag may okasyon. Nitong mga nakaraan, halos hindi na siya nagagawi roon.
She didn't exactly tell me that she was avoiding her friends, but I know. I just know her well. She would rather stay away than rot in her insecurities. But I know she, indeed, felt small. I know her that well... and yet I didn't really ask how she was feeling. I was preoccupied with my feelings for Eros... that I forgot to ask how she was doing. We didn't get to talk about it. I can't remember the last time we actually had a genuine talk, like how we did when it just became the two of us.
Sa mga nakaraang buwan, inaamin ko rin sa sarili ko na iniwan ko nga ang makausap nang matagalan si Mama. The worry about money grew in me... it seeped through my bones... that suddenly, my brain started to think that sitting down with her and having a conversation would somehow lead to the talk about money... and I just wasn't ready for it. I was scared of it. I was tired of it.
Perhaps it was financial trauma that I didn't know existed in me for the past years, and I only realized it until recently when it became more palpable. Maybe... I was too busy with my feelings for Eros. Or maybe... I became a mess.
I don't know anymore. Everything doesn't make sense. My world seems to have been covered in haze.
"Pwede ko ho ba siyang makausap?" I croaked.
"Naku! Pagod 'yon. Wala pang tulog 'yon dahil dumiretso agad sa presinto tapos dumiretso rin kay Donya Aquina nang nalaman ang balita tungkol kay Agnes. Hindi na ba 'yan makakapaghintay, hija?"
Napaisip ako sa tanong niya. Oo, hindi na ako makakapaghintay. Gusto kong makamit agad ni Mama ang hustisya. Gusto ko mabulok sa kulungan ang hayop na 'yon. Kung pupwede nang simulan ang proseso, bakit pa ako magpapatumpik?
Hindi ako sigurado kung papayag si Attorney Felicia. Siya ang unang sumugod sa presinto nang nabaril si Mama at hindi ko pa siya napapasalamatan doon dahil hindi pa kami nagkikita. Mukha ngang pagod siya dahil ngayon lang siya umuwi.
Malalaking kaso ang hinawakan niya. Madalas tungkol sa politiko. Nasa bakasyon siya ngayon at nakikitira sa mga Hermedilla dahil may banta sa buhay niya. Ngayon ko lang iyon nalaman mula kay Senyora Lucinda. Pero siguro... kung pakikiusapan ko, papayag naman siya? Matagal na silang hindi nag-uusap ni Mama pero nagbabakasakali akong hindi niya pa rin tatanggihan ang kaso ni Mama.
Kung malaki ang bayad sa kaniya, hindi na baleng magkanda kuba ako sa trabaho mabayaran lang iyon... makakuha lang ng magaling na abogado para kay Mama. Makamit niya lang ang hustisya sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...