Man on the Balcony
"Emy, wala kang trabaho ngayon?" mataman ang titig sa akin ni Mama.
Nagkatinginan kami. Maaga pa at kakalabas ko lang ng kwarto pagkatapos maligo at magbihis. Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang nag-iingat na tingin ni Mama.
Hindi pa namin napag-uusapan ang nangyari noong nakaraan. Ilang beses na iyon nangyari pero noong nakaraan ang malala. Basta nagkaayos na lang agad kami. Ganoon lagi kapag hindi kami nagiimikan. Hindi namin namamalayan na nagkaayos na ulit kami.
Pinasara nga ang lusutan sa likod ng hacienda. Nakakahiya sa mga Hermedilla na ginawa pa nila iyon para sa amin pero iniisip ko na lang na para rin sa seguridad ng lahat iyon.
"Wala naman, Ma. Sobrang dalang ng raket ngayon. Hindi katulad noong mga nakaraang buwan."
She sighed. "Mas gusto ko nga ngayon, anak. Wala ka masyadong trabaho. Noong mga nakaraang buwan, parang walong araw ang mayroon sa isang linggo mo. Masyado kang babad sa pag-aaral at trabaho."
Hindi ako umimik at naglakad na lang palapit sa maliit naming dining table. Wala rin naman akong ibang pagkakaabalahan kundi 'yon lamang.
Umupo ako sa hapag kainan. Sinusundan ako ng maingat na titig ni Mama. She smiled and put some scrambled eggs on my plate. Tipid akong ngumiti.
"Kung ganoon, samahan mo na lang ako sa hacienda. Tutulong ako sa inventory dahil nanganak si Maya. Walang marunong gumawa ng trabaho niya kundi ako," she said without looking at me.
Hindi natapos ni Mama ang business course niya noon pero may alam naman siya kaya tumutulong siya sa hacienda. Nagkataon din lang na hindi papasok si Ate Maya para sa inventory.
"Sige, Ma. Babawi rin ako kay Therese at Sam."
Tumango si Mama at nagsimula na kaming kumain ng umagahan. Lagpasan ang sikat ng pang-umagang araw sa bintana namin dahil nakahawi ang mga kurtina. Mula rito, tanaw ko ang plantasyon. Kaya kahit maliit ang bahay namin, maganda naman ang tanawin at presko ang lugar.
"Masaya ako nakakasundo niyo si Samuela. Manang mana 'yon kay Felicia. May pagka-kikay at prangka," she chuckled.
Ngumiti ako. "Mabait siya. Medyo maarte pero mas mabuti na 'yon kaysa nagbabait-baitan."
"Hindi na madalas si Russel na bumibisita rito, ah?"
Umangat ang tingin ko sa kanya. She looked sad. Russ is like her son already. At maging ako rin, medyo nalulungkot na na hindi na niya nabibisita si Mama. Ganoon pa man, naiintindihan ko naman na marami siyang trabaho.
"Hindi rin masyadong bumababa sa mansyon katulad noon. Tinutulungan pa ako dati noon na maglinis sa mansyon nila. Ngayon, wala na."
"Busy lang 'yon, Ma. Marami siyang pinagdadaanan kaya intindihin na lang natin."
Natutop ko ang labi ko nang naalala ang sakit ni Donya Aquina. Ni hindi ko alam kung anong sakit niya. Gustuhin ko mang tanungin si Therese, mukhang hindi niya rin alam dahil narinig niya lang din kay Donya Celeste. Sana lang... alam na ni Russ ang tungkol doon.
"Iyon nga ang punto ko. Sana bumibisita siya rito para nadadamayan natin siya. Kinakausap ko si Aquina tungkol kay Russel pero laging naluluha kaya hindi ko na lang binabanggit."
Hindi na ako nagsalita. Maraming bumabagabag sa isipan ko. Una, ang utang namin ni Mama. Pangalawa, si Russel. At 'yong iba... hindi ko matukoy kung ano.
Nang natapos kaming mag-umagahan ay agad din kaming lumabas ni Mama para pumunta sa hacienda. We walked through the highly maintained lawn until we reached the offices situated in the heart of the hacienda.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomansaDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...