Chapter 20

3.5K 104 22
                                    

Pride

She was dead on arrival. And I feel like my soul died... with her.

Sa ambulansiya pa lamang, wala na siya. Nabalot ng hagulhol ko ang ambulansiya habang hawak ang kamay ni Mama, hindi na inaalintana ang dugong kumakapit sa aking balat.

My shoulders shook the whole ride, and even with the littlest hope I had deep within me, I still hoped she would get revived in the hospital... even when I was fully aware I would need a miracle for that to happen.

Sa mga unang oras, hindi ko pa halos ramdam. Hindi na muling bumuhos ang luha ko at natulala na lamang ako sa doktor habang idinedeklara niyang wala na si Mama.

I was in denial even though the truth was already right in front of me. I still hoped hard, and silently wished for a miracle I didn't even believe in before this.

Nakaupo ako sa labas ng emergency room, tulala at walang kibo, ngunit patuloy ang pagtulo ng paisa-isang luha. It wasn't pain alone. There was fear. Regrets. And the feeling of being so, so lost.

Nagpapasama siya sa akin papunta sa bayan. Sa unang pagkakataon, tumanggi ako at nagpaiwan sa bahay. Buong buhay ko, isang beses lang 'yon na tumanggi ako sa hiling ni Mama... bakit nataon pa iyon sa ganitong pagkakataon?

A sob escaped my lips at that thought. Tinakpan ko ang aking mukha at napahagulhol sa walang laman na hallway.

I lost sense of time. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero nanatili lang akong nakaupo roon, tulala, at ang pisngi ay malagkit dahil sa mga natuyong luha. People were passing by in front of me, voices were everywhere but it still felt like I was alone. The voices sounded distant... until I heard footsteps beside me, as if someone had run to see me.

"Emeraude," my world stopped when I heard Eros' voice.

It was the only time that a voice registered clearly in my ears. It sounded so vivid, that I was pulled back to reality. But even then, I couldn't speak a word. I couldn't even lift my eyes to him.

He adjusted. Slowly, he kneeled in front of me. Nakita ko ang matinding pag-aalala sa kaniyang mga mata, ngunit mas lamang doon ang pag-iingat na para bang sasabog ako isang maling haplos lang niya.

"I went here immediately when I heard about what happened. Good thing the hospital Mama was in was near."

Hindi ako umimik.

"Russ is upstairs. He's taking care of everything so... you can go home."

Hindi pa rin ako nagsalita. He licked his lips. I could see he's trying his best to pull himself together. Pero pupwede namang hindi na. Pwede naman siyang umalis. Dito lang ako. Hindi ko kayang umuwi.

"Let's get you home. Hmm?"

Mukhang kasama niya si Russ na pumunta rito. Malapit lang kasi ang hospital kung saan naka-confine si Donya Aquina kaya nakapunta agad sila rito. Mas maliit na hospital ito dahil ito ang mas malapit. Mukhang matatagalan pa si Therese dahil malayo ang Casa Fuego. Bago kasi ako makaalis, sinabi niya sa akin na susunod siya. Gamit lahat kanina ang mga sasakyan nila.

Nang hindi pa rin ako umimik, humugot siya ng malalim na hininga. Habang nakaluhod, lumapit siya lalo sa akin at sa maingat na galaw, unti-unti niyang hinawakan ang kamay ko. Bumagsak ang tingin ko sa ginagawa niya.

May hawak siyang panyo. Dahan-dahan niyang pinahi ang dugo sa kamay ko. Umawang ang labi ko nang napansing may dugo pa pala roon. I shivered when it sank into me that... it was Mama's blood. Parang bigla akong natauhan na... nangyayari nga pala ito ngayon!

Napatayo ako, naninindig ang balahibo. Napatayo rin si Eros at sinubukan akong hawakan sa magkabilang siko.

"Hey-"

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon