Chapter 14

3.3K 114 119
                                    

I Miss You

Sunday morning, I woke up a little later than usual. Palagi akong maagang bumangon, pero isa ito sa mga bibihirang araw na hindi ko kailangang magmadali. Ang hindi nga lang kagandahan... may oras ako para tumunganga sa kisame, nag-iisip.

My eyes drifted on my new room decoration... the stained plates. I smiled as I looked at the sullies of coffee, looking as if it was intentionally splattered over the paper. I used to be very meticulous with my paintings before, but now I realized it doesn't take too much for something to be beautiful. That some things do not need to be perfect, it just has to make sense.

Napawi ang ngiti ko nang napansing hindi ko namalayan ang pagpungay ng mga mata. Should I remove that, too, and just keep it in my portfolio? But I really love how it turned out, bukod pa sa paborito kong infrastructure 'yan sa Spain.

I sighed softly and covered my eyes using my arms. Hindi ko na dapat pinoproblema 'yan. Marami akong bagay na dapat isipin. Katulad ng kung saan ako kukuha ng trabaho.

Ang mga kakilala kong palaging may offer na trabaho, wala pa ring makita. Dapat ay mas nagtatrabaho ako ngayon dahil wala nang pasok. Patulan ko na kaya ang alok nila Russel at Donya Aquina? Pati na rin nila Senyor?

Sa hacienda na lang muna ako magtrabaho. Hindi naman na siguro masamang tanggapin ang alok kahit marami na kaming utang na loob sa kanila. Magtatrabaho naman ako nang maayos. Pero... laging pumupunta si Eros sa hacienda...

I groaned and shook my head. That shouldn't even be an issue with me. But it is! And it's very real!

Pero paano ko matutulungan sila Mama gayung madalang ang trabaho? Said na ang trust fund niya. Marami kaming utang sa paligid para mabayaran ang dating mga utang. Tila ba tinatapalan lang namin ang problema. Tila ba niraraos lang ang bawat araw pero hindi talaga nabibigyang solusyon ang problema.

I'm tired of it. I've never said that out loud in my thoughts because I didn't want to feel that way, but I am. I have been for a long time.

Nang nalugi ang firm ni Papa at nawala siya, wala akong panahon para magluksa. Palipat lipat kami ni Mama ng bahay hanggang sa sumuko siya sa alok ni Senyora Lucinda at pumayag makitira kapalit ng serbisyo niya. Hindi sumagi sa isipan ko noong bata ako na maghihirap kami. Tila kay layong posibilidad ito noon.

I guess nothing is permanent in this world. Everything will vanish if you don't keep your eye focused on it. Everything will fall apart if you don't put it together with all your might. Everything will disappear if you look elsewhere, or even in a blink of an eye. That's what happened to us.

A beep on my phone interrupted my train of thoughts. Suminghap ako at tinignan kung sino iyon. I sighed out of relief when I saw a message from Russel.

Napanguso ako nang may kasunod agad iyon.

From: Russel

I heard Therese met Art last time? She won't tell me.

Natawa ako.

To: Russel

Oo. Masaya siya kasi nag sorry na raw si Art sa kaniya.

I laughed when he sent three laughing emojis.

From: Russel

She's so down with him. Hindi nagseseryoso ang isang 'yon. But I guess she has to learn the hard way.

To: Russel

Hayaan mo na. Baka maghanap rin lang pala ako ng raket ngayong araw. Pupunta ako sa bayan pagbalik ni Mama.

Hindi na siya nakapagreply agad. I sighed and put it on my side again. Gusto ko nang bumangon kaya lang ay hindi nakikisama ang katawan ko.

My phone beeped again. Wala sa sarili kong binuksan iyon sa pagaakalang si Russel iyon, pero nagulantang ako nang nakita ang pangalan ni Eros!

Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon