My Girl
Abala ang mansyon. Kaarawan ni Senyor Fredericko at si Senyora Lucinda ang punong-abala sa party na gaganapin ngayong darating na Sabado.
Mabilisan akong nagbihis. Nagpresenta ako na tumulong kay Manang Vilma sa preparasyon. Medyo alinlangan ako dahil kay Eros pero nakagawian ko na ito. Baka magtaka sila kung bakit hindi na ako tumulong sa pagkakataong ito.
Saktong pagkalabas ko sa kuwarto, nakabihis na, ay naabutan kong kakapasok lang ni Mama. Tapos na ang tanghalian at kakauwi lang niya.
"Ma! Saan ka galing?" salubong ko at kinuha ang bag niya.
She was startled to see me. "Ah! Sa Bayan lang, anak. Kumain ka na?"
Humalik siya sa pisngi ko.
Hindi ko na madalas nakikita si Mama rito sa bahay. Nagtatrabaho ako sa hacienda at minsan pumupunta siya roon para tignan kung maayos ang takbo ng lahat pero umaalis din. Hindi na kami masyadong nagkakasabay sa pagkain dahil palagi siyang nasa bayan at may mga raket din ako.
"Opo. Hindi ko na kayo nahintay dahil tutulong ako sa mansyon. After lunch daw, e..."
Papasok na sana siya sa kuwarto niya pero natigilan.
"Siya nga pala... pupunta ako sa bangko bukas. Kukunin ko na 'yong natitira kong pera roon. Hindi kasi sapat 'yong kinita ko nitong buwan-"
"Ma! Emergency fund 'yon, ah? Hindi ba nagkasundo tayo na hindi 'yon gagalawin? 'Yon na nga lang ang natira sa trust fund mo!"
Bumuntong hininga si Mama. "Alam ko naman 'yon. Pero kulang pa nga-"
"Sasahod na ako sa isang araw. Hintayin na lang natin 'yon..."
"Naku! Ipunin mo na lang 'yan pang allowance mo lalo na't intern ka na ngayong pasukan!"
I grimaced. Marahang hinampas ni Mama ang hangin.
"Baka po pwedeng pakiusapan muna sila na sa susunod na buwan na lang magbabayad? 'Yong si Engineer na lang muna ang bayaran para hindi nanggugulo. Maghahanap ako ng raket para-"
"Hay naku! Ayan ka na naman... Hayaan mo na lang akong gumawa ng paraan! At wala pa naman tayong emergency, ah?" she chuckled in her attempt to lighten the mood, but I wasn't pleased.
"Ano ho bang ginawa niyo sa bayan kanina?"
Unti-unting napawi ang tawa niya. Bumuntong hininga siya at masuyo akong tinignan.
"Nakakuha ulit ako ng trabaho roon. Nagpaalam naman ako kay Tita Lucinda at maayos naman ang takbo ng hacienda kaya..." ngumiti siya. "Magpapahinga na ako..."
I was getting pissed... but I didn't want to go there. What she needs now is someone who will understand her. She doesn't need the reprimanding... because I'm sure she's thought about this just as much as I do.
Kaya kinalma ko ang sarili ko at bumaling sa lamesa. Tinakpan ko lang ang tinabing ulam para sa kaniya.
"Hindi ka po ba muna kakain?"
I stared at my mother. I didn't realize how much I was longing for her. Kasi hindi ko na maalala kung kailan kami nagkausap nang maayos... kung kailan kami nagtigil dito sa bahay... at kung kailan kami nagkasabay kumain kagaya ng kagawian.
Palagi siyang paalis at iniintindi ko dahil ang sabi niya may trabaho siya. Takot din akong mapag-usapan namin ang tungkol sa pagkuha ng trabaho dahil kukumbinsihin na naman niya akong tumigil.
Malapit na naman ang katapusan. Ibig sabihin magbabayad na naman kami sa mga empleyado namin noon. Maayos naman ang iba pero 'yong lalaking 'yon lang ang nanggugulo sa amin. Kaya ngayon kaliwa't kana ang kinukuha niyang trabaho.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomansaDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...