Rain
Now that I look back, I realized that I was so focused on the greater things that I overlooked the small things. I failed to realize sooner that even the smallest and silliest things, matter. They are just as important as the greater things.
I wish I knew that back then. Because now, the things I have always believed to be great feels... small. And the small things I overlooked before... are the things I am now longing for, and wishes to have so desperately.
Nagpupuyos kong binagsak ang mga gamit ko sa aking kama. I walked back and forth and brushed my hair using my fingers just to calm myself down. Nagmamadaling hinawi ni Mama ang kurtinang humahati sa kwarto ko, nag-aalala.
"O, anong nangyari? Bakit bigla kang umuwi? Akala ko ba sa library ka muna ng mga Hermedilla, gaya ng sabi mo sa akin kanina?"
Umiling lamang ako. When I am mad, I couldn't speak. I played with my fingers and bit my tongue.
"Anong nangyari rito? Ito 'yong pinagpupuyatan mo noong mga nakaraang araw, ah?" gulat na binuklat ni Mama plates ko.
I groaned more when she opened the paper and I saw my stained work. It was my favorite work, and I was so confident to pass it because I liked how it turned out. Now, I have to redo it all over again. Kaya ko naman na gawin ulit iyon pero wala na akong oras. Marami pa akong commissions na kailangang gawin.
"Sinong may gawa nito? Imposible namang nagkakape ka sa mansyon ng mga Hermedilla!"
"Ang mayabang na Eros na 'yon! Ugh! Nakakairita!"
Gulantang si Mama nang tumingin sa akin. Mas lalo tuloy akong nairita dahil imbes na kampihan niya ako ay parang namangha pa siya.
"Mama!" saway ko.
Napakurap siya at umiling para magising ang sarili niya.
"Bakit naroon ang Senyorito? Magkasama kayong dalawa sa library?"
"Oo, Mama! Pinayagan ako sa library kaya pumunta ako. Tapos hindi ko alam naroon pala ang mayabang na Eros na 'yon! Pakealamero kasi! Chismoso!" I groaned.
"Shh! Baka marinig ka ng mga kapitbahay natin, trabahante rin sila at isumbong ka pa! Mapalayas pa tayo ng wala sa lugar dito!"
I sighed heavily and just decided to take a bath. Niligpit ni Mama ang gamit ko habang naliligo ako sa banyo. Pati pagsabon ng aking katawan ay mariin at halata ang inis. Nagpupuyos talaga ako sa iritasyon!
Pagkatapos ay nagpalit ako ng pangtulog para masimulan na ang lintik na plates ko! I wore my white pajama and a simple white shirt. Pinapatuyo ko pa ang buhok ko gamit ang tuwalya nang magsisigaw si Mama sa labas.
"Emeraude! Emy! Halika rito, bilis!"
I was alarmed so I ran outside, concerned for my mother.
"Ano 'yon, Ma?!"
Ngumisi si Mama at tumingin sa lalaki sa aming harap. Kumunot ang noo ko nang nilingon ko kung sino iyon at nakitang si Eros Hermedilla iyon. Umawang ang aking labi, at mas nauna ang gulat kaysa sa inis.
"Naku, Senyorito! Talagang sinadya niyo pa ang pagpunta rito! Nakakahiya naman!"
Eros smiled and bowed a bit at my mother. Nakatitig ako sa kanya, pinaghalong gulat at inis ang nararamdaman ko. He was still wearing his clothes from earlier, and he was still wearing his worried and guilty expression, too.
Suminghap ako at mataray na humalukipkip at nagtaas ng kilay. Kinurot ako ni Mama sa gilid pero wala akong pakealam. Masyado akong iritado para isipin pa kung sino siya at kung sino ako.
BINABASA MO ANG
Sullies of Haunted Yesterday (Casa Fuego Series #4)
RomanceDriven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shut off doors of carefree youth and room for love. She has always been stern about her plans, until sh...