ONCE IN A BLUE MOON BOY 12

29 1 0
                                        

chapter twelve: death bed

Nasa harap ako ng main door ng creepyhouse, nakatayo habang nakapatay sindi ang ilaw nun. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot na buksan ang pintong yun para makapasok sa loob. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng makapasok ako tapos isang weird na music. Nakakapanghinala dahil hindi madilim ang buong paligid, maliwanag at nakaayos ang loob. Naglakad ako para hanapin si jacob pero hindi ko siya makita sa ibabang bahagi ng bahay nato kaya naisipan kong pumunta patungong ikalawang palapag, nagulat ako ng makarating ako doon madami nang pinto, teka? diba dapat dalawa lang ang mga silid rito? kinusot ko ang mga mata ko baka namalikmata lang ako sa mga nakikita ko pero wala parin eh, madami talagang pinto at halos naka half open except doon sa dulong nakasara. Lumakad ako para puntahan yun kasi ganun ang gustong mangyari ng iniisip ko, lahat ng pinto may sign ng X hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero bahala na, curious parin ako sa nakasarang pinto.

tok tok tok

walang bumukas kahit sumagot man lang wala, maya maya bumukas itong mag isa at para bang tinatawag akong pumasok sa loob, itinulak ko yung pinto at biglang umilaw agad tumambad sa harap ko yung kama na may nakahigang tinakpan ng puting tela. Gusto kong tumakbo palabas pero parang may pumipigil sa mga paa ko na hindi lumabas doon bagkos kusa itong lumakad papalapit sa kamang yun kaya napapikit ako habang yung paa ko lumalakad na, ayaw ko ng ganito! ayaw kong makakita ng patay!!!!

dahil sa lakas ng tibok ng puso ko na halos ikatindig lahat ng balahibo ko sa katawan hindi ko na namalayan na huminto na pala ako sa paglalakad at nang buksan ko ng dahan dahan yung mga mata ko, halos mahimatay ako sa nakikita ko ngayon! si jacob dugu.an ang dibdib pati bunganga at hindi na humihinga. sht?

"jacob!" sigaw ko.

"nananaginip ka nang masama?" rinig ko kaya napabangon ako sa kaba, sabay hawak sa dibdib ko, nang mapatingin ako kay jacob, naka-upo siya sa kabilang couch, naka shades, bukas yung tv.

"jacob? buhay ka?" at tiningnan ko siya ng maigi, panaginip lang pala, buti naman.

"pinapatay mo naba ako sa panaginip mo?" at natawa siya ng mahina.

"masamang panaginip"

"bakit? ano bang napanaginipan mo?"

pinatay ko yung tv, tsaka niya tinanggal yung shades niya.

"wa wala, nakalimutan ko na"

"ngapala, nakatulog ka hindi na muna ako umalis para bantayan ka alam kong magkaka nightmares ka dahil sa kapapanuod mo ng mga nakakatakot na palabas"

"ganun ba? salamat" napatingin ako sa orasan, mag a-alas tres na "hindi kapa ba uuwi?"

"natatakot ako" biglang sabi niya

"natatakot saan?"

"sa naging panaginip mo"

tumayo siya at nilapitan ako.

"hindi mo naman alam kung anong napanaginipan ko ah?"

"kahit di mo sabihin, alam kong masama yun. Hindi natin alam kung magiging totoo o hindi ang isang panaginip, nararamdaman kong may mangyayari" at biglang may tumahol na aso sa labas at agad siyang napatingin sa may bintana "uuwi na ako" pagpapaalam niya sabay halik sa noo ko tapos lumakad para umalis, naiwan akong tulala.

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon