NINE: HINALA!
Hindi ako makatulog ngayon kaya naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Nadaanan ko naman si chan na nakangangang natutulog sa sala pagod na pagod siguro to kakasunod sa mam niya. 2 days na ang nakakaraan at nandito parin tong dalawa to, ewan ko ba kung bakit nagtatagal sila dito, hinayaan ko nalang kasi ako pa mapagalitan ni papa.
Pagkatapos kong uminom nakarinig ako ng ingay ng tumatahol na aso sa labas, teka? wala naman kaming aso! napatingin ako sa orasan, alas tres na nang umaga! stress ba ako kaya hindi ako makatulog? napasilip ako sa bintana kung saan malapit yung ingay, may aso nga, kamukha nung asong huling nakita ko? noong unang araw na pinasok namin nila arthur yung bahay, teka! oo yun nga! yung nakakatakot na tinahulan si louis. Nag ingay yung gate sa kabila kaya tumungtong ako sa kung anong bagay ang mapagtayu.an ko para makita kung sino yung pumasok, nakarinig din ako ng yapak at kalansing ng mga susi.
Si jacob, may dalang bag tapos itim na tela na parang may hoodie, magulo yung buhok niya, naka shades pa tsaka tumingin tingin muna siya sa paligid bago pumasok sa loob. Yung aso tumambay lang ng sandali sa maindoor niya tapos ayun, umalis di ko na alam kung pumunta. Sa trabaho kaya siya nanggaling? o baka nga, hindi! napakusot ako sa mata ko at umalis sa kinatatayu.an ng..
"hayley? gising kapa?" chan at idinilat ang mga mata.
"ha? ahh hindi ako makatulog"
"bat nandyan ka? tinitingnan mo ba ako habang natutulog? nakakatakot ka naman" at napahawak siya sa dibdib niya kaya natawa ako.
"gago, bakit naman kita titingnan, ahhh gusto ko sanang manuod ng tv kaso nakalimutan ko nandyan ka pala, sige ha!" nasabi ko at dali daling bumalik sa itaas ng kwarto, napahawak ako sa ulo ko, sumasakit na kasi baka siguro dahil kung ano ano na ang nakikita ko, ayaw kong manghinala kay jacob pero.
Umaga.
Maagang dumating si papa, nagpaalam naman ako para pumunta kina katy sa kanya, narinig ko kasing day off yung dalawa, ayaw kong kasama sa iisang bubong si trixie, naiirita ako sa kanya. Dala ang laptop at yung folder na hiniram ko kay zac, tumambay ako sa kwarto ni katy.
"ano yan?" katy at bubuksan sana yung folder.
"huwag, huwag mong papaki.alaman yan"
"okay? ang damot naman" katy at lumayo sa akin tsaka humig sa kama niya.
"patambay muna ha?"
"sure kahit dito kapa matulog" at ngumiti ako sa kanya, nagsimula na ako sa gagawin ko.
Marami akong ni research tungkol sa village nato, buti nalang hindi ako ginugulo ni katy napansin ko nalang nakatulog eh. Every year apat yung napapatay dito, nagsimula to noong nag celebrate ng one year anniversary ang lugar, every half month ng summer nagsisimula na ang summer collection kung matatawag sa mga naninirahan dito. May nakapagsabi na ginagawang alay ang mga yun at halos mga virgin daw yung kinukuha (napalunok ako, v pa ako eh lol) pero ni isa wala pang proof kung totoo nga, sinasabi nilang naghihiganti daw yung may-ari dati ng lupa kasi pinilit itong bilhin ng mga black family para gawing village, dating mga serial killer ang may-ari eh business nila mga babae para gawing ---- ginagawang katuwaan habang pinapatay ang biktima sa mga nanunuod. Ni research ko din ang pamilyang black at nakita ko yung family picture nila. Naka itim sila lahat sa photo, yung lolo na mukhang nakakatakot talaga eh nakangisi pa tapos teka! bakit iba yung nasa picture, hindi si zac? napakamot ako sa ulo, sino to? bakit parang may kamukha siya, guni guni ko na naman. Mayaman sila, mukhang ma impluwensiya pero nabasa ko may misteryo daw sa pamilyang yun, alam kaya ni zac? o ewan, di ko na maintindihan!

BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"