chapter 15: HINALA HINALA
Hayley's POV
pagkabalik sa kwarto dala yung pagkain na para kay jacob ay hindi ko na siya nakita, isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin at bukas na ang bintana ko, okay? umalis siya! lumabas nalang ako ulit ng kwarto at ibinalik yung pagkain sa kusina, maya maya nagpaalam si papa para pumunta na ng trabaho niya.
"kung maaari huwag kang magpapasok na kahit na sino anak okay?" at tumango ako.
"okay pa, ingat po kayo" at ginulo niya ang buhok ko bago lumakad papalabas ng bahay, napa upo ako sa sala at pina on yung tv hays kabagot, biglang nag ring yung phone ko.
"hay?"
"sino to?"
"si zac" at kinabahan ako, yung kaba na natatakot.
"napatawag ka?"
"nasaan ka?"
NAALALA KO YUNG BILIN NI PAPA.
"bakit?"
"namiss kita" takte! nahalikan lang, miss na? psh
"ulol! huwag ako zac hindi mo magagamit sa akin ang mga ganyang kakornihan!"
"seryoso nga, gusto kitang makita"
"zac! alam mo naman siguro na kaka break ko lang sa bf ko! tsaka yung kiss kagabi ba ang dahilan para tumawag ka at gaguhin ako ngayon, pwes huwag mong bigyan ng meaning yun okay?"
"oo na, oo na hindi na kita pipilitin"
"good, kasi sa totoo lang wala akong balak na palitan si jay sa puso ko"
"ouch"
"kaya tumigil ka nalang zac"
"grabe naman to"
"hmmm malinaw naba?"
"oo na nga, ngapala nabalitaan mo bang may pinatay?"
"oo naman, pulis yung papa ko malamang!"
"ang sungit mo naman kausap"
"tss so ano ngayon?"
"mag iingat ka" malamig na sabi niya kaya natigilan ako matagal bago ko narinig yung tawa niya "hahaha! basta seryoso mag iingat ka lagi, ayaw kong mangyari ulit yung nangyari kina alessa"
"okay"
"so goodnight? see you sa school bukas?"
"sure ikaw rin mag ingat ka" at natapos rin yung pag uusap namin, hanggang kailan ba magpapanggap si zac?
sa school.
nasa klase ako ngayon gumagawa ng seatwork nang biglang pumasok si zac at tumabi sa akin, nagulat ako at nakangiti lang siya buti nalang may sinusulat yung prof namin sa board kaya hindi siya napansin na pumasok siya, napatingin naman si katy sa amin at kumaway si zac sa kanya.
"hay! hi?" at hindi ko siya pinapansin dahil pinagpapatuloy ko lang yung sinusulat ko "pwede ba tayong mag usap after nito?"
"anong pag uusapan natin?"
"tungkol sa.." at napatingin ako sa kanya "atin? haha joke!" at sinamaan ko siya ng tingin
"ano ba! seryoso nga"
"basta, maghihintay ako sa lounge okay?"
at tumango lang ako, tapos mabilis siyang umalis na hindi talaga napansin ni prof kaya pagkatapos ng klase nang lumabas kami ni katy nakatayo nga siya sa labas ng pinto bitbit yung skate niya, loko talaga! akala ko sa lounge siya maghihintay! akala tuloy ng mga estudyante dito bf koto!

BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"