chapter 35: Goodbye?
Hayley's POV
palakad lakad ako sa isang lugar na puro malalaking puno ang nasa paligid ko, may daan akong tinatahak na patungo sa hindi ko alam? basta nag dederetso lang din yung lakad ko kasi yun yung gusto ng mga paa ko eh, hanggang sa nakakita ako ng sinag ng araw sa may dulo kaya binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa dulong yun.
"jacob?"
nahinto ako pagkatapos kong makita ang hugis tao na yun, halatang si jacob yun kahit nakatalikod siya dahil sa pananamit at buhok niya, nakapamulsa siyang nakatayo kung saan tumatama yung sinag ng araw sa katawan niya.
"hayley" pangiting bati niya at kumaway sa akin kaya agad akong tumakbo para yakapin siya, rinig ko naman ang mga mahihinag tawa niya. "saan kaba galing? kanina pa ako naghihintay dito" rinig ko sa kanya kaya napatingin ako sa kanya, bakit parang may nag iba sa itsura niya? medyo hindi na siya maputla at parang lumiliwanag din siya dahil sa sikat ng araw sa mukha niya, napansin ko naman ang kumikinang na nga mata niya.
"teka! hindi kana takot sa liwanag?!" at itinaas baba niya yung kilay niya kaya napatabon ako ng bunganga. "ano?! seryoso? paano?! teka! ano bang nangyari sayo? pagkatapos kong..." at nag isip ako sa mga nangyari bago ako napunta dito "teka! wala akong matandaan?! bakit tayo nandito? nasaan ba tayo?" at napatingin ako sa paligid "nasaan sila papa? si zac? yung iba?"
at umiling siya.
"hindi ko rin alam hayley, basta hinihintay kita dito, ayaw mo bang sumama? aalis tayo sa lugar nato!"
"pero paano yung mga taong maiiwan ko?" natanong ko at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nawala naman yung ngiti niya.
"naiiintindihan ko" at hinalikan niya ang noo ko "kung hindi kapa handa, hindi kita pipilitin"
"anong pinagsasabi mo? hindi ba tayo pwedeng bumalik sa village? baka nandoon sila!" at hihilain ko sana siya pero hindi siya gumagalaw "ano ba jacob! hindi paba tapos ang lahat? ano bang nangyayari?"
"okay na ang lahat hayley" at inalis niya ang kamay ko "pero sa tingin ko, kailangan mong bumalik"
"hayley anak!!"
rinig namin sa paligid kaya nagkatinginan kami ni jacob.
"oy! si papa yun! hinahanap niya tayo!"
"alam ko" kaya hinila ko ulit siya.
"bakit ayaw mong sumama?"
"hayley! gumising ka!"
"alam mo naman siguro kung gaano ako katagal namuhay sa kadiliman kaya sa pagkakataon nato gusto ko namang maranasan mamuhay sa liwanag" at tumingala siya tsaka pumikit para ramdamin ang sinag ng araw "sa wakas hayley, para akong nakawala at ang sarap sa pakiramdam kaso..." at tiningnan niya ako tsaka lumapit sa akin "magiging mapait din ang pamumuhay ko doon sa liwanag na sinasabi ko, hindi kita makakasama, hindi tayo pwedeng magsama"
"bakit?" at nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko "ano bang pinagsasabi mo ngayon?" niyakap niya ako ng sobrang higpit
"kailangan mong bumalik sa daan na hindi papunta sa liwanag ng kabilang buhay"
"kabilang buhay?"
at tumawa siya.
"hindi mo parin ba naiintindihan?"
"jacob! kung biro to pwede bang itigil mo na?! nasasaktan na ako ngayon" at napayuko siya.
"masakit din sakin hayley pero kailangan mong bumalik" at napansin kong nagpapahid siya ng luha "oras na para bumalik ka"
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Misteri / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"