chapter 27
Zac's POV
pagkatapos magamot nila mr. Lim si jacob ay agad silang umalis para ibalita sa ama ko ang nangyari kaya naiwan ako dito at nakatingin sa kanya na natutulog. Yung isip ko naglalaro ngayon habang hawak ang baril na nakuha ko kanina, parang may nagsasabi sa akin na kailangan kong kalabitin to sa kanya pero hindi ko pala kaya dahil naiisip ko si hayley, asar!
"hayley" rinig ko sa kanya habang nakapikit at pawis na pawis kaya nagulat ako sa biglang pagsambit niya sa pangalan ni hayley "nasaan ka? hayley" tss at napa iwas ako ng tingin.
"walang kwenta" nasabi ko sa sarili ko at napatayo, bakit pa ako nandito?! eh hindi ko naman kaya patayin to sa sarili kong mga kamay.
"HAYLEY!!" biglang sigaw niya at napabangon kaya agad kong itinutok sa kanya ang baril na dala ko.
"takte!"
"zac?" mahinang sabi niya at napatingin sa sugat na ginamot sa kanya "bakit ka nandito? si hayley?"
"ewan" nasabi ko at ibinaba ang baril, harmless jacob tong kausap ko ngayon eh halata weak!
"gusto ko siyang makita"
"hindi pwede!" agad na sabi ko at napayuko siya
"pero zac, gusto kong makasiguro na okay siya"
"wala kabang tiwala sa akin? at ikaw na mismo ang nagsabi na ilalayo ko siya sayo hindi ba?!" at tumango siya "kaya hindi ko sasabihin sayo kung saan ko siya dinala"
at bigla nalang siyang napapahid ng mga luha niya, tsk mahina talaga!
"anong iniyak iyak mo?! hindi bagay sayo jacob! hindi ka dapat umiiyak dahil halimaw ka! pinatay mo si arthur diba?! bakit kailangan mo pang gawin yun?!"
at hindi siya sumagot.
"umalis ka nalang"
"sagutin mo muna ako! bakit hinayaan mo ang nangyari sa kanya?! bakit kailangan mong patayin ang kaibigan ko?! ha! jacob! mahina ka! kaya dapat lang na ilayo ko sayo si hayley! hindi mo nga kaya ma protektahan ang sarili mo, si hayley pa kaya? tsk! walang kwenta!"
"hindi ko sinasadya yun, alam mong hindi ko magagawa yun"
"pero nagawa mo parin! hinayaan mo parin na makontrol ka niya! kung gusto mong makasama si hayley! ayusin mo ang sarili mo! ayaw kong mapunta siya sa halimaw na katulad mo!" nasabi ko at napatingin siya sa akin.
"tama na zac, nasasaktan na ako"
"dapat lang! marami kanang masamang ginawa sa villlage nato!"
"umalis kana!" at tiningnan niya ako ng masama kaya hudyat na yun na baka mag transform sya sa kabaliwan niya "umalis kana zac at"
"at ano?"
"ingatan mo siya" kaya umalis na ako doon. Baka ano pang magawa ko sa kanya kung mananatili pa ako doon, nababadtrip din ako sa sarili ko eh bakit hindi ko kaya?!
pagkarating ko sa rest house ni jeric ay agad bumungad sa sala yung inis na mukha niya kaya nagtaka ako.
"mabuti naman at nandito kana"
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"