ONCE IN A BLUE MOON BOY 4

27 1 0
                                        

FOUR: VAMPIRE?

Inabot ako nang madaling araw, sa kakahintay kung anong oras matutulog si papa. Silip ako ng silip sa labas at binabantayan ang pagdilim ng sala, hindi ako mapakali sa sitwasyon ko ngayon, gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa kasi hindi ko alam kung paano? Alas tres na nang umaga nang mapansin kong wala nang tao sa sala dahil sa dilim kaya nagsimula na akong humakbang papalabas ng pinto ng kwarto para bumaba at kumuha ng mga gamot tsaka maligamgam na tubig.

"ano pabang kailangan ko hayyys!" pag-alalang sabi ko sa sarili ko at nag isip ng matino, hindi ko alam kung anong gagawin sa taong nahihimatay. Napakamot ako ng ulo at kinuha na yung mga naisip ko. Agad akong bumalik sa kwarto at dahan dahan na isinara at ini-locked yung pinto. Ibinaba yung mga dala ko sa study table at linapitan yung nilalang na nakahiga na sa kama ko, kung alam niyo lang gaano siya kabigat amp.

at dahil flashlight ko lang ang tanging umiilaw sa silid ko, naisipan kong buksan yung ilaw bago siya gisingin kaya ipapa-ilaw ko na sana nang..

"please wag kang magpapa ilaw kundi mamatay ako" napahinto ako sa gagawin ko at napalunok "ayaw ko nang liwanag" mahinang sabi niya kaya sa sinabi niyang yun isa lang ang sumagi sa isipan ko, Bampira ba sya????

"pero ang dilim, hindi ko"

"please, maawa ka" wala akong magawa kundi ang tumango nalang sa gusto niya.

hinay hinay akong lumapit sa kanya para tingnan ng maigi yung itsura niya, mabuti nalang nakabukas yung bintana at maliwanag yung buwan kaya yun ang naging ilaw namin.

"o-okay kana?" at napa upo ako sa may paanan niya, napansin kong mahina siya tapos duguan pa yung puting polo, nagtataka tuloy ako kung saan galing yung dugo baka nasaksak to.

"may tubig kaba?" at dahan dahan siyang bumangon kaya agad akong tumayo para kunin yung dala kong mineral water tsaka inabot sa kanya. "thank you"

tiningnan ko lang siya na iniinom yung tubig, minasdan ko yung noo niya, mata, ilong, bibig hanggang leeg. Gagu, hindi naman pala siya nakakatakot, normal na normal eh, maputla nga lang? hindi kayaaa, bampira siya? yung katulad sa twilight! si edward cullen! amp agad kong kinuha yung flashlight para itapat sa mukha niya , gusto kong makita kung may pangil ba siya, baka mamaya bigla nalang akong kainin nang buhay nito. Pucha

"Wag!" mahinang sigaw niya at tinakpan ng mga braso niya yung mukha niya kaya agad akong napaatras sa naging reaction niya, confirm! takot sa liwanag, maputla! bampira nga! jusko! "tama na! wag mong itatapat! masakit, masakit!" pero itinapat ko parin yung ilaw sa kanya.

"kakainin mo ba ako?! subukan mo lang" at napasandal ako sa kakaatras ko sa pinto.

"anong kakainin? pwede ba hindi ako makahinga sa ginagawa mo"

"huwag kang magkakamaling kainin ako! hindi ako masarap! may sakit ako sa dugo!" lumabas sa bibig ko dahil sa takot sa kanya, itinutok ko parin kaya takip parin siya ng takip hanggang sa mabilis siyang tumayo at kinuha yung flashlight sa kamay ko tsaka pinatay yun, kinabahan ako sa lapit ng mukha niya sa akin biglang itinaas niya yung dalawang kamay niya para ma corner ako, nagkatitigan kami sa mga mata at parang may nakita akong kakaiba sa titig niya, malungkot yung mga mata niya.

"hindi talaga ako makahinga" sambit niya at isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko na ipinagtataka ko, rinig kong sobrang lalim ng hininga niya na parang kailangan niya ng maraming oxygen.

"hi-hindi mo ba ako kakainin?" mahinahong tanong ko.

"sinong may sabi? " at tiningnan niya ako "hindi ako katulad ng iniisip mo" at dahan dahan siyang bumalik sa gilid ng kama ko at sumandal "hays, ilang araw na akong hindi kumakain dahil sa lagnat ko"

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon