chapter 22
Hayley's POV
"papa!" biglang bangon ko at napahawak sa ulo ko na biglang sumakit, nasaan ako? napatingin ako sa lugar bakit ako nandito?!
"hayley gising kana" napatingin ako sa boses na yun
"za zac?" at lumapit siya sa akin
"sorry kailangan kong gawin yun na sikmuraan ka para hindi ka umingay, sorry" at napahawak siya sa pisngi niya, sinampal ko siya hindi dahil sa sinikmuraan niya ako kundi sa ginawa niya kay jayden.
"hayup! bakit mo pa ako kinuha doon!? kriminal ka! pinatay mo si jay!" nasabi ko at napa iyak
"hayley, hindi ako ang gumawa nun!" nasabi niya "maniwala ka kahit ilang beses mo pa akong sampalin tatanggapin ko, hindi ko gagawin yun sa ex mo"
"kung hindi ikaw, sino?! ikaw yung nakita kong duguan sa harap niya!"
"nataranta ako sa mga oras na yun dahil hindi ko alam ang gagawin, kasi" at napayuko siya "naalala ko yung mama ko, duguan siya ng huli ko siyang nakitang huminga kaya ganun nalang ang reaction ko nang makita ko si jayden na humihingi ng tulong sa akin"
"sino nga?! sinong gumawa nun!" sigaw ko sa kanya at itinulak siya
"si jacob" mahina niyang sagot at natigilan ako
"paanong?"
"you don't know him hayley, masama siyang tao"
"no zac! hindi masamang tao si jacob" at naalala ko lahat ng pagliligtas na ginawa niya sa akin "huwag mong iikutin ang ulo ko para maniwala sayo zac, alam kong isa karin sa kanila"
"bakit ba ayaw mong maniwala?! hindi mo ba nakita ang sugatan na katawan ni val?!" at napasuntok siya sa dingding "he did it to her! he wanted her to disappear kasi ... kasi ikaw yung ipapalit niya sa darating na bluemoon" at umiling ako
"hindi parin ako naininiwala, gusto kong makita si jacob" nasabi ko at napatayo
"no you can't go to him at this hour! hindi ka aalis dito!"
"at bakit hindi?! kailangan kong balikan sila papa! kahit ... kahit hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari, i know may rason si papa kung bakit kasali siya sa grupo kagaya ni arthur"
"hindi ka nga aalis! ayaw kong mapahamak ka"
"tabi!" at hindi siya umaalis sa pinto
"hindi ako papayag!"
"zac!! marami akong tanong! marami akong gustong malaman! mababaliw ako rito kung wala akong gagawin! nasa peligro ang buhay ng mga kaibigan ko! ayaw kong, sumanib sila! ayaw kong may... mawala" at napa iyak ako, akala ko kapag umalis kami ni papa sa dating lugar magiging okay yung pamumuhay namin akala ko magiging masaya ako dito pero hindi ito ang inaasahan kong buhay sa black village.
may kumatok.
"sino yan?!" zac
"kami to! may dala kami ni chan" teka boses yun ni trixie ah?
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Misterio / Suspenso"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"