ONCE IN A BLUE MOON BOY 6

33 1 5
                                        

SIX: SUMMER

"surprise!?" nagulat ako pagkabukas ko nang pinto, si jayden na naka backpack , kinusot ko nang mabuti yung mga mata ko baka panaginip lang to, 2 weeks na ang nakakaraan nang magsimula ang summer at sa 2 weeks na yun, tumawag siyang bibisita siya dito sa akin, hindi ko namalayan ang panahon eh dahil busy ako. Hmp!

"jay? den?" nasabi ko at hinagkan niya ako.

"i badly missed you!" sabi niya, totoo nga nandito siya.

"bakit hindi mo sinabi? at bakit alam mong dito ang bahay namin?" natanong ko nang bitawan niya ako, ngumiti siya sa akin.

"sinundo ako ni tito" at pumasok si papa galing sa labas ng gate, kumaway siya sa amin kaya ngumiti nalang ako.

"my gosh! nagkasundo nga kayo!" nasabi ko at hinila siya papasok. Hindi ako makapaniwala? nandito siya. Napatitig ako sa kanya habang may nilalabas siya sa bag niya, shet nasa harap ko ang boyfriend ko!

"hey, tulala ka diyan?" at tinabihan niya ako "ngapala, pinadala ni mom para sayo alam kong miss na miss mo na yung cassava cake niya" nasabi niya, napangiti ako ng makita ko yun.

"si tita? talaga? nakoo, nag abala pa kayo"

"miss kana din ni mom eh, ilang months na din na umalis kayo dun" nalungkot ako sa narinig ko, magkapit bahay lang kasi kami kaya kilalang kilala namin ang isat isa.

"jayden" tawag ni papa ng makapasok.

"po , tito?"

"kung gusto mong magpahinga dito ka muna sa kwarto ko, dalawa lang kasi yung kwarto dito, sa taas kay hayley at dito sa baba sa akin, may duty ako tuwing gabi kaya ikaw na muna ang gumamit" pagpapaliwanag ni papa, tumango naman si jayden at napayakap ako sa kanya, nagulat si papa nun kaya agad akong lumayo baka ano pang isipin niya.

"ahh, sorry" nasabi ko

"hayley, anak alam mo na? kapag wala ako dito, alam mo na kung anong ayaw kong mangyari"

"papa naman!" nahihiya kong sabi, ayan na naman siya ang dumi mag isip.

nagtawanan sila ni jayden na parang ang awkward, pagkatapos namin kumain sinabi ni papa na ipasyal ko muna siya sa village dahil lilinisin niya daw muna yung kwarto niya, sumang ayon naman ako kaya magkahawak kamay kaming lumabas sa gate, clingy at sweet si jay kaya ganito kami, hayaan niyo na lol

"HOY HAYLEY?!" nagulat kaming dalawa ng makadaan sa harap ng bahay nila katy, lumaki yung mga mata niya nang makita yung holding hands namin.

"sino siya?" bulong ni jay sa akin.

"what is the meaning of that hhww?" nasabi niya habang tinuturo yung kamay namin. Nakakahiya naman tong babaeng to.

"ahhh, si jayden ngapala boyfriend ko, he'll be staying here for one week, jayden si katy kapitbahay ko yung sinasabi ko sayo na parati kong kasama" ngumiti naman si jay sa kanya.

"hi! katy ngapala, at finally! na meet ko na rin yung ka call center ni hayley araw araw!" nasabi niya kaya nagtawanan kami " at san kayo pupunta?"

"ipapasyal ko lang kasi naglilinis si papa sa bahay"

"hmmm okay, enjoy kayo! basta mamaya, isama mo si jay dito"

ONCE IN A BLUE MOON BOYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon