ONCE IN A BLUE MOON BOY 13

13 0 0
                                    

chapter 13: the cult

Hayley's POV

inalalayan akong bumaba ni jacob sa ferris wheel, napangiti ako sa kanya kasi yung itsura niya hindi maipinta at yung kamay niya nanlalamig siguro dahil yun sa biglaang pagbaba ng sinasakyan namin at di man lang nagsabi na takot pala siya sa heights haha!

"okay kalang?" natanong ko at napatingin yung mga mata niya sa akin.

"oo na-man" nasabi niya at binitawan ang kamay ko tsaka napamulsa "saan mo pa gustong sumakay?" natanong niya at yumuko para hindi masinagan ng kung ano mang ilaw yung mga mata niya.

"okay na ako, tsaka pagod nadin" nasabi ko at humakbang ng dahan dahan, naalala ko na naman yung mukha niya kanina at paano siya yumakap na parang bata kaya napangiti akong naglalakad pero napahinto ako ng may napansin ako sa paligid, may taong naka itim na hoodie ang nakatayo sa malayo na parang nakatingin sa direksyon namin. Hindi lang siya nag iisa, may tatlo pang nagsilabasan sa madidilim na parte kaya kinabahan ako.

"hayley?" napaatras ako nang maramdaman ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko, napatingin ako sa kanya tapos doon sa pwesto ng mga nakaitim at nawala na sila.

"nakita mo ba yun?" pagtuturo ko sa lugar kung nasaan yung mga naka itim kanina.

"sino?" at napatingin sa tinuturo ko

"yung mga naka itim"

"naka itim?" at hinawakan ko ang kamay niya tsaka siya hinila

"kailangan na nga nating umuwi jac" at sumang ayon siya kaya yun dumaan na naman kami doon sa masukal na daanan, napapaisip ako sa mga nakita ko kanina, hindi maaring guni guni ko lang yung mga yun, baka nga mga kulto yun dito sa village, kinakabahan ako.

at sa wakas safe naman akong naka uwi, hindi na sumunod si jacob sa loob dahil sabi niya magpapahinga narin siya, alas 2 na yun nang madaling araw at heto nakatungang parin akong nakatingin sa kisame.

phone ringingg..

"hello jay? bakit dis oras kana napatawag?"

"is this her girlfriend?" boses ng babae kaya napabangon ako

"wait? sino to? bakit nasayo ang phone ni jay?"

"well, lasing ang bf mo, nandito siya ngayon sa place ko" at inend ko, napayuko ako at dinamdam ang sakit ng puso ko. Bakit ganun? gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas kaya bumalik ako sa pagkakahiga at pilit kong pinikit yung mga mata ko, hindi ako makapaniwala na gagawin to ni jay.

kinabukasan.

"hayley?" rinig kong katok ni papa kaya napadilat ako nang mga mata

"po?" at napahawak ako sa ulo ko

"hanggang kailan mo ba balak gumising? tanghali naaa" at binuksan niya yung pinto tsaka sinilip ako "anak? inumaga kaba sa tv?"

at napatawa ako.

"ahhh opo" nasabi ko nalang at umupo siya sa tabi ko "babangon na nga po ako" at dahan dahan akong bumangon

"okay kalang ba?"

"opo naman, kayo po ba?"

"medyo pagod sa trabaho pero okay pa naman" at nag ngiti-an kami "anak, kung may problema ka nandito lang ako okay? kung namimiss mo ang mama mo magsabi ka, hindi naman labag sa kalooban ko kung pupuntahan mo siya doon alam kong kailangan mo rin ng ina"

"papa, pwede po bang magtanong?"

"ano yun anak?"

"may hindi po ba ako nalalaman tungkol sa inyo ni mama? kung ano talagang rason kung bakit kayo nagkahiwalay? kung bakit nangyari nalang to bigla?" at napansin kong huminga muna siya ng malalim at tiningnan ako

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon