chapter 19
my girl, my girl don't lie to me tell me where did you sleep last night...
Hayley's POV
napabuga ako ng hangin habang nakikinig ng music ni katy, ewan anong trip niya bakit nirvana tong pinapatugtog niya? nandito kami ngayon sa kwarto niya at parehas kaming nakahiga sa kama.
"eww! bakit ganito tong tugtog!?" nasabi niya "naninindig balahibo ko! kaninong usb to?" napabangon siya ng mapansin may nakakabit na usb sa player niya.
"ngayon kalang ba nagpatugtog dahil ngayon mo lang yan napansin?"
"oo! ngayon lang pagkatapos noong nag inuman tayo nila arthur dito hindi ko na ginamit yan! tutok ako sa phone eh!" hala matagal na yun! at natawa siya. "bet ko pa si arthur nun! ahhh oo nga pala, hindi ko talaga sinabi na naiwan niya tong usb niya dito" tss napabangon ako at tiningnan siyang tumatawa habang hawak yung usb
"katy"
"yes girl?" at tumabi siya sa akin, tiningnan ko siya kaya nagtaka siya "okay kalang? simula noong lumabas ka doon, naging tahimik kana"
"oo naman, naguguluhan lang talaga ako"
"naguguluhan? baka makatulong ako, sabihin mo kung anong nasa isip mo ngayon?"
"katy, anong sinabi ni jacob sa mga taong nandoon sa gabing yun?"
"sinabi niyang pakawalan lang ako tsaka humanap ng ipamalit sa akin tsaka seryoso siyang sinunod ni min! ngapala! si mr lim! ganun din ang asta niya ng dumating si jacob yun bang ang superior niya sa kanila, master pa nga yung pagdinig ko na itinawag ni min sa kanya" at tumango ako, may something nga! malamang anak siya ng mga pinuno ganun talaga yung treatment sa kanya tss
"ganun ba?" at tumango nalang din ako biglang tumayo si katy at sumilip sa bintana niya
"sila mr. at mrs. lim? matagal naba nila tayong binabantayan?" oo nga no? yung mga matatanda, yung nakita ko sa may hospital may binigay si mr black sa kanila, ano yun? nahihiwagaan din ako sa mga matatandang yun!
"katy nasaan si arthur?"
"hindi ko rin napansin kung nasaan na yun? at hanggang ngayon medyo takot parin ako sa kanya" nasabi niya
nagkatinginan kami ni katy
"katy kailangan natin mag ingat palagi" at tumango siya "may balak akong kausapin si jacob mamaya kaya kung pwede e lock mo lahat ng pinto, bintana bago dumilim at kapag aalis na si tita okay? ihanda mo lagi ang sarili mo ha ayaw kong maulit ang nangyari sa iyo noong nakaraan" at niyakap niya ako
"thank you hay! buti nalang at dumating ka dito, kung hindi katapusan ko na talaga siguro"
"kaya nga magtulungan tayo at hindi dapat tayo basta basta magtiwala, kahit sa gf mong si alessa" at bigla siyang napatingin sa akin "alam kong naniniwala ka parin sa kanya pero pinsan niya si min hindi ba? baka lang, nagbabakasakali lang ako na may alam parin siya sa mga nangyayari na baka palabas lang lahat ng mga tao dito na nag babait baitan sila atin"
"okay kahit labag sa loob ko" at napatayo na ako
"sige na uuwi na ako"
"ingat ka ha at mag iingat din ako, tatawag ako sayo kapag may mapapansin akong kakaiba sa paligid ko"
"okay! sige na yung mga bilin ko ha?" at yun nga umalis na ako doon, hapon na yun nang maka uwi ako ng bahay kaya nagtataka si papa kung saan ako nanggaling, nadatnan ko naman sila tita gwen na nag aayos ng sala hmm?
"oh hindi mo ba kami tutulungan ni tita gwen mo dito?" nasabi niya ng mapansing pupunta na naman ako sa kwarto
"ahh ano po bang maitutulong ko?"
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"