chapter 33: bluemoon
Hayley's POV
Hindi ako mapakali at marami akong iniisip sa mga sandaling to, nag-aalala ako sa mga taong importante sa buhay ko ngayon lalo na si papa sana okay lang siya, sana walang mangyayaring masama sa kanya. Napatingin ako kay katy na natutulog ngayon, nalulungkot ako sa sinapit ni alessa tsk bakit kailangan pa nilang patayin sila arthur? pero bakit si... tin? napa isip ulit ako, bakit buhay pa ang babaeng yun? paano nangyari? sinong namatay noong gabing yun? napatayo ako at linapitan si louis na nagbabantay sa may pinto.
"louis"
"oh? hayley, bakit hindi kapa nagpapahinga? masakit paba ang sugat mo?" at umiling ako.
"may kilala kabang tin?"
"tin? wala akong kilalang tin eh, bakit?"
at sinabi ko sa kanya ang tungkol kay tin.
"talaga?! paano nangyari yun?"
"at may napansin ako, ibang iba siya sa tin na nakilala ko noong gabing yun louis"napansin ko namang nag iisip si louis. "bakit? anong iniisip mo?"
"ano bang itsura niya?"
"may piercings siya sa labi, may mga konting tattoos siya at messy hair?" at biglang nag iba yung expression ng mukha niya.
"teka! parang" at napakamot siya ng ulo "sana pala dinala ko ang picture na yun!"
"anong picture?"
"may nakita akong picture sa mga gamit ni arthur, sa pic na yun magkakasama sila zac, valerie, si arthur, yung isang babae at si jeric"
"jeric??"
"oo at tsaka yung pag described mo kay tin medyo hawig sa nakita ko, may dala siyang skateboard doon sa picture eh"
"skateboard?!"
"oo?"
"si tin nga yun! naglalaro ng skate si tin sa pagkakaalam ko, magkilala si zac dahil sa bagay na yan pero si arthur, valerie at jeric?" at napa isip ulit ako, kung ganun kilala ni arthur si jeric at tin? teka! hindi kaya, napatingin ako sa paligid tapos kay louis "louis!! may kutob ako"
"anong kutob mo?"
"hindi kaya may kinalaman si jeric sa mga nangyayari? at si tin magkasabwat sila?"
"so paano naman sila arthur, zac at valerie?"
"yun din ang hindi ko alam louis eh, wala na si arthur at valerie, si zac nalang yung naiwan hindi ba?"
"may tiwala ka parin ba kay zac?" seryosong tanong niya
"hindi ko alam, pero si jacob" nasabi ko at narinig ko ang malakas na pagbunga ng hininga ni louis.
"kahit siya yung dahilan kung bakit nasa pahamak ka ngayon, naiisip mo parin ang halimaw na yun? hayley wake up, kalaban natin si jacob" hindi nalang ako nagsalita.
bigla namang nakarinig kaming dalawa ng iyak kaya napatingin kami sa direksyon ni katy na nakagising na pala.
"katy!" mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at napansin kong nakatingin siya sa phone niya.
"guys" naiiyak niyang sabi at tiningnan kami "they have our parents, ginamit nila ang phone ni mom para tawagan ako ngayon lang at sinabi nilang kapag hindi tayo magpapakita papatayin nila mga magulang natin"
"shit" rinig ko kay louis
"i think i should go back" nasabi ko
"no!"
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"