ONCE IN A BLUE MOON BOY 7

22 1 3
                                    

SEVEN: BELIEVE?


Huling yakap na pagpapaalam ang ginawa ko kay jay tsaka unti unting nawala ang sinasakyan niya papalayo sa amin ni papa.

"tara na anak" narinig ko sa kanya at sumunod ako papunta sa kotse namin pero ang hindi nila alam malalim ang iniisip ko, simula pa to sa pag gising ko hanggang sa mahatid namin si jay, puro jacob at yung masamang panaginip na yun ang tumatakbo lagi sa utak ko. Hanggang sa maka uwi kami, di ko pa nga namalayan na nakarating na kami ni papa kung di niya lang ako tinapik sa balikat baka tulala pa ako hanggang ngayon, ganun ako ka apektado.

"yes po, susunod ako" nasabi ko pero bago ako bumaba sinilip ko muna yung creepy house at yun nga kinabahan na naman ako.

nang biglang may kumatok sa bintana.

"katy!" nasabi ko at agad binuksan yun.

"bat ka nagugulat? tigilan mo na nga ang pagkakape!" nasabi niya at tinawanan ako, seryoso naman akong bumaba doon.

"anong kailangan mo?"

"ay? masungit? hmmm sige uwi nalang ako"

"ano ba katy, seryoso nga bat ka nandito?"

"my mom is also here" nasabi niya at itinuro si tita gwen na may dalang pagkain kaya tumango nalang ako.

"okay" nasabi ko, sumunod naman siya sa akin papunta sa loob "hi tita!" bati ko kay tita gwen ng madaanan ko sila ni papa na nag uusap.

"alam mo, okay na ako! punta kaya tayo kina louis" rinig ko kay katy habang binubuksan yung ref namin.

"anong gagawin natin doon? hindi ba awkward sa inyo?"

"bat naman ako ma a-awkward? tanggap ko naman yung katotohanan na we are just friends! kapitbahay! childhood buddies!" at uminom siya ng juice.

"okay, loko loko talaga kayo"

"ngapala, tumawag na ba sayo si alessa?"

"sa akin? bakit raw?"

"ewan, bigla nalang siyang tumawag sa akin at hinihingi ang number mo, binigay ko naman kasi tatawagan karaw niya"

"hindi pa naman siya tumatawag" nasabi ko.

"katyyy, halikana! may gagawin pa tayo!"

"mom naman eh, mamasyal pa kami ni hayley!"

"mamaya na yan, umuwi na muna tayo"

"sige na nga, hayley, tatawag nalang ako" at nakasimangot siyang sumunod sa mama niya kaya natawa ako, nang makaalis na sila, naiwan na kami ni papa kaya nag kanya kanya kami ng trip ako , tumambay sa kwarto ko habang nakaharap sa laptop ko para mag update sa negosyo ko. Hindi ko naman maiwasan na makatingin sa kabilang bintana dahil kaharap ito sa bintana ko kaya naisip kong lumipat ng ibang pwesto. Hanggang sa tumunog yung cellphone ko , unknown number.

"hello?"

"hayley?"

"yeah ako nga, sino to?"

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon