chapter 21: revelation
Hayley's POV
nakasubsob ang ulo ko habang tinatapik tapik ni katy ang balikat ko, wala akong gana mag aral mag iisang linggo natong feeling nato sure ako, bagsak yung mga grades ko this sem, wala sa utak ko yung pinag sasagot ko sa exam eh.
"hayleyyy hayyyy!" mahinang tawag ni katy sa akin dahil nandito kami ngayon sa library
"baka natutulog yan?" rinig ko kay alessa tss pero hindi parin ako tinigilan ni katy at mas niyugyog niya ako hays!
"oo na katy, anong kailangan mo?" tanong ko sabay angat ng ulo ko
"gross! bakit ang laki ng eyebags mong babae ka?! dahil bato sa nangyari sayo?" katy at tumango ako, hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam kung ano nang nangyari kay jacob, nag aalala ako para sa kanya.
"alam ko masakit mawalan hayley, alam namin ni katy na hindi kapa naka move on sa nangyari kay jayden" alessa at ibinalik ko na namang isubsob yung ulo ko.
"mabuti pang umalis tayo dito, masyadong tahimik hindi makapag drama si hayley baka gusto nitong mag emote eh" katy at kinulit ako hanggang sa napapayag nila akong lumabas doon at dinala sa field, naka upo kaming tatlo sa damuhan habang pinapalibutan ng mga malalaking buildings ng school buti nalang walang naglalaro, tahimik parin dito may mangilan ngilan lang na tumatambay.
"so hayley, sige na huwag kang mahiyang umiyak" alessa at napatingin ako sa kanilang dalawa ni katy na parang naghihintay na mag emote nga ako, mga gagang to akala nila ganun talaga gusto ko! eh hindi eh
"ano ba kayo, hindi ako ma drama tulad ninyo" nasabi ko at napayuko
"eh bakit ang tamlay mo? nakita kita noong isang araw sa exam natin sa management tulala kalang sa papel mo, gusto kitang pakopyahin kaso ang layo mo eh! lumilipad talaga ang utak mo" katy at hinagod ang likod ko
"huwag kang mag alala katy, okay naman ako eh kaso"
"kaso ano?" alessa
"hindi ko lang talaga matanggap ang nangyari!" nasabi ko at napabunot nalang ng damo, gabi gabi akong naghihintay sa may bintana ko kung makikita ko ba siyang lalabas pero wala eh yung ilaw niya nakabukas lagi kahit umaga, palatandaan na wala siya roon sa loob.
"kailangan tanggapin hayley eh, wala naman tayong magagawa hindi ba? ang importante ligtas ka" katy , ligtas ako kasi niligtas niya ako, hindi ko makakalimutan lahat ng mga sinabi niya noong gabing yun, mas importante sa kanya ang kaligtasan ko paano naman siya?
"kahit na masama parin ang loob ko at hindi ko maintindihan kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon" nasabi ko nalang , hindi nila alam na hindi tungkol kay jayden tong inaasta ko ngayon tss nalungkot din naman ako sa nangyari sa ex ko pero bago paman siya nawala may masama siyang ginawa sa akin eh na tumatak lagi sa utak ko kaya imbis na mahinagpis ako sa kanya parang galit parin ako sa nangyari, eh kung sana hindi niya ako pinagtangkaan nun sana buhay siya, sana walang nangyari kay jacob, sana okay ako ngayon! tsk nakakabaliw na
dinamayan ako ng dalawa kaya hindi kami pumasok sa mga klase namin ngayong araw nato, gusto nilang maging masaya ako kaya dinala nila ako sa mall para magpasyal pasyal at nilibre kami ni alessa medyo naging okay yung mood ko hanggang sa makasalubong namin sila trixie at chan.
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"