FIVE: MAY SOMETHING?
Bigla akong na alarma! naririnig ko ang pagtawag nila arthur at louis sa labas ng bahay, napatingin ako saglit kay jacob at lumabas doon, sumisigaw kasi sila sa labas ng gate.
"HAYLEYY!"
"anoooo!" inis na sabi ko ng buksan ko yung gate, agad silang pumasok na ikinagulat ko kaya agad kong hinarangan yung daanan nila.
"bakit? madilim yung bahay niyo?" louis at napatingin sa may pinto na naka half open kaya nanlaki yung mata ko, iniisip ko si jacob agad kong pinuntahan yun at sumilip sandali sa loob, napansin ko namang nawala siya sa sala at isinara yun.
"papasok kami" arthur
"a-anong gagawin niyo sa loob? matutulog na ako! ginugulo niyo pa ako" nasabi ko
"papunta na dito si katy" louis at nakatingin sa phone niya.
"sasamahan ka nalang namin dito matulog ngayong gabi, tsaka marami kaming dala!" itinaas ni arthur yung mga cd's niya.
"mga thriller/suspense movies ang mga yan" pangiting sabi ni louis "at may dadalhin din si katy"
"anong dadalhin?" natanong ko at napakamot sa ulo, hindi ako mapakali.
biglang may nahulog sa loob kaya napatingin kaming tatlo sa isat isa.
"ano yun?" arthur at papasok sana pero pinigilan ko kaya nagtaka siya.
"wa-wala yun, ahhh mamaya kana pumasok hintayin niyo muna si katy o sundu.in, maglilinis lang ako sa kalat ko sa loob, nakakahiya naman sa inyo" nasabi ko, nagtinginan sila at sumang-ayon kaya umalis silang dalawa, napahinga ako ng maayos at dali daling pumasok para hanapin si jacob.
"jacob?" mahinang sigaw ko, nakita ko siyang lumabas sa may kusina.
"umalis naba sila?"
"hmmm oo, actually babalik ang mga yun dito, hindi ko na mapigilan eh gusto nilang tumambay ngayong gabi dito, kaya ibig sabihin niyan, bumalik kana muna sa bahay mo" mahinang sabi ko at napansin kong nalungkot yung mukha niya tsaka tumango.
"sige, mag ingat ka" sabi niya at naglakad papuntang kwarto. Napatingin lang ako sa kanya hanggang sa nawala siya maya maya nakarinig na ako ng mga tawanan at inabangan ko na sila sa pinto.
"may dala akong beers!" katy , kaya naman pala.
"pwede naba kaming pumasok?" arthur at tiningnan ako ng nakakaloko.
"pwede na" nasabi ko at binuksan ang pinto.
"parang kanina lang parang ayaw mo magpapasok" louis at tumawa sila ni arthur.
"may kababalaghan kabang ginagawa?" arthur at tumawa pa, inirapan ko nalang sila.
"bakit ba ang dilim dito? mukhang nasa creepy house lang ang datingan" katy, binuksan ko naman yung mga ilaw at sabay sabay kaming napatabon sa mga mata namin dahil sa liwanag, ano ba yan nasanay akong madilim kaya natawa ako, naalala ko si jacob.
"weird, bakit ka tumatawa diyan?" arthur, napatingin ako sa kanila na nakatingin pala sa akin kaya natahimik ako at inayos nag sarili.

BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Gizem / Gerilim"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"