ONCE IN A BLUE MOON BOY 8

36 0 0
                                        

EIGHT: MGA BAGONG MUKHA

Mag-aalas dos na nang hapon nang magising ako sa silid ni katy. Mabigat yung pakiramdam ko at nauuhaw ako na parang gusto kong uminom ng isang litrong malamig na tubig.

"good! gumising ka rin" katy at may dalang malamig na tubig sa hawak niyang baso, agad kong kinuha at ininom yun ng walang pag alinlangan. "girl easy lang baka mabila.ukan ka, alam mo hindi ko maintindihan yung feeling ko kagabi, tapos uhaw na uhaw ako ngayon pagkagising ko, ikaw rin ba?"

"nauuhaw rin talaga ako" nasabi ko at tumayo para pumasok sa banyo niya at manghilamos. Pagkalabas ko ng banyo nang mapatingin ako sa mukha ni katy nag flashback lahat ng nangyari sa akin kagabi, shit? sasabihin ko bang na drugs kami kagabi? wag nalang baka mag overreact patong isa.

"ngapala, nasa baba si tito nagtaka kung bakit dito ka natulog kaya bilis, magbihis ka na nang damit pangbahay" nasabi niya at itinapon yung damit ko kagabi, agad akong nagbihis at sabay na kaming bumaba, nakita ko kaagad likuran ni papa na naka upo sa sofa nila katy.

"oh girls! tulungan niyo nga ako" at agad kong kinuha yung tray ng juice na hawak ni tita gwen tapos bumalik silang dalawa sa kusina. Habang papalapit ako kay papa narinig ko yung topic nila sa kausap niya sa cellphone.

"ilang taon yung babaeng nakitang patay na? saan? sa madilim na kalye? malapit sa bahay na may party kagabi? okay, 20? anong suot? itim na pants at top din?" nagulat ako sa narinig ko kaya dahan dahan kong nilagay yung tray sa mesa. "oh hayley? teka tatapusin ko lang to" nasabi niya sa akin at lumayo, napatingin naman ako sa maliit na journal notebook niya.

Mich Helera
20 years old
may katangkaran
suot: maitim na pants at maitim ang sleeveless
natagpuan sa **** galing sa isang black party / candy = drugs

teka, parang ito yung? party na dinaluhan namin kagabi?!

"hayley!"

"po!"

nagulat ako at agad kong binitawan yung notebook.

"aalis muna ako"

"ha? may problema po ba?"

"oh san ka? aalis kaba?" tanong ni tita gwen na may dalang pagkain kay papa.

"oo, urgent eh may nakitang bangkay malapit dito sa village, maiiwan ko muna kayo" pagmamadali niya sabay kuha ng journal niya kaya wala na kaming magawa, nag tinginan naman kami ni katy.

"Jusko, bumalik na naman" tita gwen at napakain.

"anong ibig mong sabihin tita?"

"last year, summer din yun! may namatay na schoolmate namin, tapos sunod sunod na, ewan ganun talaga ang nangyayari sa village nato"

"kaya ayaw kong pumupunta kayo sa mga party kasi doon kadalasan nagagawa ang krimen" tita kaya napalunok ako at napa inom ng juice.

"nako! mom, hindi kami ganyan ni hayley" katy at nag wink sa akin.

"siguraduhin niyo lang kung ayaw niyong sumunod sa mga babaeng kinukuha ng mga masasamang tao dito"

"babae lang po ba ang pinapatay?"

"hmmm, oo iha"

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon