chapter 24
Hayley's PoV
napapatingin ako sa bintana ni jacob, ganun parin sarado at puno ng mga nakatakip na newspaper, nandyan kaya siya? ilang araw na, sabado ngayon at sabi ni arthur mamayang gabi ay nakatakda ang kanilang pagpupulong. Isinara ko yung kurtina pero saktong may narinig ako sa kabilang bintana kaya agad kong inalis yun napansin kong bumukas ng konti yung bintana niya. Nandyan siya. I'm still thinking about the dream i had with him, humihingi siya ng tulong sa akin at hindi ako papayag na may mangyari kay jacob, umaasa parin ako na magiging okay siya pagkatapos ng blue moon. Gagawa ako ng paraan na hindi siya kunin ng poon na yun, kahit anong paraan.
"hayleeeyy!!" pagtatawag ni papa kaya agad akong bumaba, nakita ko si louis na nakatayo doon at kumaway. "nandito na ang sundo mo, mag iingat kayo" at tumango kaming pareho, may usapan kasi kami ni louis na lalabas dahil ini insist niya kahit ayaw ko napapayag niya ako makakahindi kaba sa charm ni louis?! lol
pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya napangiti ako sa kanya.
"okay kalang ba?" tanong niya ng magsimula siyang magmaneho, tumango lang ako at umalis kami doon. Sabi niya kakain kami sa bagong restaurant na mala riverdale daw ang style, gusto niya akong dalhin doon medyo fan siya eh lol nang makarating kami hindi nga ako binigo ng excitement ko, kuhang kuha yung imagination ko sa lugar na nakatayo ako ngayon feeling ko nasa series nga ako tapos kasama ko ngayon ang jughead ng buhay ko lol joke lang syempre mas gwapo si cole sprouse sorry louis lol
"sabi na sayo eh!" at hinila niya ako papasok, mas lalo akong namangha sa atmosphere ng loob. Pina upo niya ako at may lumapit na waitress sa amin, ngumiti si louis sa kanya at itinuro yung mga gusto niyang order. Napatingin nalang ako sa labas dahil biglang umulan luh? bakit ganun.
"louis umulan" nasabi ko at narinig ko siyang tumawa kaya tiningnan ko siya
"i know, may mata din po ako" kaya ngayon ko lang na realize na nakatingin din siya sa labas, loko. Kaya nagtawanan nalang kami.
"ngapala, papano mo nalaman ang lugar nato?" natanong ko
"sikat to online! haha nagulat nga ako na may ganitong kainan dito eh malapit sa lugar natin, hindi kaba nag sosocmed?"
"hindi masyado, alam mo na busy ako sa school tapos yung mga nangyayari pa sa village" mahinang sabi ko
"ahh ganun pala, actually nakapunta na ako sa mga ganitong klaseng diner sa states kaya medyo alam mo na, pero iba parin na may ganito sa pilipinas haha" nasabi niya sabay tawa "hmmm masyado ba akong madaldal?" siguro napansin niyang tahimik lang ako pero nakikitawa ako ha
"hindi naman, sakto lang"
"malungkot kaba?" at napatingin ako sa ulan
"hindi rin, ano kaba louis huwag mo akong isipin" at ngumiti ako sa kanya
"yung totoo hay? dahil bato sa pagkawala ni jayden? sa mga nanyayari? nag-aalala kaba na may mangyayari sayo?" at hinawakan niya ang kamay ko "sabi ko na sayo diba? hindi ako papayag sa kung ano man ang gawin nila sayo, kaya ako nandito dahil sayo, i will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit"
"nako louis, ibang usapan na kung buhay ang kapalit" at kinuha ko ang kamay ko "ayaw kong may mawala sa inyo ng dahil sa akin" at napansin ko ang lungkot sa mga mata niya "kakayanin ko kung ano man ang kahihinatnan ko" at ngumiti ako sa kanya pero hindi parin nagbabago ang lungkot ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"