TWO: BLOODY VALENTINE
Valentines day. At sa black village may magaganap na pagtitipon na pasimuno ng mag-asawang mr. and mrs. black (ang may-ari nitong village, halata naman sa apelyedo at mayaman sila) lahat ng nakatira kailangan pumunta sa valentines event na yun at ang theme? black valentines ang galing diba?! iba rin tong natirhan namin, natatawa ako ngayon dahil tinitingnan ko si dad na nagsusukat ng black suit niya, hindi sanay ang dad ko sa mga ganitong bagay pero dahil sa pamimilit si aunt gwen napa oo siya total pareho silang walang partner kaya sila nalang, kami naman ni katy napag pasyahan naming hindi sumama para may maiiwang tao yung bahay namin.
"pinagtatawanan mo ba ako anak?" seryosong tanong ni dad habang nakatingin siya sa salamin ng shop.
"hmm, ngayon ko lang kayo nakitang nag suit papa eh, bagay pala sainyo"
at napansin kong napangiti siya at hinarap ako para ipakita kung okay lang ba yung damit.
"ayus naba to? sale to eh, sayang naman mabuti nga hindi malaki tong tyan ko" at hinawakan niya yung tyan niya kaya natawa ako at nilapitan siya.
"bagay na bagay po! sigurado ma-a-amaze si tita gwen pag nakita kayo sa ayus niyo mamaya" at inayos ko yung kwelyo niya.
"talaga? dahil sa comment mo, kukunin ko nato" at umalis siya para hubadin yun tsaka bayaran, naghintay ako sa labas kung nasaan yung kotse namin.
Pagkatapos namin ni dad makabili ng suit at kumain sa labas ay umuwi na kami, pagkababa ko sa kotse napatingin ako sa creepy house, iniisip ko kung pupunta rin ba ang may-ari sa v-event mamaya? ano kayang itsura niya no?
"hayley, tulungan mo nga ako na ipasok sa loob tong mga groceries" at tumango ako tsaka agad na tinulungan si papa, pagkatapos naming ma e arrange yung mga pinamili naming groceries biglang may tumawag sa akin kaya agad akong lumabas at nakita ko yung magkapatid na parehong nakangiti sa akin ngayon, inopen ko yung gate para maka usap sila.
"oh? bakit kayo napatawag?"
"hi! sasama kaba sa papa mo mamaya?" arthur
"hindi eh, kayo?" at napatingin ako kay louis na may dalang bulaklak.
"ahh si louis lang, may date ata dun sa event yan" arthur at itinago niya yung dalang flowers niya kaya napangiti ako sa kanya.
"iba din! may girlfriend ka pala? o date lang?" natanong ko.
"wa wala to" nasabi niya at umiwas ng tingin.
"anong pinag uusapan niyo dyan?" sigaw ni katy at sabay sabay kaming napatingin sa kanya.
"sasama kaba sa event mamaya?" louis at ngumiti si katy.
"nope, may gagawin kami ni hayley mamaya eh"
"ano?" arthur
"iinom! haha!" katy at tumawa na parang tanga.
"seryoso?" louis
"ayus! sabay ako, sa bahay nalang namin" arthur
"pwede!" katy at tiningnan ako, tss
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"
