ONCE IN A BLUE MOON BOY 28

3 0 0
                                    

chapter 28

Hayley's POV

napatitig ako sa cake at naalala ko ang masaya naming pamilya tuwing birthday ko pero ngayon, nag iisa ako habang sinisindihan ko ang nag iisang kandila, ang saya diba?

"anak?"

agad akong napatingin kay papa na kadarating lang kaya napatakbo ako sa kanya para yakapin siya, umiiyak ako na parang tanga ngayon.

"papa!"

"mabutit umuwi kana, saan ka galing? hinanap kita anak, kahit mga kaibigan mo hindi alam kung nasaan ka? okay kalang? kumakain kaba lagi? ha?" at hinawakan niya ang pisngi ko tsaka siya napa iyak ng hindi niya namamalayan, papa? sorry

"huwag po kayong mag alala okay po ako" nasabi ko at napapahid ng mga luha "kayo papa? okay lang ba kayo? sorry po, naiintidihan ko na lahat papa sorry talaga, namiss ko kayo"

"namiss din kita anak, sana hindi kana aalis" at ngumiti siya sa akin "happy birthday hayley anak"

"thank you papa" at itinuro ko yung cake "nakita ko po, naalala ko tuloy si mama"

"pasensya kana, yan lang mabibigay ko anak sorry talaga, nagkukulang na ang papa mo"

"hindi po, huwag niyo nang isipin yun" at ngumiti ako sa kanya "kainin nalang po natin yung cake" tsaka siya tumango at ginulo ang buhok ko.

pagkatapos naming gawing hapunan yung cake ay agad akong tumulong sa kanya na linisin ang bahay, medyo makalat lang naman MEDYO lol pero kahit ganun masaya kami ni papa na naglilinis okay?

"papa!" tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin

"bakit anak?"

"alam niyo naman siguro ang mangyayari next week?" at napakamot ako "anong plano niyo?" natanong ko at nasa isip ko ngayon kung paano ko mailalayo ang papa ko dito dahil sa sinabi ni alessa na impormasyon sa akin, sasabihin ko ba?

"akong bahala anak, huwag mo nang isipin yun hindi ko naman hahayaang mapahamak ka" at lumapit siya sa akin "basta huwag kanang umalis okay?"

"papa, kung hindi ako aalis sigurado ako"

"diba sabi ko sayo, ako ang bahala?"

"pero pa—-

"hayley" at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko "makinig ka nalang okay? gagawin ko yung tama at nararapat, magtiwala ka sa akin anak" may tiwala naman talaga ako sa kanya pero yung sinabi ni alessa, ayaw kong masaktan siya at ayaw kong may gawin sila sa kanya.

"pa, umalis nalang kaya tayo dito?"

at napayuko siya tsaka huminga ng malalim.

"kung pwede lang sana anak pero hindi na tayo basta bastang makakaalis dito, susundan at susundan parin nila tayo"

"so anong ibig sabihin ng sinasabi niyong kayo ang bahala?"

at biglang tumunog ang phone niya kaya binaling niya yung tingin doon tsaka umalis para sagutin yun, nakatingin lang ako sa kanya habang nag iisip ng sasabihin. Paano ba? at napansin ko nalang siyang nagmamadaling nagbihis ng uniporme.

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon