ONCE IN A BLUE MOON 10

18 0 3
                                    

TEN: 3Am

Lahat ba tayo natatakot sa oras ng alas 3? well, ako oo! parang gusto kong umatras sa gagawin ko, nakatayo ako dala yung cellphone ko sa harap ng bahay ni jacob. Dahan dahan kong binuksan yung pinto kasi kanina pa ako katok ng katok at walang nagbubukas, kainis. Bigla namang may sumalubong na malamig na hangin sa akin pagkapasok ko. Chills

"jacob? jacooob?" pagtatawag ko, napatingin ako sa paligid dahil walang sumasagot. Nagpa ilaw ako gamit yung flashlight ko sa cellphone para matingnan yung bawat daanan ko naka off pa naman yung ilaw niya sa maindoor kaya wala talagang liwanag.

"jacoob? nandito na ako! nasaan kaba?" natigilan ako ng may kung anong maingay sa may kusina. Dahan dahan akong pumunta doon para tingnan kung ano yun, teka bumalik na naman yung amoy.

"pucha!" napasigaw ako ng makita ko yung aso na kinakain yung patay na manok shit, kaya napaatras ako dahil napansin ako nito, buti nalang bumalik siya sa pagkain, napadpad ako doon sa pinto na sinasabi nilang papunta daw yun sa basement nitong bahay, napaharap ako sa pinto at hinawakan ang doorknob nun para buksan, noon paman curious na kami lahat kung anong meron dito eh pero ayaw talaga bumukas. Pinagpawisan akong pilitin na mabuksan yun at sa huli sumuko ako. Takte, loko rin ang jacob na yun mahigit 30 mins na ako rito, ang dilim at ang lamig pa.

"jacob nasan kana ba?"

lumakad ako papuntang sala, napagtuonan ko ng pansin yung mga lumang painting hanggang sa may napansin akong picture frame na puno na nang alikabok. The last time na titingnan ko sana to ay hindi ko natuloy, gusto kong makita ang nag iisang picture sa bahay nato, aabutin ko na sana nang..

"hayley" alisto akong napaharap sa kanya.

"jacob?"

"ako nga"

"bakit ngayon kalang?!" nasabi ko at tiningnan niya lang ako ng seryoso.

"kanina kapa pala? pasensya na, may ginawa lang ako sa trabaho" napatingin siya sa cellphone ko "pakipatay ng ilaw kung pwede?"

"so sorry" nasabi ko at pinatay yun. Hinila niya ako bigla kaya magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa piano niya, pina upo niya ako sa tabi niya at nagsimula siyang tumugtog.

napatitig lang ako kay jacob buong tugtog niya kung gaano siya ka seryoso sa ginagawa niya, nakakahanga. Siguro kung naging normal lang siya...

"ahh jacob? diba may sasabihin ka?"

napahinto siya at tiningnan ako.

"sana kapag masabi ko na yung gusto kong sabihin sayo, hindi ka sana magagalit sa akin o kaya baka iiwasan mo na ako"

"ano nga yun? malapit nang mag umaga jacob, tsaka inaantok na ako" nasabi ko tapos nagulat ako sa sumunod na nangyari..

bigla niya akong hinalikan, dahilan para mawala yung antok na kaluluwa ko. Nakapikit siya, diba pag nakapikit daw ang isang tao na humahalik ibig sabihin nun hindi biro yung nararamdaman niya? ganito rin si jayden sakin, so ibig sabihin ba nito? agad naman siyang lumayo kaya naging awkward akong napatingin sa kanya.

"nagulat kaba?"

seryoso?! tatanungin niya talaga to?!

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon