ONCE IN A BLUE MOON BOY 20

3 0 0
                                        

chapter 20: be safe

"anak" tawag ni papa sa akin sa kusina habang nakatingin kay jayden sa sala na tahimik na nakatingin sa tv

"po papa" alam ko na magtatanong nato

"matagal naba kayong hiwalay ni jay?"

at tumango ako

"sorry po kung hindi ko sinabi"

"okay kalang?" pag aalalang tanong niya

"opo naman" at niyakap niya ako "huwag po kayong mag alala, kaya ko naman"

"alam ko matapang ka anak pero kailangan niyo atang mag usap ni jay, kailangang okay yung paghihiwalay niyo" at tumango nalang ako at napatingin kay jay "sige na"

"okay lang po ba kung sa kwarto kami mag uusap?"

"may tiwala naman ako sa inyo" at ngumiti siya

"papa! hiwalay na kami okay?" at tumawa siya

"sige na ako nalang magsasabi sa kanya na pumunta sa kwarto mo" at yun nga, naghintay ako kay jay na pumuntang kwarto, tss mukhang may ma a awkward ngayon ah?

may kumatok kaya agad akong sumagot na pumasok, nakahanda na yung upuan niya na malayo sa akin at kung uupo siya roon magkaharap kami, kailangan kong dumistansya baka mamaya ano pang gawin niya.

"maupo ka" nasabi ko at itinuro yung upuan tumango siya tsaka pormal na umupo doon

"sorry kanina" agad na sabi niya "hindi ko na sasayangin ang pagkakataon nato , kaya ako pumunta dito para ayusin tayo hay, sana maniwala ka na nagsisisi ako sa nangyari na hinayaan ko ang sarili ko na gumawa ng ikasisira ng relasyon natin, sorry sorry talaga" at bigla siyang lumuhod "para akong mababaliw pag naiisip kong wala na tayo, hindi ko pala kaya hay" at napansin kong napapahid siya sa mga mata niya, i know him i know how sorry he is right now! ramdam ko pero yung pride ko talaga nanaig, masakit parin kasi at minsan lang ako magtiwala.

"jay, tayo ka diyan hindi mo kailangan lumuhod sa harapan ko kasi wala na talaga tayong dapat ayusin" at hindi siya nakikinig nakaluhod parin siya wtf hindi ko pa naman gusto ang niluluhuran ako, hindi naman ako santo eh.

"please, give me another chance i'll promise you that i will not hurt you again, pleaseee"

"sorry jay, mapapatawad lang kita pero hindi na ako babalik sayo" nasabi ko at tumayo para lapitan siya "sige na tayo na diyan" at hinawakan ang magkabilang balikat niya para tulungan siyang tumayo, nagulat ako ng yakapin niya ang mga legs ko like wtf?

"pleaseee naman hay, gusto kong bumalik tayo sa dati pleasee"

"jay makinig ka naman, hindi mo na ako mapipilit" at kinukuha ko yung mga kamay niya na nakapulupot sa legs ko "tama na, kung di ka bibitaw talagang sisigaw ako rito—- nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at tinakpan ang bibig ko kasabay nun ang pagtulak niya sa akin ng marahas sa kama. Nanlaki yung mga mata ko ng may kinuha siyang panyo sa bulsa tsaka mabilis na iginapos sa bunganga ko what the?! anong ginagawa niya? gusto kong sumigaw pero mahigpit yung pagkakatali ng panyo sa bunganga ko tapos tinalian niya din ang mga kamay at paa ko, nang matapos siya ay pangiti siyang tumingin sa akin.

"hayley alam mo naman kung gaano ko kagusto makuha ka, hindi ako papayag na may ibang hahawak sayo" nasabi niya at hinawakan ang pisngi ko na ikina inis ko tangina! gusto ko siyang murahan dahil ang gago niyang tingnan ngayon, ang libug niya! hindi nga ako nagkakamali minsan sa pag iisip ko na may pagka manyakis nga tong si jayden pero pinipigilan niya lang, gusto kong maiyak ng may inilabas siyang maliit na kutsilyo tsaka itinutok yun sa akin, gusto kong tawagin si papa kaya lang...

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon