chapter 29
Hayley's POV
Umalis kami ni zac sa hospital bago pa kami maabutan ng parents ni alessa, tahimik akong nakatingin sa daan pauwi sa bahay ni jeric. Akala ko mababawasan ang lungkot ko pati ang mga iniisip ko ngayong araw dahil sa ginawa ni zac pero mukhang nadagdagan ang iisipin ko dahil nawawala ang kaibigan kong si katy.
"nandito na tayo" zac at pinagbuksan ako, mapait akong ngumiti sa kanya. "alam ko ang ngiting yan"
"tss paano ako makakatulog ng maayos ngayong gabi zac , ngayong nalaman kong nawawala si katy , paano si tita gwen? sigurado akong nag-aalala na siya sa nag iisa niyang anak"
"bukas na bukas maghahanap tayo sa kanya" rinig ko kay zac "sa ngayon kailangan mo munang magpahinga hay" at tumango nalang ako. Wala rin naman kasi akong magagawa eh.
pagkapasok namin sa bahay ni jeric, pareho kaming nagulat ni zac sa taong naka upo sa sala, madilim ang buong paligi at sa gilid niya ang may ari ng bahay na nakatali tapos nakapiring ang mata.
"jacob?" nasabi ko
"hindi siya si jacob" nasabi ni zac at hinawakan ako sa braso "jeric!"
"hay nako dinamay na ako ah?" kalmang sabi ni jeric at napalingo "tulungan niyo naman ako guys!"
napatingin ako sa taong katabi niya at biglang umilaw yung lampshade , naka sumbrero at as usual yung pormal na itim niyang damit. Jacob? o yung... napalunok ako dahil nakangiti siya amin ngayon na nakaka werdo.
"simple lang ang gusto ko, ibigay mo sa akin si hayley" nasabi niya at tumayo.
"umalis na kayo!" jeric
"bago mo makuha si hayley, dadaan ka muna sa akin" zac at hinila ako papuntang likuran niya.
at tumawa ito tsaka naglabas ng patalim sa gilid niya.
"talaga ha? tss madali lang naman akong kausap" at bigla siyang lumapit kay jeric sa gulat ko napasigaw ako pero alam niyo na mabilis si zac at sinugod niya ito para agawin yung patalim bago pa siya may gawin kay jeric, naging magulo yung paligid hanggang sa natapon yung patalim at nag suntukan sila.
"ahh sht! tulong naman dito!" sigaw ni jeric kaya nalipat yung atensyon ko sa kanya at tumakbo papunta sa kanya para kalasin yung mga tali. "thanks!" nasabi niya at hinila ako para lumabas. Nahinto naman yung dalawa ng mapansing itinakas na ako ni jeric dahil sabay sabay silang sumigaw sa pangalan ko.
meanwhile, hindi talaga kami umalis sa lugar bagkos dinala ako ni jeric sa madamong bahagi ng bahay na may naglalakihang mga puno, pareho kaming nakamasid sa bahay niya habang nagtatago sa malaking bato.
"nakita mo bang may lumabas sa isa sa kanila? nag aalala ako kay zac" nasabi ko
"huwag kang mag alala sa mokong na yun, malakas yun"
"kanina pa tayo nandito, baka pwede na tayong bumalik"
"not sure, baka nandoon pa yung weirdo sa loob no! tsk imbes na ayaw kong makialam parang gusto ko nang makisali sa gulo niyo" nasabi niya at napaayos ng sarili "ang tahimik ng buhay ko para bulabugin ng ganun, i'm going to talk about this to my parents" parang batang sabi niya at sumimangot.
![](https://img.wattpad.com/cover/244208339-288-k580693.jpg)
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"