ONCE IN A BLUE MOON BOY 34

6 0 0
                                        

chapter 34: Bluemoon

Jacob's POV

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko, unti unti ko na namang nararamdaman ang hirap ng paghinga ko kaya mas tinatagan ko pa ang sarili kong umasta na parang poon upang hindi mahalata ng iba, gusto ko pang balikan si hayley at iligtas siya sa mga sandaling to kaya kailangan, pipilitin kong huminga ng maayos. Binilisan ko naman ang paglalakad ng makabawi ako ng lakas at tinungo ang silid kung nasaan si hayley, binubuka at sinasarado ko ng mabilis ang mga mata ko at pawisang nakatayo ngayon sa pintoan kung nasaan nasa loob si hayley.

"jacob!" mabilis na sabi niya at hinagkan ako, nanikip naman lalo ang puso ko pero ngumingiti parin ako sa kanya. Napatingin ako sa buong mukha ng babaeng gusto ko sanang makasama sa habangbuhay pero kailangan ko siyang bitawan ngayon. Gusto ng mga luha kong lumabas pero hindi ko sila pinayagan kasi ayaw kong magtaka si hayley na makikita akong umiyak sa harap niya baka ano pang isipin niya. Ito na ang huli at hindi na tayo muling magkikita hayley.

"hayley" bulong ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya "patawarin mo ako dahil nangyari ang lahat ng to sayo"

"wala kang kasalanan jacob, pakana to ng pamilya mo, hindi mo rin naman ginusto to diba?" at tumango ako "sabay tayong aalis dito"

"a..alam ko" nasabi ko nalang at umiwas ng tingin sa kanya.

"kaya tara na"

"hayley, mahal kita" nasabi ko tsaka pinigilan muna siyang lumakad at tumingin ulit sa kanya.

"ha? ahhh jacob, hindi ba parang ang wrong timing mong mag confess, sa ganito talagang sitwasyon?"

"bago mahuli ang lahat hayley, kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko para sayo kahit papano alam mo" napangiti naman siya.

"alam ko pero hindi ko alam kung anong dapat kong e response sayo, naguguluhan pa ako lalo na sa sitwasyon natin—-

at hinalikan ko siya.

"mahal kita" nasabi ko at nakaramdam ulit ako ng paninikip ng dibdib kaya napapikit nalang ako at ngumiti sa kanya naging tahimik naman siya at ni isang salita wala siyang sinabi. Kaya naisip ko nalang na baka kailangan na nga naming kumilos, hinawakan ko ang kamay niya tsaka hinila siya para lumabas doon.

Hayley's POV

higpit na higpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni jacob at ma ingat kaming bumaba para tumungo sa pupuntahan namin.

"at saan kayo pupunta?" natigil kami ni jacob ng biglang hinarangan kami nila jeric kasama si tin at mga tauhan nito. "hindi nga talaga ako nagkakamali sa hinala ko kanina pa" nasabi niya at ngumiti sa amin. Naging tahimik naman kami at hinila ako ni jacob para pumunta sa kabilang direksyon pero may humarang na naman sa amin. "ano ba guys! isang oras nalang ang natitira! balak niyo ba talagang tumakas pa dito?! tin! kunin mo si hayley" at aaksiyon sanang lumapit si tin sa akin ng naglabas si jacob ng patalim niya.

"hayaan niyo si hayley na makalabas dito!" seryosong sabi niya at itinutok kay tin yung dala niya.

"haha! sa tingin mo madadala mo kami sa ganyan jacob? importante ang magaganap mamaya at napaka precious ni hayley para hayaan namin siyang makalabas dito! diba? ito ang araw na pinakahihintay mo?! ng mga magulang mo?! anong klaseng kalokohan to?! hindi ako sumang ayon sa lahat para sa wala!" jeric at sumenyas sa iba pa niyang mga kasama kaya mabilis naman na nakuha ni jacob ang pahiwatig na yun tsaka itinulak ako ng mahina palayo para makipaglaban siya sa lahat ng lalapit sa akin. Pero mabilis si tin at agad akong hinila tsaka hinawakan sa leeg.

"tin please" nagmamakaawang sabi ko.

"jacob! tingnan mo nga naman kung anong meron sa tabi ko" jeric at naglabas ng baril tsaka itinutok sa ulo ko.

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon