ONCE IN A BLUE MOON BOY 17

5 0 0
                                        

chapter 17

Dumaan ang nagdaang araw at pinalipas namin ni katy yung nangyari noong isang gabi, ngayon nag iingat na kami at parang hindi na ako nag iisa ngayon na kailangan mag-alala para sa sarili, dalawa na kami ni katy.

Hayley's POV

"nasaan si arth?" tanong ni alessa nang makita niya kami ni katy na kumakain dito sa cafeteria

"bakit? hindi ba dapat kayo yung magkasama?" tanong ni katy

"2 days na siyang hindi pumapasok, so kayo? kanino kayo sumasakay?" alessa

"nag commute kami" nasabi ko at tumango siya

"okay lang ba ang lalaking yun?" alessa

"siguro" katy at kumain, nagtatampo pato kay arthur at mukhang ayaw niyang makasama muna.

"puntahan kaya natin sa kanila? mamaya? okay?" alessa at napatingin muna ako kay katy bago sumagot, kasi kung tutuusin naniniwala parin ako kay arthur kahit hindi pa kami nag usap, alam kong may dahilan siya.

"ayoko, kayo nalang muna" nagtaka si ale kita sa mukha niya

"masama ba pakiramdam mo?" concern na tanong niya kay katy at hinawakan ang pisngi nito "wala naman, okay kalang?"

"basta" wala sa mood na sagot niya kaya napatingin si ale sa akin

"ikaw hay? sama ka mamaya?"

"pwede"

"okay! sabay na kayo sa akin sa sasakyan" at tumango ako "i will just drop you in your house babe" alessa kay katy na tumango ng tahimik

"babe?" natanong ko at mukhang nagulat si alessa tapos plastic na ngumiti

"wala kang narinig diba?" alessa at tumayo "alis na ako, may class pa ako 5 mins nalang ba bye!" sabi niya at umalis, tumingin ako kay katy

"may hindi kaba nasasabi katy? about sa inyo ni alessa?"

tahimik siyang tumingin sa akin.

"kami na" at halos mabulunan ako sa kinakain ko, hala?!

"kailan pa?"

"after noong anniversary ng parents niya" shocks!!! ngumiti ako kay katy

"mabuti kapa!" nasabi ko at biglang may napansin ako sa di kalayu-an , nakatingin sa amin yung pinsan ni alessa tapos ng mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya umalis siya sa kinatatayuan niya. luh?

pagkatapos.. uwian, nakita ko si zac na naka antay sa labas ng room ko kaya gulat na gulat ako at nagpakita to after noong nagsama kami, magulo yung itsura niya pero nakangiti parin.

"oh zac?"

"mauuna na ako sa parking ha? baka nandoon na si ale" katy at tumango ako

"kumusta?" bati niya at hinagkan ako bigla, naalala ko yung sabi ni jacob pero okay? mag oobserba ako ngayon, hindi ako magtatanong o magsasalita! go with the flow hanggang sa malaman ko kung ano ang totoo.

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon