ONCE IN A BLUE MOON BOY 32

6 0 0
                                    

Chapter 32: disperas

Hayley's POV

ano bang nangyari? ah tama tsk

Nagising ako na may iniinda sa buong katawan ko. Dahan dahan akong napabangon para suriin ang buong paligid, hindi pamilyar ang lahat ng nakikita ko para akong bumalik sa nakaraan dahil sa disenyo ng kwarto na parang palasyo, napatingin ako sa suot kong nightgown tss! tiningnan ko naman ang mga sugat kong ginamot na, may nag ligtas ba sa akin? nasaan ba talaga ako? bakit ang creepy dito! naisipan ko namang tumayo para dumungaw sa bintana, hindi naman siguro ako dinala sa malayong lugar? bubuksan ko na sana ang mahabang kurtina nang biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napaharap doon at nagulat ako sa taong nakatayo doon.

"tin?" hindi ako nagkakamali! kahit isang beses lang kaming nagkasama ni tin hindi ko nalimutan ang itsura niya, walang emosyon yung mukha niya at ibang iba yung tin na nakilala ko noon "teka! diba?! akala ko! buhay ka?!"

"hindi ka dapat umalis sa hinihigaan mo, kailangan mong magpahinga" at lumapit siya sa akin "at huwag na huwag mong bubuksan ang bintana"

"tin! nakalimutan mo naba ako?! diba nagkasama tayo?! kaibigan kayo ni zac hindi ba?! bakit buhay ka? akala namin namatay ka, anong ibig sabihin nito?" naguguluhan na ako.

"wala akong panahon para sagutin ang mga katanungan mo" at may kinuha siya sa bulsa, isang syringe na naman. Napaatras ako pero kakaiba yung kilos ni tin dahil mabilis niya akong hinawakan at walang pagdadalawang isip na ginamit ang bagay nayun sa akin.

Zac's POV

Hindi ko man lang namalayan na umalis pala sila louis at katy, sinabi naman nila ang rason kung bakit na mas lalong ikinabigla ko, wala na si alessa. Hindi na ako umimik pagkatapos nun at dumistansya sa mga taong naiwan dito ngayon, ipinagpatuloy parin nila yung plano na hindi ako sumama bagkos umalis din ako para mag isang hanapin si hayley, mukhang nagiging okay nadin yung mga sugat ko kaya naglakas loob akong pumunta ngayon sa bahay ng mga black. Ipinarada ko ang kotse ni jeric sa di kalayuan, napahigpit naman ako sa pagkakahawak sa steering wheel at inalala sila arthur at alessa, bakit kailangan pang may mawala? alam kong hindi nila ako tinuturing na kaibigan pero hindi ko rin matanggap ang mga sinapit nila dahil sa ginagawa ng black!

"sht!" kaya lumabas ako tsaka nagsindi ng yosi habang inaayos ang baril at nilagyan ng mga bala, huwag na kayong magtaka kung bakit may ganitong bagay ako ngayon, nakita ko lang din to sa kotse ni jeric.

nang maubos ko na yung yosi ko ay agad kong itinapon yun sa kung saan at isinuot yung black hoodie ko at itim na mask. Humanda kayo ngayon.

Louis POV

"disperas..." nasabi ko at napatingin kay katy na mahimbing na natutulog. Nandito kami ngayon sa bahay nila, kahapon pinasok naming dalawa ang creepy house pero wala kaming napala.

"louis? gising kana?" biglang salita niya habang pumipikit pikit pa ang mga mata kaya tumango ako "umuwi kaba sa inyo?"

"hindi pero nakita ko nang dumaan ang kotse ng parents ko kaya baka iiwan muna kita dito, may kukunin lang ako sa bahay"

"okay, bumalik ka ha?" tumayo ako tsaka nilapitan siya "ayaw kong mapag isa"

"babalik ako katy, wala din akong balak magtagal doon" at napansin kong nalungkot siya, heto na naman siya, sa pagsasama namin ni katy dito lagi na lang siyang umiiyak kusang tumutulo yung mga luha sa mga mata niya.

"alam mo bang ang huling taong nagsabi na babalik siya, na babalikan niya ako ay hindi rin bumalik?" at tuluyan na siyang humagulhol "kaya please, balikan moko dito" niyakap ko kaagad si katy.Okay she needs me.

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon