ONCE IN A BLUE MOON BOY 31

4 0 0
                                    

chapter 31: 4 days before the bluemoon

HAYLEY's POV

Itinigil ni jeric ang kotse niya sa harap ng creepy house, kinabahan naman ako at napatingin sa labas, bukas ang mga ilaw nito sa labas ng balcony kahit sa may front door.

"pwede pa tayong bumalik kung gusto mo hayley" at umiling ako. "are you sure? nandito ba siya ngayon?" at narinig kong tumawa siya ng mahina "gusto ko kasi siyang makita" tiningnan ko siya ng masama.

"umalis kana agad kapag bumaba ako" nasabi ko nalang tsaka kinuha ang flashlight.

"okay okay masusunod, tsk kailangan ko ding bumalik agad para hindi ako paghihinalaan ng iba doon" at nagpaalam kami sa isat isa, pagkalabas ko ay mabilis naman siyang nagmaneho paalis.

Jacob, nasabi ng isip ko at nakita ko yung alaga niyang pusang itim na naglalakad sa may balcony, napahinga naman ako ng malalim bago dahan dahang pumasok sa sira nitong gate, kusa namang bumukas yung pinto kaya nagulat ako. Mukhang nandito nga siya, dumoble naman ang kaba sa dibdib ko ng papalapit na ako sa nakabukas na pinto.

"jacob?" sambit ko at itinaas ang flashlight na hawak ko para ilawan ang loob.

"nandito ako" rinig ko sa boses na yun, hindi ko alam kung papasok ba ako kasi nagdadalawang isip akong maniwala kung si jacob ba talaga tong kausap ko.

"jacob ikaw ba yan? nasaan ka?"

"hayley paano ako magpapakita sayo kung may ilaw kang dala?" at dahil sa sinabi niya , naniniwala na akong si jacob nga to kaya pinatay ko yung flashlight tsaka tuluyan ng pumasok sa loob, pagkapasok ko agad namang sumara yung pinto tsaka may biglang yumakap mula sa likuran ko "ilang araw na akong naghihintay sayo, hindi ko aakalaing babalik ka dito" ang feeling nato, ang boses niya. Napaharap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, pinilit kong matingnan ang mga mata niya kahit na ang dilim ng buong paligid. Siya nga to, naramdaman ko ang lalim ng paghinga niya kaya hinaplos ko ng dahan dahan yung pisngi niya. "hayley" napapikit ako ng sandali ng sambitin niya ang pangalan ko, alam kong kinakabahan ako ngayon pero hindi dahil sa takot ako sa kanya kundi dahil.... dahil... hindi ko alam? yung puso ko ay hindi ko maintindihan sa mga oras nato.

"jacob, umalis tayo dito" mahinang sabi ko

"paano?"

"hindi ko rin alam pero gusto kong ilayo kita sa lugar nato, sumama ka sa akin ngayon" at tinitigan ang mukha niyang malabo kong matitigan ng maayos dahil sa dilim "alam kong magagamot ka sa maayos na paraan, hindi ako papayag na may mangyayari pang hindi maganda sa mga susunod na araw jacob"

"pero hindi mo alam diba?" at hinawakan ng malamig na mga kamay niya yung mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya "sa tingin mo ba madali mong makukuha ang gusto mo hayley?" at sa oras na narinig ko ang kakaibang boses na yun, tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan at marahas na itinulak ako sa kung saang parte ng bahay kaya namilipit ako sa sakit ng likod kong tumama sa kung anong matigas na bagay.

"ja...cob bakit?" nasambit ko habang iniinda ang sakit ng likuran ko.

"wala na si jacob hayley" at nang mailawan ang mukha niya sa sinag na nanggagaling sa labas ng bintana, isang nakakatakot na ngiti ang gumuhit sa mukha niya napatikom ako ng bibig dahil ang bilis niyang napalitan si jacob sa katawan nito, napaatras ako kahit parang mababaliw ako sa sakit ng likuran ko "masakit ba?" at tumawa siya "wala kanang takas ngayon hayley" at may kinuha siya mula sa likuran "kailangan mong magdusa" at lumapit siya sa akin, bigla niyang sinaksak ang hawak niyang patalim sa magkabilang hita ko kaya napasigaw ako sa sakit. Tangina!

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon