chapter 25: nakatakda
Hayley's POV
nagising ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hila hila ang nakagapos kong mga kamay ni... trixie sht? kahit yung mga paa ko nakatali rin pati yung bibig ko, pamilyar ang daanan ng lugar nato, patungo to sa lungga ng mga kulto.
"pagbabayaran nila to! kinuha na nila ang kapatid ko pati ba naman si chan?!" rinig ko kay trixie , sumasakit na yung likod at braso ko, na fe feel ko na din yung sugat ko na dumudugo. Hindi ko alam kung kakalas ba ako o ano kasi ramdam ko bigat na bigat na siya sa akin pero pinipilit niya parin akong hilain hanggang sa huminto siya at ibinagsak ako, taena! trixie ano batong ginagawa mo?! na agaw naman ang atensyon ko sa ingay na para bang may piyesta at sigaw ng isang lalaki.
"chan!" galit na sambit ni trixie at napadapo ang tingin niya sa akin "gising kana pala" at ngumiti siya na parang inosente "sorry hayley, pero pagbabayarin ko ang papa mo sa ginawa niya sa kapatid ko" nang marinig ko yun ay agad niya akong hinila tsaka sinipa yung malaking pintoan, nagulat ako sa narinig ko at mas lalong lumaki yung mga mata ko ng hawakan niya ako sa leeg at itutok yung patalim na hinugot niya sa gilid niya. "PAKAWALAN NIYO SIYA! KUNG AYAW NIYONG PATAYIN KO ANG MAHALAGANG BUHAY NATO!" galit na galit na sigaw niya kaya natahimik ang lahat, yung kaninay parang piyesta ang loob ay nabalot ng katahimikan. Pinilit kong ilibot yung paningin ko, at sabay sabay na tinanggal nila yung mga hoodies nila.
"HAYLEY!" sigaw ni louis at pupunta na sana sa akin pero may pumigil sa likuran niya, nag alala namang nakatingin si arthur, katy, alessa at zac na parehong may nagpipigil sa kanila na pumunta sa pwesto namin ni trixie. Nang mapatingin ako sa unahan napansin kong may nakasabit na lalaking wala nang suot sa itaas niyang katawan na walang malay at puro duguan na si chan.
"anak" rinig ko kay papa at aakmang lalapit nang
"SIGE! subukan mo mr. anderson! isang hakbang mo pa at mawawalan ng buhay tong nag iisang anak mo! kagaya ng ginawa mo sa kapatid ko!" at tiningnan niya ako "tama nga ang naririnig mo hayley! mamamatay tao ang ama mo! we once lived in this fucking village! at pinunterya talaga ng papa mo ang kapatid kong babae! at nang malaman kong bumalik ang hayup na yan dito, hindi ako nagdalawang isip na balikan ka din!" at tiningnan niya si papa "mukha kang mabait pero hindi mo kailanman matatago ang masama mong nakaraan mr anderson!!" at tumawa siya ng mapait "it's good to be back here! for my revenge!" at idiniin niya yung dulo ng patalim niya sa leeg ko dahilan para unti unti akong masugatan.
"teka! hindi mo naintindihan trixie! hayaan mo akong magpaliwanag!" papa at napatingin sa akin pero hindi siya makagalaw dahil alam niya na tutuluyan ako ni trixie
"talaga ha? hindi ko naintindihan? tss wala na akong pakialam sa paliwanag mo ngayon" nasabi niya
"sht! trixieeee! huwag!" sigaw ni louis
"ohhh nandito din pala ang mga kaibigan mo" trixie at kinuha yung patalim kaya nakahinga ako ng maayos, takte! ang hapdi
"tama na trixie! akala ko ba kakampi ka" zac at seryosong tiningnan si trixie
"zac!!?" alessa
"kakampi? wala akong kakampi dito maliban kay chan! ang kailangan ko lang naman eh, patayin yung taong pumatay sa kapatid ko at pakawalan si chan" trixie at nakikita ko sa mga tingin niya kay chan sa malayo na nag aalala siya.
"i'm sorry iha pero malabong mangyari ang gusto mo" isang boses na biglang nagpakita sa gilid ni chan "ito? gusto kong pakawalan to?" at bigla niyang pinalo ng sungkod niya si chan kaya napa ubo ito at nagising.
"PAKAWALAN NIYO AKO!" sigaw ni chan tsaka siya napatingin sa amin at nagtataka "tri trixie?" at napa ubo siya ng dugo.
"may gagawin kami sayo" werdong ngiti niya, it was mr. black at pinalo ulit si chan, kaya naramdaman ko yung nginig ni trixie ng sumigaw siya.
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"