ONCE IN A BLUE MOON BOY 23

5 1 0
                                    

chapter 23: his other persona

HAYLEY'S POV

"matulog kana anak" nasabi ni papa at kinumutan ako, tumango ako at inayos ang posisyon ko sa pagtulog tumayo naman siya at pinatay ang ilaw bago umalis ng kwarto. Napapikit ako at naisip si zac, okay lang kaya yun? tapos naisip ko din si jacob, hanggang ngayon clueless parin ako kung nasaan siya at kung anong nangyari sa kanya! ang dami ko na tuloy na inaalala! kailangan ko talagang magpagaling para maka ipon ng lakas at makaalis dito. Unti unti kong naramdaman ang pagka antok hanggang sa nakatulog ako.

nakaramdam ako ng haplos sa mukha kaya dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, masyado pang madilim sa buong kwarto at alam kong hindi pa sumisikat ang araw, ibabalik ko sana sa pagpikit ang mga mata ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.. boses na matagal ko nang gustong marinig.

"gising" mahinang sabi niya kaya napaharap ako sa kanya, si jacob naka upo sa gilid ng kama at pinakawalan yung pusang dala niya. Inayos ko yung pag dilat ng mga mata ko at napabangon pero naramdaman ko yung sugat ko kaya napa aray ako bigla "mag ingat ka hay" malamig na sabi niya at tinulungan akong umayos sa pagkaka upo, napatingin ako sa kanya, buhay siya! at nakikita ko siya ngayon.

"totoo ba to?" nasabi ko at napakusot ng mata "hindi ba ako nananaginip? nandito ka jacob?" at tiningnan niya ako ng seryoso, yung mga mata niyang parang pagod na pagod at walang emosyon.

"hindi to panaginip hayley" at pagkasabi niya nun bigla ko siyang niyakap

"buhay ka! nabuhay ka!" masayang sabi ko pero nagulat ako ng kunin niya yung mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya at inilayo ang sarili tsaka umiwas ng tingin.

"hindi ka dapat nagsasaya na nabuhay ako"

"pero jacob, kasalanan ko naman kasi kung bakit nangyari yun sayo"

"kahit na, hindi parin ako natutuwa sa mga nangyayari" at this time tiningnan niya ako "may nangyari sayo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko"

"bakit? may kinalaman kaba sa nangyari sa akin?" at natahimik siya.

"mahirap ipaliwanag hay at alam kong hindi mo maiintindihan yun"

"gusto kong intindihin jacob, alam mo bang"

"ano?"

"sinasabi nilang ..." napakagat ako ng labi , diba marami kang tanong kay jacob? sabihin mo na hayley! nasabi ng isip ko "halimaw karaw"

hindi siya umimik.

"jacob, may tinatago kapa ba? gusto kong maniwala sa sarili ko na hindi ka ganun , hindi ka masama, na naiipit kalang sa sitwasyon ng sakit mo kaya sumusunod kalang sa magulang mo"

at umiling siya na ikinagulat ko.

"totoo yun, may sarili akong halimaw na hindi mo pa nakikita hayley at natatakot ako na baka kapag masaksihan mo yun, lalayo ka" so totoo nga yung sinabi nila trixie pero paano ko ba yun makikita?

"pero jacob, huwag kang matakot hindi ka naman siguro ganun kasama hindi ba?" at pinilit kong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya "at hindi mo rin magagawa yung mga natamong sugat ni valerie, diba?"

ONCE IN A BLUE MOON BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon