chapter 14: who are you?
Earlier.
"hayley? gising!"
kinarga ni jacob si hayley sa isang silid at isinandal sa dingding , hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at maya maya napadilat ito sabay bigkas ng pangalan niya.
"jacob?"
"mabuti nalang nasundan kita" nasabi ni jacob
"pero paano ka napunta dito? bakit ko alam na nandito ako?" at unti unti siyang bumalik sa normal
"please hindi ito ang tamang oras para magtanong ng kung ano, ang importante hindi ka niya nasaktan" at napatingin tingin siya sa paligid, kumunot ang noo ni hayley sa sinabing yun ni jacob
"jacob bakit parang ramdam ko nagsisinungaling ka?"
at napatingin si jacob sa kanya.
"magkakilala ba kayo ni zac?" pahabol na tanong niya at napayuko si jacob.
"hindi ko alam ang pinagsasabi mo hayley sana maniwala ka"
"sino kaba talaga?" at napatayo si hayley kaya nagkatitigan sila ni jacob ng matagal hanggang sa nakarinig silang pareho sa mga boses nila katy at alessa sa hallway, agad na nagtago si jacob at napagpasyahan ni hayley na magpanggap na hindi okay para hindi halatang may kausap siya sa loob, bago siya nagpakita kina katy tiningnan niya muna saglit si jacob na nagtatago sa madilim na parte ng silid tsaka na lumabas. Nagtataka na si hayley sa mga tao sa paligid niya,m at hindi na niya alam kung sino ang kanyang paniniwalaan dahil habang tumatagal lumalapit siya sa kapahamakan.
Hayley's POV
agad akong lumayo kay zac nang marealize kong medyo tumagal yung halikan namin sht?
"pa pasensya na" at umiwas ako ng tingin, napangiti naman siya at ang gago niya
"ahhh ba bakit mo ako, alam mo na? yung ginawa natin ngayon lang?" at napamulsa siya, bakas sa mukha niya na masaya siya, naisip ko naman siguro wala na si jacob sa labas kahit na medyo galit ako sa isang yun pinoprotektahan ko parin siya.
"ahhh nabigla lang din ako zac! at kung pwede kalimutan mo yun, baka sanhi yun ng sumasakit kong ulo" nasabi ko at binuksan yung pinto "labas na, gusto ko nang magpahinga" at tumango siya, mukhang nakalimutan nga niyang titingin siya sa creepy house.
"oh sige , aalis na pero hindi ko makakalimutan yun" nasabi niya at pinisil bigla ang pisngi ko bago lumabas, hayup.
"zac naman! hindi ko yun sinasadya okay?"
"okay?? whatever you say, baby!" at tumawa siya, sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas ng gate at sinigawan siyang isara ng mabuti yun, sana hindi ka titingin! masaya siyang kumaway sa akin bago pumasok sa kotse niya na ikinatuwa ko tsaka umalis, thank G! nakalimot nga siya! salamat sa lips ko ha! agad ko namang sinara ang pinto at yun napagpasyahang matulog sa sala, tinamad akong pumunta ng kwarto eh.
kinabukasan.
maaga akong nagising at lumipat sa kwarto ko para ipagpatuloy yung tulog ko bago paman dumating si papa, nagtalukbong na ako ng kumot nang biglang may narinig ako sa ilalim ng kama ko kaya napabangon ako para silipin kung ano yun, ang ayaw ko sa lahat eh yung na cu curious ako dahil kahit nakakatakot talagang gagawin ko malaman lang kung ano yun.
"jacob?" nang malinawan ako kung sino yung nasa dulo at madilim na bahagi.
"aray" at gumulong siya para lumapit sa akin kaya magkaharap yung mga mukha namin ngayon, buti nalang sarado lahat ng bintana at kurtina ko kundi maabutan talaga to ng sinag ng araw.
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"