Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter III. Debate

175 22 0
                                        

Bridgette Madrigal

*kriiiiing*

Klase na. May mga nakilala narin pala ako. Si Dennise. Kikay siya. Maganda, mabait siguro? Ewan. Hindi ko pa naman siya nakakasama eh. Pero balita ko, magkaklase kami.

"Okay, dahil first day naman natin ngayon. Hindi na muna tayo magkaklase..." Hay, buti naisip niya yan. "Mag uusap nalang tayo kung ano yung paniniwala niyo pagdating sa love..." Sabi niya. Yumg bakla kong teacher. Tss, ano pa bang dapat pag usapan dyan?

"Okay, sinong pwedeng magbigay ng sarili niyang ideya?" Sabi niya pa. Baka pagnagbigay ako ng ideya dyan kumontra silang lahat haha.

Bigla namang nagtaas ng kamay si Dennise. "Hep,hep. Ano sa tingin mo Ms. Garcia?" Ang kikay niya talaga tingnan. Nakaskirt siya ngayon tapos nakacrop top. Na kulay pink tapos yung skirt niya Green. Kikay diba? Kikay ba tawag dun? Eh?

"Hm, naniniwala po ako dyan sir! Lahat po tayo makakaranas niyan. At sigurado po akong magiging happy ending. Yung aabot sa kasalan lahat." Ayun. Okay sana siyang kaibigan eh. Kaso, hopeless romantic. Tsk.

"Ahh, good. Oh, ikaw babae ka?" Ako ba tinuturo niya?

Oo ako nga.

"Sir. Sorry po pero hindi ko po alam ang ibig sabihin niyan. No comment nalang po." Sabi ko. Kasi totoo naman.

Nagulat naman si Dennise.

"Bridgette?" Sabi niya. "Meron. Pagmamahal yun sa isang tao. Dun mo mararanasan lahat. Masaya ang feeling nun." Nagkibit balikat nalang ako. Anong akala niya? Hindi ko pa yun nararanasan? Kaya nga ako ganto eh.

Nah, bakit pa ba kailangang pag usapan yan?

May nagtaas naman ng kamay sa mga kaklase ko. May Big glasses. Maganda naman. Tapos nakapony tail.

"Sir?"

"Yes, Ms. Santiago?"

"Sir, base on the study Love is a variety of different feelings, states, and attitudes that ranges from interpersonal affection to pleasure." Wow. Kumpleto na pala kami dito eh. May nerd. Hopeless romantic. Saka ako? Eh!

Nagkaingay na sa klase namin. Andaming bulungan. Yung iba sumasang ayon yung iba hopeless romantic. Yung iba naman naniniwala sakin.

"Okay, tahimik na! Masyado ng naging mahaba ang pag uusap natin. So, class dismissed." Ayos break na! Yuuuho.

Nagmamadali na akong lumabas ng mag isa. Kala ko pa naman may makakasama na ako yung pala ako parin mag isa. Sa tingin ko kasi hindi ko kering makasama si Dennise. Baka mamaya lagi akong kontrahin nun. Sa mga love love na yan. Na may happy ending. Boyfriend boyfriend. Sus, ang malas ko pa nga eh. Pano ba naman, may isang lalaki dito sa campus. Ugh! Basta. Ayoko sakanya! Bakit dito pa siya nag enrol! Bwisit! Ginugutom tuloy ako sa pag iisip ko dito.

Dumerecho na ako sa canteen para kumain nung naramdaman kong may mga sumusunod sakin.

Nilingon ko sila.

"Uh, bakit?" Halata bang natakot sila sakin?

"A-ah. W-wala po. S-sang ayon po kasi kami sa inyo eh. Sa... sa kanina po." Yun naman pala. Kala ko stalker na eh. Haha, joke.

"Ah. Totoo naman yun eh. Sige na, una na ako sa inyo. Canteen lang."
"See you around po." Matanda ba ako? Po ng po eh. Bahala na nga

So, yun half running na ako papuntang canteen. Naiisip ko palang kung ano yung mga nakahandang pag kain dun. Ugh! Balde balde na laway ko dito eh. Joke.

Oo na. Matakaw na ako! Haha---

"Sht." Ano ba yan, first day na first day napapamura ako. Pano kasi nay bumangga sakin kaya napaupo ako. Siga niya ah!

Tiningnan ko naman. Letsugas na malutong! Si J-Jad!!!!

Inabot niya naman yung mga kamay niya para maitayo ako.

"Sorry." Nag aantay pa din yung kamay niya na abutin ko.

Pero syempre hindi ko yun aabutin.
"May paa ako." Wala sa mood na sabi niya.

"Sorry kasi nag--"

"Dapat noon mo pa sinabi yan. Hindi ko kailangan ng sorry mo." Sabay walk out. Wala na, sira na araw ko! Badtrip.

"Ate! Ito nga po. Saka ito. Saka ito. Ito. Ito. Saka dito. Salamat." Nakakabadtrip talaga. Sunugin ko mukha niya eh. Yung Jad ah. Eh! Bakit ko sinasabi yung pangalan nun! Kailangan hugasan ko bibig ko! Ugh.

"U-uh. Ito na." Kinuha ko na yung in-order ko saka kumain nang kumain.

"Keri mo yan?" Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Si Dennise. Tumango nalang ako. Wala ako sa mood dahil sa lokong yun.

"Kilala mo yung Jad?" Nanlaki yung mata ko. Gusto kong putulin tenga ko para lang hindi ko marinig yung pangalan niya.

"Hindi." Simple kong sabi. Bakit, sino ba siya? Hmp.

"Ah, nakita ko kasi kayo kanina ni Jad eh." Sige pa babae. Ulit ulit mo pa pangalan niya para kapag naputol ko tong tenga ko, ipapakain ko sayo. Sasahog ko sa lugaw. Hahaha! Ang sadista ko ba? Oo, na! Kadiri na! Sorry.

Magsasalita na dapat ako nung may biglang pumunta sa harap namin. Yung nerd. Buti naman, hindi na ako kukulitin nitong HR na to.

"Can I sit here? There's no vacant sit na kasi eh." Wow, spokining dollar ang lola niyo.

Tumango lang ako.

"Sure, Marguax." Sabi ni HR. So, Marguax pala pangalan niya at magkakilala sila ni Dennise.

"Thanks. Ang ganda ng sagot mo kanina ah."

"Based yun sa study."

"Naranasan mo na?" Umiling nama  si Marguax. Ang alam ko pinag uusapan nila yung l-lo...ve? Ish. Maski yun nag aalangan pa akong sabihin. Nah, sige mgdaldalan lang kayo dyan para hindi na ako guguluhin nitong si Dennise.

"Ah, kaya naman pala."

"Yah, kaya hindi ako naniniwala."

"Don't  worry. Mararanasan mo din yan. Pareha lang din naman tayo eh." Ah, mga NBSB pala tong mga to kaya ganun nalang yung mga sagot nila kanina.

"Ang ayos mo kausap. Buti ka pa. Hindi katulad ng BITTER  dito?" Teka! Ako ba pinariringgan mo? Pano ba naman kasi, kulang nalang idikit yung bunganga sa mukha ko.

Gayong magkatabi lang kami.

Badtrip.

"Problema mo?" Untag ko sakanya. Ngimisi naman siya, "Uyy, natamaan.--- Aray!" Pinukpok ko siya ng plastic bottle sa ulo. Wala na naman laman eh.

"Bitter na, sadista pa." Pang asar niya pa. Tumatawa tawa lang naman si Marguax.

"Atleast hindi ako hopeless romantic. Hindi ako umaasa."

"Hoy! Paghopeless romantic, umaasa agad?" Pumatong siya ssa upuan niya ng nakapamewang.

"O...o." Simple kong sagot. Saka tumayo pero sa lapag lang. Kaya bumaba nadin siya ng upuan.

"Grabe ka! Saka totoo naman eh. Lahat tayo nag aantay ng ating forever." Yung totoo? Kadiri.

"Walang. For. E. Ver!" Kalmado kong sabi.

"Duh! Kung may paniniwala kayo may Forever! Saka kung walang forever, may lifetime. Bitter!"

"Ewan ko sa'yo HR!"

"Bitter!"

"HR!"

"Tama na nga yan! Sabi mo walang forever. Sabi mo may lifetime. Ngayon, sinasabi kong walang love na ganyan. Ang meron lang yung sa pamilya, friends at syempre kay God. Kaya pwede ba? Manahimik na kayo." Himala, hindi nag english ang bruhilda.

Hay, isang nerd. Hopeless romantic. At Bitter (O inamin ko na ah!)

Goodluck samin.

Colliding HeartsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon