Bridgette Madrigal
Nagising ako dahil sa ingay ng tyan ko. I am d*mn hungry!
I checked my phone kasi napansin kong kanina pa yun tunog ng tunog.
54msgs. 13missed callls.
Srsly? Anong meron at alas otso ng umaga may ganto agad sa phone ko?
I checked some of the messages kasi hindi ko talaga alam kung anong meron.
From: Dennise Garcia
Hoy! May hindi ka sinasabi! Birthday mo palang bruha ka.From: Jad Villaflor
Pano nga pala yung documentation natin sa Values?HINDI MAN LANG AKO BINATI?
From: Marguax Santiago
Happy Birthday! See you soon.From: Ate Pangit
Hiiii, dear. Happy happy birthday! Wala kang regalo! :PAt marami pang iba. Nireplyan ko nalang rin silang lahat. Grabe, nagtagal ako dun ah. Birthday ko pala! Akalain niyo yun?
Syempre nireplayan ko din si Jad.
To: Jad Villaflor
Ewan ko, hanggang end pa naman ng class yun kaya saka nalang siguro.Bumaba na ako, tapos nadatnan ko sila mama na naghahanda.
"HAPPY BIRTHDAY!" Sabay pa sila ni Dad. Wow, i mean wow kasi andito silang dalawa. Puro work inatupag nila eh.
"Woah. Thanks mon, dad." Kain na kami with ate.
"Minsan lang to ah..." biglang nagsalita si mom, out of the blue.
"Ang alin, mom?" tanong ni Ate. Tahimik lang ako dito medyo uncomfortable ako.
"Na magkasama sama tayo."
"Ma! Ngayon pa ba tayo magdadramahan?" Kaya ate ko talaga to si Bernadette eh. Haha. Pero mas gusto niyang tawagin siyang Nad
"Hehe sorry." Sabi ni Mom, saka umaktong nagpupunas ng luha. Tinawanan lang siya ni Dad. Kaya ayun nagtawanan nalang rin kami.
Nung matapos kaming kumain, may inabot si Ate sakin. Isang maliit na papel.
"Sundin mo lang yan." Bilin ni Ate.
Lumabas ako ng bahay saka binasa yung letter.
Dumerecho ka lang sa paglalakad. Alam mo nung fourth year hs tayo, naastigan na talaga ako sa'yo. You know what? Mas pinili kong asarin ka. Ang kulit and ang cute mo kasi maasar. Hindi ko lang mapigilan.
Bitin yung letter?
"Hoy! Babae. Ang tagal tagal mo. Kanina pa akong nag aantay dito." Si Den.
"Eh, sino ba kasi yung nagsabing mag antay ka dyan?" Oo, sino nga ba?
"Eh! Basta. Oh." Sabay abot niya sakin ng isa pa ulit na sulat saka umalis.
Pero nakakakonsensiya ka rin pala asarin. Hindi ka nalang basta basta namamansin. Todo sorry ako nun. Naiiyak na nga ako nun eh.
Natawa naman ako. Seryoso? Naalala ko tuloy ulit itsura niya nun. Laughtrip.
"Tawa pa, haha.." si Marguax pala to. Basag trip. "..masaya ka talaga eh no? Happy birthday ulit. Ito oh." Again, may inabot ulit siyang letter.
Anong nakakatawa dun? Halos lahat kaya kinuntyaba ko para lang mapatawad mo ako tapos winalk out-an mo lang ako? Galing mo eh.
Wala na, tawa na ako ng tawa.
Ganto pala talaga yun no, yung mga katangahan mo dati ang sarap nalang tawanan ngayon. Hahaha."Uy, Gette. Happy Birthday ah. Ito oh." Si Prince. Grabe, ngayon pa lang talaga ako nagtataka kung bakit maraming sulat?
"Thanks."
Pero bigla atang pinana ni Kupido ang puso at sa dinamirami ba naman ng tinapat niya sakin ay yung babaeng muntik na akong paiyakin.
Yuck! Kung bitter nga ako, ito namang si Jad eh ang korni! Who is the Cupid? Come here please. Kunin mo ang mga panang nakatusok sa mga puso namin.
Did I just said that?
Wtf?
"Uh, hi Gette. Happy, happy birthday!" Si Von tapos meron ulit na sulat.
You're getting here.
Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ayun na yun eh. Napakaraming nangyari dati. Ang ilan dun; ayaw na natin alalahanin at gusto na kalimutan. Kaya ngayon, binigyan mo ulit ako ng pagkakataon...Ano yun? Bago pa man ako maiinis, bumalandra sakin yung isang place na napakaganda.
Red balloons. Red theme. Red chairs. Red tables na akala mo sasabog na. Pero I love the color red.
Pagtapak ko dun, sinalubong agad ako ng lalaking...
Okay stop masyado na akong nahahawaan ni Jad sa pagiging Corny niya -______-
Niyakap niya ako.
"Happy Birthday." Aba, babatiin niya rin pala ako eh.
"Uh, salamat."
"Happy Birthday, my past.." What?
"Past mo pa ako sa laga--" he cut me off. Ano bang trip mo?
"Happy Birthday, my present..." dinikit niya ako noo niya sa noo ko.
"And Happy birthday, my future." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. At saka niya ako tuluyang halikan.
It was a slow and passionate kiss.
I broke the kiss, ayoko namang masyado kaming langgami dito.
"I love you, Bridgette." Ugh! Ang cheesy.
"I..I love you too, Jad."
-------
A/N: Short UD.Guys, magsisimula na ang kaguluhan. So, hanap na kayo ng Bet niyo sa tatlong pair.
Comment √ Thanks.
Anyways, Bridgette Madrigal on the multi-media. Happy Birthday!
