IX. Past is Past

105 18 0
                                    

(A/N: Hiii there. Salamat sa patuloy na nagbabasa. Labyaaaa guys. Nga pala, picture nila Bridgette and Jad sa gallery section. OH YEAH! BRIJAD!

Bridgette Madrigal

*kriiiiiing*

*pak*

Lacheng alarm clock yan! Ang aga aga eh, ang ingay ingay! Haup. Haha

Anong oras na ba?

7:44 am.

Aga pa! 8pa pasok ko.

Halos malaglag ako sa kama nung narealize kong 15mins nalang late na ako.

Ewan pero tinamaan kasi ako ng insomia ko kagabi. Pambihira naman oh.

Ginaya ko na si The Flash at kung sino sino pero nakaalis parin ako ng 8:15 sa bahay. Trinay ko naman eh.

Yari ako neto, 3hrs pa naman yung first class ko at bawal nalelate dun. Terror teacher namin sa Mathematics.

Nakarating ako sa school ng 8:35 kasi kung minamalas ka talaga. Ten minutes lang kaya ang byahe kaso sinasabayan pa ng traffic.

Nakapasok ako sa may gate pero pagsilip ko sa room nagbubunganga pa yung terror na teacher.

Gusto kong pumasok pero wala. It's either tatadtarin ako ng sermon ng teacher na to or hindi ako papasok ng first time sa class ko na to.

Well, it's final. Papasok padin ako.

"Uh, ma'am. Excu--" She cut me off.
Maghanda na kayo ng tenga.

"Why are you late? Late ka ng 40minutes! Tapos magpapakita ka ngayon ng wala lang? Ano? Bakit ---" She was cut off by someone.

And that someone is, Jad?

"Kaya siya late kasi kasama ko po siya. Mabagal po ako kumilos kaya nalate din siya. Pagpasensyahan niyo na po kami ma'am. Hindi na po mauulit." Wtf just happen? Hindi ko pa pala nasasabi na si Jad yung pamangkin ng principal dito. Well, kundi nila irerespeto si Jad baka matanggal sila sa trabaho.

"Okay, pumasok na kayo." Yun lang yun? Yun lang! Hahahaha! Buti nga sayong teacher ka.

Umupo na ako sa upuan ko. Buti naman wala dito si Dennise dahil baka sugatan akong lumabas dito. Katabi ko si Marguax kaya okay lang.
"Aray!" Gusto kong sumigaw sa mga pagkakataong ito kaso baka tuluyan pa akong mapagbungangaan nitong teacher na to.

"Ay sorry, hehe." Pano kinurot ako nitong katabi ko.

"At kelan kapa natulad kay Dennise?" Akala ko pa naman makakaiwas na ako sa mga kurot kurot kasi wala dito si Dennise. Yun pala nakahawa na agad siya. Hindi ako nainform.

"Ewan, hehe. So, ano? Magkasama nga kayo ni Jad kagabi? Kayo na ba ulit?" Grabe, para na talaga siyang si Dennise.

Wait? What?

"Hoy! Anong kasama ko siya? Eh hindi ko nga nilalapitan yan eh. Pasikat lang talaga yan! Para may magawa siyang kabutihan. Kailangan niya kasi yun kasi sinusuka na siya sa impyerno. Pati yung demonyo hindi na siya matagalan dun. Saka duh! Ba't naman kami magkakabalikan? Nako, magmamadre nalang talaga ako!" Yung huling line ko, pagtingin ko sa mga kaklase ko... *gulp* napalakas ata pagkakasabi ko.

"Ms. Madrigal?!!" Napatayo naman ako sa upuan  ko ng nanginginig. Pano kung paalisin ako dito sa school? Okay lang kasi hindi ko na makikita yang villaflor na yun. Kaso baka mapatay ako ng magulang ko. Okayy, nahahawa na talaga ako kay Dennise.

"S-sorry po."

"To the principal office now!" Wow, may  galit talaga to sakin eh. Princinpal office agad? Di pwedeng guidance?

"Samahan mo siya, Jad." Tumango na si Jad tapos tumayo. Ako din, nagmadali na akong pumunta sa principal pero nahabol pa niya ako.

"Bitawan mo nga ako." Saway ko sa kanya. Duh! Kung makahawak siya sa braso, close tayo koya? Haha.

"Tabi nga." Pumasok na ako sa office kahit siya ngisi lang ng ngisi. Sabi ko sainyo eh. Baka nasapian na siya.

"G-Goodmorning po Ma'am." Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo. Close kami. It is so sad to say na yun nga ex ko nga si Jad.

"Oh, iha. Napadalaw ka?" Kwinento ko  sa kanya yung nangyari tapos tawa lang siya ng tawa.

"Mga kabataan nga naman oh. Sige,ako na bahala magsabi sa teacher mo." Tapos kinindatam niya ako. Ang cool niya lang. Haha, akalain niyo yun? Wala akong parusa. Hahha

Paglabas ko, nakita ko na naman ang pagmumukha nitong kumag na to.

"Hindi ba talaga sa'yo uso yung pagththankyou?" Umuusok na naman yung tenga at ilong ko dito? So, ako pa may kasalanan?

"San ako magtathankyou? Sa panloloko mo?" Om. Kaya hindi ako madalas magsalita kapag si Jad ang kausap ko. Naialabas ko talaga yung inis ko eh.
Nga pala, hindi ko pa nakwkwento sa inyo yung kalokohang ginawa niya.

--------------Flashback-----------
Overnight ngayon sa school namin. There's a bravery test para samin. Kasi dito daw sa school, may ghost or what-so-ever.

Nga pala, boyfriend ko si Jad Villaflor. We're fourth year students.

Pinaglakad na kami sa corridor ng school. Nakahawak ako sa bestfriend ko. Katakot nga haha. Kung hinahanap niyo si Jad. Kasama niya yung mga kaibigan niya din sa pagkakaalam ko.

We're walking nung may mapansin kami ng bestfriend ko.

Si Jad with another girl.

"Uy, si Jad yun diba?" tanong nung bestfriend ko.

"Yep." Actually okay lang sakin. Hindi naman ako mahigpit kung makikipag usap lang siya sa mga
Babae.

"HHWW?" Nagulat ako tapos napatingin sa kanila. Masyado nga silang magkadikit. At napansin  ko ngang naka-interwined yung mga daliri nila. Wtf? Sweet sila? Samantalang kami ni Jad, four months na pero di parin siya sweet sakin.

Nawala na agad ako sa mood kaya ako tumakbo papunta sa garden ng school. Wala na akong peke kung may magpakita man saking multo.

Maya maya, may humawak sa balikat akala ko multo  na pero mas matindi pa pala.

"Anong problema?"

"Seryoso kang tinatanong sakin  yan?"

---------End of flasback---------

Okay, I don't want to talk about it. Basta nagbreak kami dahil dun. Mababaw diba? Oo, kaso hindi naman yun yung unang beses eh.

"Bitawan mo nga ako." Pano, bigla bigla ba naman akong hinihila nito.

"Galit kapa ba?" Anong klaseng tanong yan?

"Tanong mo sarili mo!" Nagwalk out agad ako.

Oo, inaamin ko. May feelings pa din ako sakanya. Nagkagalitan lang kami kaya rin kami nagbreak.

What the fck? Anong sinabi ko?

"S-sorry." Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tapos unti onting humarap sa kanya.

Iyang sorry. Yan yung word na pinakaaantay kong sabihin niya yan.

"O-okay na. Past is past." Tama. Past is past. Oo!

Hindi siya nagsalita, lumapit lang siya ng lumapit sakin.

Nga pala, nasa garden pala kami.

"Pero past can affect the future diba?" Ngayon ko lang napansin na sumobra na siya sa wall na naghihiwalay samin.

Magsasalita palang sana ako, when our lips met. AGAIN.
--------
A/N: Guys, bakit feb 15 ulit? Kahapon yum diba? Haha.

Anyways, happy sunday :)

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon