XVII. His Reason

55 11 1
                                    

Bridgette Madrigal

Hindi pa siya nagsasalita. D*mn! Sobrang kalabog na ng puso ko, parang hihiwalay na siya sa katawan ko.

"Nagkikita pa kayo?" Simpleng tanong ko. Umiling siya.

"Okay." Tanong ko saka pumasok sa CR. Seryoso, hindi ako mahigpit. Anong pake ko eh dati pa yun?
Ako na nga ang nagsabi dati na Past is Past diba? Pero sabi niya Past can afftect the future. Pano kung nagkita nga sila nung girl? Tapos katulad sa sulat, hindi na siya iwan ulit?

Ugh. Ginulo ko yung buhok ko out of frustration. Saka lumabas. Kailangan kong pumunta kung saan man.

"Gette. Let me explain." Pigil ni Jad nung papalabas na ako.

"Save it." Mataray kong sagot saka dumerecho sa elevator. I contact Den. Baka di siya busy. Hindi ko na rin muna aabalahin si Marguax.

Dala dala ko parin yung sulat.

"Hello, Den."

"Yo. Bakit? Teka umiiyak ka?"

"Hindi. Basta kita tayo sa Club."

"Okay."

Dumerecho na ako sa club. Pagkadating ko dun wala pa si Den. Gusto kong umiinom. Actually, first time kong iinom ngayon.

"Kuya, tequila." Binigyan niya ako. Nanghingi pa ako ng ibang wine, beer or kung ano ano pa.

First shot.
second shot.
Sunod sunod na.

Bakit ba ako na aapektuhan ng ganto? I didn't even know the girl. Sino ba siya?

Napansin ko nalang na medyo matagal na ako nung umingay yung dance floor.

Sunod sunod parin ang pag inom ko.

"Sayaw tayo?" May nagyayaya talaga sakin sa lagay na to? *hik* Sabagay ano naman masama?

"Sure." Sabi ko saka tumayo. Grabe, umiikot na pananingin ko. Hindi ko nga kilala kung sino tong lalaking nagyaya sakin eh.

Sumayaw lang kami. Pamparty kasi yung tugtog. Pero mayamaya, naging slow dance yung kanta.

Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya tapos yung kamay niya napunta sa beywang ko.

"Shino *hik* ka?" Nahihilo na talaga ako.

"Importante pa ba yun?" Aba! Syempre.

Hindi ko na siya nasagot. Sa sobrang hilo ko bumagsak na ako sa dance floor at nadala siya.

Papikit na yung mata ko nung biglang

*Booogsh*

May nagsapakan pa ata dito. Bahala sila sa buhay nila.
----
Jad Villaflor

*Kriiiiiing*

"Hello, Den."

"Hoy! Anong ginawa mo dun sa Kaibigan ko? Gusto mo matulad kay Von?"

"Woah, chill. Bakit ka napatawag? Kasama mo ba siya?"

"Yun nga eh. Niyaya niya kasi akong magpunta sa club. Kaso hindi pala ako pwede ngayon. I texted her narin naman pero puntahan mo pa din siya. Mukhang iinom yun eh. Sige, bye."

Nagmadali na akong makapunta doon. Tama si Den baka kung ano gawin nun dun. Fvck.

Bakit niya pa kasi nabasa yung sulat? That was 4 or 5 years ago. Hindi na nga siguro kami magkaalalahanan ng pangalan ni Mrs. Teddy Bear. Oo, inaamin ko I loved her pero infatuation lang siguro yun.

classmate ko siya dati nung elementary we became bestfriends kaya ayun siguro nadeveloped.

Kaso hindi din naging kami kasi naghighschool ako sa iba.

Pumasok na ako dun sa club.

Nagkagulo naman agad. May nahimatay daw kasi kaya ko sinilip.

Isang lalaki na nakapatong sa babae.

"Oh. Ayos lang ba yang Girlfriend mo?"

"Umuwi na kaya kayo."

"Bridgette?" Sabi ko. Siya nga!

*Boooogsh*

Natumba siya sa ginawa kong pagsuntok sa kanya. Inawat naman kami agad. Habang si Gette nasa lapag pa din. Natutulog? Aba.

"Sino ka ba?" Siya pa talaga nagtanong niyan?

"G*go kaba?! Girlfriend ko siya bakit?" Natahimik naman yung gonggong kaya binuhat ko na si Gette. Uuwi na kami.

Sht! Hindi pala ako pwedeng magmotor. Dinial ko yung number nung driver ni Mommy saka pinasundo nalang yung motor ko.

Tutal malapit lang naman yung condo dito, lalakarin ko nalang.

"Hoy! Shino *hik* ka ba?" Gising na pala siya. Eh, mas malala pa pala sakin to uminom eh.

"Ibaba *hik* mo ako, dali." Binab ko siya saka nagtanong, "San ka pupunta?"

"Sha likod *hik* mo," Umangkas siya sa likod ko saka ako tumayo.

"Bakit ka ba kasi naglalasing?" Tanong ko habang buhat buhat siya. Minabuti kong maglakad nalang tutal malapit lang naman ang condo dito.

"Ha? Pano yung *hik* boyfriend ko *hik* may nabasa ako *hik* sulat. Shino ba kashi yung *hik* babaeng yun?" Nagulat ako sa sinabi niya. Tungkol nga to sa kanina.

"Natanong mo na ba siya?" Minabuti ko nalang na di sabihin sa kanya na ako to.

"Hindi *hik* bakit pa? *Hik* alam ko na naman na."

"Alam mo na ba lahat?" Natahimik siya.

"Alam mo, dapat inaalam mo muna lahat. Kasi baka matulad ulit tayo sa dati." Hindi na siya nagsalita.

Nakatulog na.
------
A/N: Sino dito team BriJad?

Thanks.

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon