Bridgette Madrigal
Vacation. Wala akong magawa kundi gumulong lang ng gumulong dito.
*Tiiiiing*
Tama! Punta ako kila Zac. Isang buwan. Andaling lumipas nung isang buwan. Madalas babad kami ni Den sa social networking sites kasi kailangan naming makausap si Marg.
Sobra pa kaming naging close ni Zac ngayon. Minsan lumalabas kami ng kami nalang.Nagbihis ako agad para makapunta sakanila. Tshirt and tokong okay na. Walking distance lang naman yung kaya Gora lang ako.
Napadaan ako sa isang park and dun ko nakita si Zac. Anong ginagawa niya dito?
And alam ko namang siya lang ang makakasagot nun kaya ko siya pinuntahan.
"What's the problem, dude? Jam naman tayo! Boring eh." Hindi parin siya umiimik.
"Uyy, dude. What's wrong? Tara pakasaya tayo. Mantrip tayo tara dali." This time, hinihila ko na yung kamay niya.
"Dude naman dali na--"
"I need to go to states. My mom died." Natigil ako sa sinabi niya.
So he's leaving?
"Ha-ha. Dude, that's a joke right? It's funny." Ewan ko pero parang this past few days, english na ako ng english. Uh! Marg.
"No, I'm dead serious. And I'm gonna leave there for good." Feeling ko bumagsak ako mula sa mataas na lugar.
"T-that's okay. K-kelan?" Napatingin siya sakin. Zac is my bestfriend. Kaya bakit parang lahat sila aalis? :(
"Bukas."
"BUKAS?" Tumango siya. Ambilis naman.
"Sorry." Niyakap ko siya ngayon palang naiiyak na ako.
"Remember, kahit anong mangyari gagawa't gagawa ako ng paraan maging Ms. dela Vega ka lang." Mas lalo akong panahagulgol sa sinabi niya. Walang promise na mabebreak. In-assure niya lang ako.
---
Umaga na ulit. Ngayon ang alis ni Zac pero sabi ko hindi ko siya pupuntahan sa airport kasi hindi ko na siguro kakayanin. And sabi niya rin baka daw magbago pa isip niya.Nakahiga parin ako. Wala akong gana bumangon. I just wanna, sleep. Kasi hindi na ako makatulog. Gusto ko nalang tumulala kahit walang dahilan.
Namimiss ko na si Marg at ngayon nadagdagan pa ni Zac.
Naiiyak na naman ako.
Tumunog ang cellphone ko, at tiningnan kung bakit. Nakikipagskype daw sakin si Zac.
In-accept ko naman.
"Goodmorning." sabi niya.
"Goodmorning din-ay! Hindi umaga sainyo. Hapon pala." Matamlay sa sabi ko.
"I miss you." Napangiti ako sa sinabi niya.
"I miss you too." Natigil siya sandali sa kabilang linya.
"Sige, eat your breakfast na. Call you later." In-end niya na rin.
Nagprepare na ako para makapahbreakfast na nga pero hidi parin maaalis sakin yung tamad.
"Sister! Si Fafa Jad mo nasa labas." Andito si Ate ngayon sa bahay. Pero wala ang parents ko.
Pinuntahan ko naman yung labas.
"Gette.."
"Yo."
"Can I talk to you?"
"Anong tawag mo dito?"
Hinawakan niya yung kamay ko saka humugot ng hininga bago magsalita."Look, wala akong planong iba. Walang magandang place. Walang romantic designs or music. Walang kahit ano kundi ako na nasa harap mo. Kaya please, give me another chance. Hindi naman kita ipinagpalit eh. Gette, I love you and I always will." O_O Anong nangyayari?
"Let me court you, please." Halos naiiyak na naman siya. Hahahaha!
"Okay." Sabi ko.
"Talaga?! Yes!."
"Hoy! Hindi pa kita sinasagot, kung makayes ka dyan. Sige na." Isinarado ko na yung pinto.
Bigla nalang akong napangiti.
What is happening to me?