Bridgette Madrigal
"Ang kulit mo! Ano talaga problema mo?" Inis na sabi ko kay Dennise. Sunod ng sunod ang loko.
"Sus, ako na nga nakikipagfriend eh." Eh?
"Eh! HR!"
"Bitter."
"HR!"
"B-I-T-T-ER!"
Ito na naman kami nagbabangayan. Mas gusto ko pa talaga kausap si Marguax. Mas matino. Tsaka okay lang sakin kung Nerd siya no.
"Marguax!" Sigaw ni HR.
"Uh, hi!" Mahinhin talaga to si Marguax. Gusto ko din personality niya. Although mas cheerful si Dennise.
Sabay sabay na kaming pumasok sa room. Sabi nila eh.
So, ayun. Actual na nangyayari.
Wala pa kasi kamimg teacher so, may kalayaan pa. Haha
Yun, may mga nagseselfie. Daldalan. Mga babaeng makatawa na parang iluluwa na nila yung ngala ngala nila. May mga boys na anlalakas ng trip. Tapos yung iba naglalaro ng COC o kaya Nova sa mga cellphone. Pano ko nalaman? Hehe. At lalong lalo na merong mga couples na sa tabi nila may nabubuong bahay ng mga langgam. Ish. Nandidiri ako. Hehe, sorry.
"Andyan na si Sir!" Sabi ng isa kong classmate kaya yun kanya kanyabg harurot ng takbo papunta sa upuan nila.
Nga pala kung nagtataka kayo kung bakit magkakaklase kaming tatlo? Isang subject lang naman. Values.
Ewan ko nga kung bakit meron nun dito eh. Sige, pagbigyan.
"Goodmorning Sir Jumayma." Bati namin sa Babae este lalaki naming teacher. Well, oo na. Siya na yung sinasabi kong bakla namin teacher. Ehehe.
"Ang chachaka niyo. Maupo na nga." See?
"May game nga pala tayo ngayon."
"YEEEEEES!" Sigaw nila. Oo, nila lang na pinangungunahan ni Garcia.
"Gagawin ko 'tong by pair. Bale, one boy and one girl." Antrip na naman ba nito?
"Okay, Mr. De Guzman and Ms. Ortega. Kayo ang first pair." Magjowa. Tss
"Ang next is *insert many couples*" Andami niya ng pinagsabi. Kami nalang tatlo dito nila Marguax ang wala pang pair. Great. Hindi kailangan nun.
"Hay, nakakapagod kayo mga dear. Sige na, next. Ms. Santiago and Mr. Tolentino." Si Von. Pansin ko nagiging close tong dalawang to this past few days. Eh? Fishy here.
"AYIIIE." Asar ng mga classmates ko. Sabagay, bagay sila. Love, love!
WTF?
Ano yung sinabi ko?
WALA!
"Next, Ms. Garcia and Mr. Santos." Si Prince naman kapartner nitong si Dennise.
"O...M..G!" Sabay kurot ni Dennise sa siko ko! Wow. Masarap talaga! Masarap ihambalos sakanya yung siko ko.
"Problema mo? Punta ka na dun! Chu!" Pagpapaalis ko sakanya. Umalis naman. Nasa unahan silang lahat. Ako nalang pala, walang kapartner. Yes! Hindi na ako sasa---
"And you, Ms. Madrigal pair kayo ni Mr. Villaflor." VILLAFLOR?
Si Jad.
GREAT -___-