XI. Can You Be My....

86 13 1
                                    

Dennise Garcia

(A/N: Picture ni Dennise sa Gallery section)

It's been one month simula nung manligaw sakin si Prince. Grabe, hindi talaga ako makapaniwala.

Ang sarap pala sa feeling na gusto ka din ng crush mo?

Papasok na ako sa school. Tamang tama kasi civilian lang kami ngayon. May program kasi eh. Tsaka may contest na kantahan pa.
Linggo ng wika.

Ehehe, sige na. Sasabihin ko ng kasali ako dun sa contest.

Kaya ayun dumerecho na ako sa backstage. Hindi ko pa pala nakikita si Prince. Asan kaya yun?

Kumuha na ng number kami ng number at ito panghuli pa ako.

Anong kakantahin ko? Uhm, hehe. Yung kanta ni Yeng, yung 'ikaw'

Haha, sorry na. Naggandahan lang naman ako. Ang ganda kaya ng meaning nung kanta. Pakinggan niyo kasi.

Mga sampu lang naman kami dito.

Antay....

Antay....

Antay...

Naiinip na ako.

"Okay, last but not the least. May we call on Dennise Garcia." Nagpalakpakan na.

Okay, Dennise kaya mo to. Kunwari ikaw lang ang tao dito.

Grabe, ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Sabagay duh. Ako na kaya yung magpeperform.

*Gulp*

"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip isip ko. Hindi na nahinto pintig ng puso."

Asan na kaya yun si Prince? Aba, walang paramdam?

"Ikaw, ang pinangarap ngarap ko. Simula ng matanto. Na balang araw iibig ang puso."

Hindi balang araw yun dahil andito na Prince.

"Ikaw, ang pag ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na. Ikaw, ikaw. Ang pag ibig na binigay, sa akin ng may kapal biyaya ka sa pili ko. Ligaya't pag ibig ko'y ikaw."

Hoo. Patapos na ako. Onti nalang.

"Waaaah." Nagtitilian yung mga nanonood, ay? Bakit late? Masyado na ba akong magaling kumanta? Joke.

"WAAAAAH." AY. Mas lalong lumakas yung sigawan nila. Hindi na dahil sakin yan eh.

Ay, kakanta na pala ulit.

"I--" Nag iimagine na naman ba ako na may sumabay sakin o ano? Napatingin ako sa likod. Halos, lumuwa mata ko sa nakita.

"Ikaw, ang pag ibig na hinintay. Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na. Ikaw, ikaw. Ang pag ibig na binigay, sa akin ng may kapal biyaya ka sa pili ko. Ligaya't pag ibig ko'y ikaw."

S-Si P-Prince?

Hindi parin ako makapagsalita hanggang matapos na yung kanta.

Kinapa ko yumg bibig ko, meron pa naman. Baka wala lang talagang lumalabas na boses.

Nagulat ako nung nagsipalitan ng damit yung audience, pula? Tapos may mukha ko?

Bakit? OMG!

"Dennise..." This time napatingin ako kay Prince. Tapos timgin sa audience.

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon