Marguax Santiago
Papasok na ako sa school nung biglang nagring yung phone ko. Who can it be?
Von Tolentino calling.....
Ah, siya. After ng gala namin, hindi na kami masyasdong magpapansinan. Hm, busy kasi. Busy siya and busy ako kaya ayun.
"Hello?"
"Hi, punta ka sa may stage."
"Ha bakit?"
"You'll see."
Tapos binaba na niya, hind maayos yung pakiramdam ko kanina pagkagising ko. Sumasakit na naman yung mata ko at nahihilo.
Pinilit ko parin pumunta sa stage.
Hindi rin naman ako makatanggi saka kaya ko pa naman.
Pagdating ko sa may quadrangle (andun kasi yung stage eh), puro light blue agad nakita ko. Favorite color ko. Astig, kahit yung mga suot ng taong nasa paligid nakalight blue. Mayamaya nahati yung mga taong nasa harap ko tapos yung daan papuntang stage.
Tapos may nakita akong isang lalaking nakatayo dun. Nakalightblue na shirt at may hawak na teddy bear na light blue.
Mr. Teddy Bear?
Siya ba yung kalaro ko dati nung elementary?
"Take me to church I'll worship like a dog at the shrine of your lies
I'll tell you my sins and you can sharpen your knife
Offer me that death less death
Good God,let me give you my life~"Kumakanta siya habang papunta sakin.
"I don't like you. I don't love you. I'm crazy inlove with you."
Then, everything went black.
---------
Von Tolentino"I don't like you. I don't love you. I'm crazy inlove with you."
Nag aantay ako sa sasabihin niya, pero bigla siyang nahimatay!
Hinawakan ko yung noo niya, shoot inaapoy siya ng lagnat.
Binuhat ko siya para madala sa clinic.
"Okay na ba siya?" Tanong ko sa nurse."Kalma lang sir. Nahilo lang po siya dahil sa mata niya." Ganun ba kahalata na nagpapanic ako? Ugh.
Maya maya nagdecide yung nurse n iuwi ko na daw siya para makapagpahinga. Wala parin siyang malay.
Pinark ko na sa tapat ng bahay nila ang kotse ko. Saktong sakto kasi nakakotse ako. Kadalasan kasi kapag pumapasok ako motor gamit ko. Well, enough for my self. Mas alalahanin natin si Marguax.
Pumasok na ako sa bahay nila, nawala naman yung takot ko sa parents niya. Kinakabahan kasi ako kay Marguax.
"Gudapternun pu ser! Anu pung nangyare ke mam?" Sabi ng yaya nila. Grabe, first time ko palang pumunta dito.
Wala ba parents niya?
Siguro nasa trabaho.
"Hello po, manang. Hinimatay, sabi po dahil sa mata. Pero okay na siya. Wala pa nga lang malay."
"Segi pu, pasuk." Tinuro niya sakin yung kwarto ni Marguax.
"Segi, kayu na pu mona bahala sakanya ser. Maghahanda lang pu aku ng pagkaen." Tumango ako tapos bumaba na si Manang.
Hinihiga ko na si Marguax.
Lalabas muna ako, para mas makapagpahinga siya. Aalis na dapat ako nung pinigil niya ako.
Nakahawak siya sa braso ko.
*dug dug dug*
"Mr. Teddy Bear. Dito ka lang, wag mo ulit ako iiwan." Napatingin naman ako sakanya. Nakapikit siya pero nagsasalita. Mr. Teddy Bear?
Umupo ako sa tabi ng kama niya.
"Hindi kita iiwan. Dito lang ako." Pagkasabi ko nun, minulat niya yung mga mata niya tapos sinuot yung glasses niya.
"Mr. Teddy Bear!" sabi niya tapos yumakap sakin.
Okay, anong nangyayari?
"Bumalik ka! I miss you." Nakumbinse na ako. Kung sino man yung Mr. Teddy Bear na yan peram muna ng katauhan mo ah.
I just love Marguax so much. At gagawin ko lahat para sa kanya.
"Mrs. Teddy Bear?" Sana tama yung hula ko. Kasi kunware mag asawa si mr. Teddy bear and Mrs. Bear.
"Oo, haha! Namiss kita ng sobra. Sorry di ko naamin na crush na crush din kita dati. Pero ngayon sinasabi ko na." .......
.......
.......
Ako. Na. Speechless.
"I-I love you..." inalis niya ang pagkakayakap tapos humarap sakin.
Tapos ngumiti. "Pumapayag ka ng ligawan kita?""Uh, huh." Tumango tango siya.
Ito na yung chance ko. Hinding hindi mo to pagsisisihan Marguax.
Napayakap ako sa kanya. Kaya yumakap din siya sakin.
We'll create so many memories na hinding hindi namin makakalimutan.
---------
A/N: Baka matagalan ang next update ko ha? May class na kasi eh. Pero mag uupdate ako this week. Anyways, Margaux Madrigal sa gallery section.Thanks.
