Marguax Santiago
Maaga akong nagising ngayon. Hindi ko alam gagawin ko. Ang hirap din pala magising na mugto ang mata. Feeling ko ang bigat ng mata ko.
After nung pag uusap namin ni Von sa parking lot, hindi na sinundan pa yun.
I checked my twitter account. Tamang tama wala namang pasok. Wala rin naman akong gagawin ngayon.
Tweet: Done crying? ✌
Nagscroll down nalang ako.
Napa-oww nalang ako sa nakitang tweets.
@Bridge_Madrigal : Ow, yun naman pala. May reason. #SorryMarguax
@BernadsMadrigal : Usap kayo dali.
#SorryMargaux@SantosP : Sana mapakinggan mo siya. #SorryMarguax
@DenniseG : Naks! #SorryMarguax
@Jad_Villas : Ops, nagpapatrend. #SorryMarguax
@thrclqnooo : Fix things ✌✌ #SorryMarguax
Marami pang tweets pero hindi ko na nabasa lahat, pano second na siya sa mga trends ngayon.
Ano na naman to?
@margsantiago : Ano na naman to?
Bumaba na ako para magbreakfast. I'm starving.
Nag aayos pa ako pababa ng hagdan.
"Goodmorning!" Ang sigla naman ng bati ni Yaya
"Goodmorning Ya-- VON?!" OMG! Ayan, nagiging Dennise na naman ako. Haha
"Uh, let's eat. Alam kong gutom ka na." Kumuha na siya ng plato, kutsara, tinidor, baso etc.
Bakit ba ganto kinikilos niya? He's acting like walang nangyari.
Umupo narin siya sa upuan niya. So bale, magkatapat kami.
"Bakit ka ganto?" Pagtatanong ko habang nakatingin lang sa pagkain.
"Anong bakit ganto?" This time napatingin naman ako kay Von. Tapos bumaling ulit sa pagkain.
"You're acting na parang walang nangyari." Kusa na naman siyang lumabas sa bibig ko.
Napansin kong naglakad siya papunta sakin at medyo lumuhod para maging magkapantay kami.
"Look, i'm sorry. I was kissing her, pero naiisip kita. Please forgive me. Mali ako, maling mali. I should respected you. Tama ka, hindi porket nagpahalik ay ay tiwala na agad--" Hindi ko na siya pinatapos. I just kissed him.
Namiss ko siya nang sobra.
Ako narin ang bumitaw sa halik.
Niyakap niya ako.
"I love you." sabi niya.
"I love you too."
------
After ng sweet naming scene kanina. Naisipan naming lumabas at maglalakad."Ano nga pala yung ginawa niyo sa twitter?" Pag oopen ko ng topic. Iniwas niya naman agad yung tingin niya. Haha, cute.
"May pa hashtag hashtag Sorry Marguax ka pang nalalaman. Ikaw ha." Pang aasar ko.
"Margaux naman!" saway niya sakin, habang namumula.
"Ayiiiie." Hindi na siya nakapagpigil kaya kiniliti na niya ako ng sobra.
"HAAHAHAHA--" Napihinto kami nung may narinig kaming usapan.
"Mukhang nagiging effective yung dare ah?"
Natigil din si Von.
"Si Terence yan ah."
"Shhhh." Nakikinig naman kami dito.
"Kaya nga eh. Medyo naaawa na nga ako pre eh." Prince.
"Ngayon ka pa ba maaawa?" Rod.
Tungkol saan to?
-----
A/N: Another clue.
Anw, usapang twitter narin naman. Here's my twitter: @thrclqnoooHaha. Thanks.
