XVI. Unsaid

66 11 3
                                        

Marguax Santiago

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko yung lalamunan ko nabibitak.

Habang yung luha ko, nagbabatis. Falls pa nga ata it eh.

"You B*tch!" Umalingawngaw yung sigaw na yun sa buong parking lot. Si Den. Dumating sila.

Hinila agad ni Dennise yung buhok nung babae tapos si Bridgette, malakas na sinampal si Von.

Mas lalo akong naiyak ngayon. Seeing this. Yung pinagtatanggol nila ako.

This girls. :((((((

After ng karasahang nagawa nila, tumakbo nalang palayo yung babae samin.

"You'll need this." Tinapik ako nung dalawa sa balikat atsaka umalis.

Ngayon, kami nalang ni Von ang andito. Sobrang tahimik na kahit maghulog ka dito ng piso maririnig sa buong parking lot.

Nabasag yung boses ko nung naisipan kong magsalita muna.

"A-Are we okay?" Hindi ko na napigilan kahit kelan ang iyakin ko talaga. I just can't help it.

Hindi pa din sumasagot si von. Nakatingin lang siya sa mga paa niya and nakasara yung kamay. Alam kong nanggagalaiti din siya. Pero for Pete's Sake! Jesus! Ako dapat ang nagwawala dito.

"Who's that bitch, huh? Your new girlfriend? You find another one because your another girlfriend rejected you? Naghanap ka ng ibang mahahalikan kasi aya--" Pinutol niya ang sinasabi ko. Mabait siya sakin, yes. Pero I think hindi na ngayon.

"Shut. Up." Napapikit siya. Halatang nagpipigil.

"Why, huh? Because you don't want to hear the truth. Right?" Hindi ko na nasasala yung mga words na nagagamit ko. Kusa nalang siyang lumalabas.

"You want to know the truth?" Kinabahan ako bigla. Sa tono ng boses niya seryosong seryoso siya.

"Say it." Paghahamon ko. Kahit sobra sobra na talaga yung kaba ko. Kahit hindi ako sigurado sa truth na sinasabi niya.

"Yes. I initiated the kiss. Yeah, your my girlfriend. But my girlfriend doesn't have trust on me---"

"I have trust on you." Pagputol ko sa ginawa niya. "Bakit paghinayaan ka ba ng isang tao na halikan siya ibig sabihin nabigay na niya yung tiwala niya?" Dagdag ko.

"You didn't get the logic. Did you? Totoo nga yung sinasabi nila, pagmatalino ka. Tanga ka pagdating dito. Ni wala kang alam kahit sa pagtitiwala na yan--"

*PAAAAAK*

Hindi ko na napigilan yung palad ko para dumikit sa mukha niya. I slapped him. Saka ko dinuro.

"Wala kang karapatang sabihin iyan! Girlfriend mo ako! You have me because I'm Marguax tapos sasabihin mo lang to? Na tanga ako?" I walked out. Baka kung ano pa masabi ko at magawa ko.
--------
Bridgette Madrigal

After that b*tchy scene there, napagdesisyunan namin ni Den na iwan muna sila para mag usap.

Kahit hindi ko talaga nakita yung simula, di matatanggal sa utak ko na si Von cheated on my friend. *SS!

"Hi! Kulang ata kayo?" Bati ni Prince samin at syempre kasama niya si Jad.

"Yeah, Marguax has to fix some things muna." Sagot naman ni Den. Wow, ka-OP.

"San mo naman gustong pumunta?" Tanong nitong katabi ko. Sino pa ba edi si Villaflor.

"Sa bahay ko." Yeah, kailangan ko ng magpahinga. Nas-stress na rin naman na ako eh.

"Tara." Wow. Hindi siya nagpigil sa desisyon ko? Sabagay, gusto na rin niya siguro magpahinga sa kanila.

Nagpaalam na kami kila Den saka sumakay sa sasakyan ni Jad. Actually nakamotor lang siya. Cool.

Nung napansin kong iba yung dinadaanan namin, nagtanong na ako. "Uh, wrong way tayo?"

"Huh? No, sweetheart." Huh? Hindi pa ulit ako nakakapagsalita nung huminto na kami sa tapat ng isang.. Condo?

"Uy. Sa bahay ko gusto." Pagmamaktol ko.

"Sabi mo sa bahay mo gusto pumunta diba?..." Tumango ako. Naghahantay sa sasabihin niya. "Ito bahay natin." Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Seryoso? Samin?

"Tara!" Nagpatianod nalang ako, habang bigla pa din. Grabe. Ang yaman talaga nito. Yes, mayamam kami pero hindi naman ako hahayaan nila Dad para sa vices ko.

8th floor, no. 163

Ang vintage ng color ng condo unit niya. Err--namin.

Painted yung wall. Black yung sofa. Basta! Ang ganda.

Dumerecho agad ako sa kwarto. Sabi kasi ni Jad magluluto daw siya.

"Nagluluto ka?"

"Nah, i'll try haha."

Hindi ako makapaniwala na ganto na si Jad ngayon. Mas naging mature siya, kahit medyo nang aasar pa siya ngayon.

This guy, he never failed to surprise me.

Habang siya nagpapakahirap magluto dun, ako naghalungkat ng mga gamit niya dito. Haha

Kung ano anong mga papel nakukuba ko sa bag niya. Ganto naman talaga ako eh. Laging naghahalungkat.

Paubos na yung mga papel nung may napansin ako. Isang papel na nakacrumple. At dahil dakilang tsismosa ang lola niyo I open it.

Mr. Teddy Bear,

I will miss you. San ka na ba mag aaral? Ang daya mo naman eh. Basta basta ka nalang mang iiwan. San ka na maghihighschool? Gusto ko doon din ako. Yung promise mo ah. I love you, Mr. Teddy Bear. Alam ko ikaw din. Inilagay ko lang ito sa bag mo, nakakaiyak kasing ngayon yung alis mo. Kung mapipigilan lang sana kita, gagawin ko wag ka lang umalis. Pero wala.

Maghihintay padin ako sayo Mr. Teddy Bear. Tapos pagbalik mo, hindi na ulit tayo maghihiwalay. Promise mo yan, Mr. Te---

"Gette?!" Natigil ako sa pagbabasa.

"Ano to?" Bitter ako diba? Wala akong pake sa mga ganto pero bakit hindi mapigilan ng mata ko yung mga luha para di tumulo.
------
Author's Note: Hi. May sequel nga pala to. Nnaloloka na ako sa mga nangyayari.

Keep safe guyyyysiiiiii.

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon