Bridgette Madrigal
"Gette, tara na!"
"Oo nga, getget! Late na tayo."
"Yes, ito na." Tingnan mo sila, excited na excited. Nga pala, hindi to kasal ah! Hindi pa nga kami nakakapagtapos eh. Mag oout of town kami. Sagot daw ni Jad. Haha.
Oo, boyfriend ko na nga siya ulit. For the third time. Hahaha!
"Ano ba yan? Tagal mo, sistuh!" Ang gandang bati.
"Tara na nga!" Lumabas na kami. Wala naman sila mommy eh.
Si Jad ang magddrive.
"Goodmorning, Gette." Napangiti ako, kiniss niya din ako sa cheeks.
"Goodmorning, din." Ngumiti siya tapos nagdrive na. Laguna, here we are.
Wala naman akong magawa sa byahe namin. Tingin tingin lang sa mga nadadaanan. Tapos maya maya nasa laguna na kami.
"Merong dalawang kama sa isang room. Kaya bale kami ni Jared sa isang room. Tapos kayo Gette ng ate mo sa kabila." Tumango naman kaming lahat.
"Pero teka Jad, apat na rooms yung pinareserve mo? Anong gagawin natim dyan?" Ngumiti lang siya tapos tumingin sa orasan.
"Bridgette!" Teka yung bungangang yun?
"Den!" Nagkayakap kami saka nagtawanan. God! I missed this girl huhuhuhu.
"Dito din kayo?" tanong ko
"Ay, hindi. Joke lang talagang andito kami." Sinamaan ko siya ng tingin. Letse! Namilosopo pa siya -_-
"Hehe, tara na. Party!" Kanya kanya na kami ng preparation. Magiging masaya to. Sabi nila magswimming daw muna. Tutal one day lang kamo dito. May pasok pa kami. Maggagraduation na kasi kami. Fourth year, college! Hoooo.
Grabe, ang saya parin nilang kasama! Kaya sobrang saya ko din.
Tapos nagzipline din kami. Grabe, talaga. Iba pala pag pinagsama si Red and Dennise. Sasabog ang mundo sa kaingayan. Hahaha!
Mamaya nagready kaming projector. Ayaw nga lang nila sabihin kung bakit.
Teka? Skype?
Biglang may nagpop sa screen.
"Hi, guys. Hi, gette! Uy, hindi pa kayo nagkwkwento ha!" Si Marg!
Nagkwentuhan muna kami.
Tapos pagkatapos lumabas muna ako, sumunod naman si Jad.
"Masaya ka?" Tanong niya sakin.
"Hindi." Nagulat naman siya.
"Sobra, sobra akong masaya." Napangiti naman siya.
"Salamat." Bakit ganun, feel ko naiiyak ako sa sobrang saya. Tears of Joy? Yeah, tears of joy nga siguro.
"Para san?" Hindi pa ba obvious Jad?
"Para dito. Kasi kahit sa maiksing panahon nafeel ko ulit na buo kaming barkada. At kapag ganun, sobrang saya ko." Nakatingin parin ako ng derecho sa sunset.
"Mahal mo talaga yung mga kaibigan mo no?" Oo, sobra.
"Oo, KAYONG mga kaibigan ko." Napangiti naman siya.
Sana talaga laging masaya nalang.
"I love you, Gette."
"I love you too Jad." Naluluha na talaga ako. Hahaha!
"Pangako mo, itong sunset na to ay magiging simula ng saya natin sa bawat isa. Kakayanin natin lahat Gette. Basta magkasama.." Isang luha. Isang luha na ang kumawala sa mata. Tapos sunod sunod na.
"Pangako." Lumapit siya sakin at hinarap ako sakanya.
"Pangako ko din sa'yo yan." Ngumiti ako. Nilapit niya naman yung mukha niya sakin.
At hinalikan ako.
Our promise that is sealed by a kiss.
------
A/N: short UD. Last 3 chaps nalang. Tapos epilogue na. Emegeeeesh!