VII. It's a date

102 18 0
                                    

Margaux Santiago

"Aww. Sh*t ayos naman dyan Dennise."

"Inaayos ko naman ah! Tabi nga."

"Edi ikaw magluto."

Time check: 8:35 am

Nagpiprito kami dito ng hotdog tsaka itlog. Pano parepareha hindi marunong, kaya natatalsikan kami .

Actually, may cake naman dito. Kaso si Dennise ng suggest na luto daw kami para may thrill.

"Dahil sa'yo to eh." Nagbabangayan yung dalawa. Na naman.

"Bakit ka nag agree?"

"Andami mong alam!"

"Hindi naman onti lang."

"Magbabangayan nalang ba kayo o a---What the!" Inawat ko na sila sa pag babangayan kasi si Gette pinahiran ako ng cake.

"Hahahaha!" Aba, anlakas ng trip nila ah.

"Ah, ganun!"

At ito nagpahiran na Kami ng cake. Haha. Kahit sa ganto masaya na kami haha lol.
----
*Beep*

From: Von Tolentino
Meet you at 1pm

So, bale. 11:45 palang naman ngayon.

"Dennise, paligo na ah. Susunduin ako ni Von dito eh."

"OMG! Oo nga pala. Ngayon na yun, sige sure."

Hinayaan ko  na  silang magkulitan dun. Umakyat na ako. And syempre humanap ng dadamitin.

After ko maligo, nakaabang na agad si Dennise ng nakapamewang samin.

Ano bang mali? Matino naman yung suot ko; maong pants, tshirt.

"Uh, bakit?"

"Ano yang porma mo?" Hindi na niya ako inantay sumagot. Dumerecho na siya agad sa cabinet niya. Anong balak nito?

"Kailangan mong maging maganda sa Date niyo." Sabi niya sabay abot sakin nung mga damit.

"Hindi yun date." Kontra ko. Kasi hindi naman talaga, lalabas lang kami.

"Tss. Whatever. Isuot mo nalang yan." Hindi ko parin na iintindihan pero sinuot ko nalang to. Nagulat ako sa binigay niyang damit. Ano to? Crop top and High waisted shorts? Eh, sa buong buhay ko hindi pa akp nakakasuot ng ganto eh.

Pero baka sermonan pa ako ng dalawa, kaya sinuot ko na.

After, nagpulbos na din ako tapos sinuklay ko yung maksi kong buhok.

Tapos sinuot ko yung salamin ko.

Okay na! Kaya lumabas na ako.

"Woah." Yan agad yung nasabi ni Bridgette.

"Bakit may mali ba?" Hindi ba bagay sakin yung gantong damit?

"Seriously? Ang tino--" Natigil siya dahil sa pagsasalita ni Dennise. Nako po, andito na ang mayordoma. Haha

"May mali pa.." Lumapit siya sakin tapos tinanggal yung salamin ko.

"...iyan."

"Eh, malabo yung paningin ko." Yeah, malabo na talaga yung paningin ko. Siguro since when I was a kid mga 7years old ganun.

"Wait. I have here contact lens." Inabot ni Dennise sakin yung color dark brown niyang contact lens.

"Seriously? Andami mong ganyan?" Nagtatakang tanong ni Bridgette. Maski ako nagtataka din.

"Oo naman, pang porma---" Natigil siya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

*Ding dong*

"Uhem. Ayan na pala eh. Sige na babain mo na." Ngumiti ako at bumaba na. Ay, kinuha ko pala muna yung gamit ko. Yung mga damit.

"Hep. Hep. San mo yan dadalhin?" Dennise.

"Uuwi na ako."

"Hahahaha." Sabay pa sila tumawa ni Bridgette.

"Sira! Iwan mo lang  muna yan dyan." Ah, ganun pala.

"ah. Sorry slow. Sige, gotta go. Salamat." And, yeah natuloy na nga yung pagbaba ko. Kaso pagbaba ko nag aantay na si Von sa may sofa.

Napapasok na pala siya.

"T-tara na?" Ano bang meron sakin?

Napalunok muna si Von nago nagsalita, "Ang ganda mo." I blushed.

"Sira! Let's go." And yun sumakay na kami sa kotse niya. Ang ganda. BMW. Simple lang. Pero ang astig.

"Kain muna tayo? San gusto mo?" San ba maganda? dun! Pumunta na kami, tapos kainan na.
------

"Wow, ang ganda naman dito." Sabi ko. Ngayon palang ako nakakapunta dito. At sobrang ganda talaga.

"Oo nga ang ganda." Sumang ayon naman si Von pero nung tumingin ako sakanya. Nakatingin siya sakin.

"Uh, ba't ka sakin nakatingin?" I asked.

"Ang ganda mo nga kasi." Ano bayan. Nakakailang.

"Uh, t-thanks." Ngumiti lang siya at tumayo. Tapos tinayo niya rin ako.

Maghahapon na at medyo malamig dito. Nga pala nasa Baguio kami kaya malamig. Tapis pinagsuot pa ako ni Dennise ng ganto.

I just realized na nasa mall na pala kami tapos dumerecho na kami sa may department store.

"Bili tayo?" Nakakatuwa talaga siya kasama. Mukha siyang bata.

"Tara!" Bumili kami ng sweat shirt. Tig isa kami. Tapos naglakad na palayo. Mag  aarcade ata kami eh.

(A/N: Nasa gallery section ang picture nila Margaux and Von na nakasweat shirt. Cute, isn't it?)
----
"Nakakapagod no?" Nasa sasakyan na kami ngayon. Grabe, inabot din kami ng gabi sa err--galaan pero bakit may iba akong nararamdaman.

"I like you." Halos malaglag ako sa upuan ko nung sinabi niya sakin. Teka, ano naman?

"Syempre naman. We like each other. We're friends kaya."

Tama naman yung.sinabi ko. Pero may nararamdaman akong iba sa galaan naming tp eh. It is a Date?

Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon