Bridgette Madrigal
*KRIIIIING*
Bakla calling...
Walangya! Ang aga aga nang iistorbo ang bakla. Well, it's saturday naman. Dapat kasi pahinga ngayon! At late na gumising.
[Ateng?]
"Ang aga aga pa bakla!"
[Oo nga eh. Ang aga aga, yang bunganga mo parang tumitilaok na manok. Hahaha.]
"What do you want?" Matamlay kong sabi.
[Shopping, bae! Pleaaaaaase? Papunta na ako dyan. Bye!]
End call.
Tingnan mo yan! Hindi pa nga ako pumapayag. Pero ganun din naman wala parin akong magagawa para makatanggi. Makapagprepare na nga lang.
Pagkatapos ko maligo bumaba na ako para magbreakfast. Complete family pala kami ulit. Haha
"San ang punta mo Gette?" Tanong ni Mommy.
"Date."
"Shopping po." Sabay pa kami ni Ate. Epal talaga.
"Shopping po, my." Inirapan ko naman si Ate.
"Sino ang kasama mo?" Tanong naman ni Dad.
"Si Red po, pupunta siya dito." Tumango si Dad.
"Lalaki?" Natawa ako sa tanong ni Mommy.
"Bakla po." Sabay ulit kami ni Ate. Kaso ako natatawa siya naman disappointed.
"Hi, mga sisterette--- ay sorry po." Speaking of the devil. Kaso suumigaw eh andito pa naman sila Mommy.
"Okay lang red. Sige, dun na muna kayo magusap ni Gette sa sala." Suggestion ni mommy.
"Sige po, goodmorning nga po pala." Tumango na din ako saka sinundan si Bakla.
"Ang hyper mo ngayon ah, pfft. Hahaha!" Sabi ko at inirapan niya pa ako. Aba't!
"Pano sisterette, may gipo dyan sa basla. Waaaaah!" Ano daw? Gipo, gipo. Ah! Pogi. Basla, basla. Labas. Ang kulit kasi magsalita eh -__-
"Umagang umaga!" Nagtawanan naman kami. Tapos nagpasyang umalis na. Mamimili daw siya ng shirts. Saka sapatos. Ritsked eh. Hahaha.
"Tara?" Tanong niya.
"Tara." Sabi ko sabay pasok sa kotse niya.
-----
Jad VillaflorPapunta ako ngayon kila Bridgette, manliligaw ulit alam niyo na. Naiinis lang talaga ako sa nangyari kahapon.
Gusto ko talagang sapakin yong lalaking yun. Nagpipigil lang ako.
Ipapark ko na dapat yung kotse ko sa gilid nila nung may napansin akong may ibang kotseng nakapark. Kanino to?
Maya maya may lumabas na lalaki. YUNG JARED! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?
Sabi ko na nga ba eh, may makakalaban ulit ako.
Saglit siyang tumitig sa kotse ko, hindi naman tinted yung kotse ko kaya kita niya ako. Ang sarap niya talagang suntukin.
Maya maya lumabas na siya kasama si Gette. Date, huh?
Maya maya nalaman ko nalang na sinusundan ko na yung kotse nung Jared. Tss, bahala na nga.
Huminto sila sa isang Mall? Date na nila to? Seriously? Mall? Hindi man lang sa ibang lugar? Katulad ng mga park, enchanted. Pero pwede namang mall. Clichè nga lang.