Margaux Santiago
Pagkagising na pagkagising ko, nag open agad ako ng twitter. Hahaha. Grabe, ang laki din pala ng pinagbago ko. Anti-social ako dati eh. Yung mas okay sakin yung wala akong kaibigan.
Tweet: jwu
Nagscroll ako para matingnan ang tweet nung iba.
@DenniseG: @Bridge_Madrigal @margsantiago Happy Valentines day!!!! Hoooo.
|
@Bridge_Madrigal: Kanino mo talaga sinasabi yan? lol.
|
@DenniseG: Sa inyo. Che!
|
@margsantiago: Happy valentines din ✌✌
|
@Bridge_Madrigal: Isa din to eh.Natawa nalang ako sa pinag uusapan namin. Valentines day pala ngayon.
@BernadsMadrigal: Happy Valentines Honey. @JoshSy I love you.
|
@Bridge_Madrigal: Kadiri ate!
|
@Bernands_Madrigal: Bitter ka lang.Grabe! Ang saya pala magtwitter lol.
@vontolentino: Goodmorning, sweety. Alam mo nalang hindi kaya ng 140 characters ang message ko. I love you. @margsantiago Happy Valentines day
|
@DenniseG: OMEGEEEEEESH. Sorry ulit guys ah.
|
@vontolentino: Che! Pinahirapan mo ako eh.
|
@DenniseG: Aww. :P
|
@margsantiago: same here. I love you too. @vontolentinoBumaba na ako para makapagprepare.
"Goodmorning, Marg. May nag aantay sa'yo. CJ daw." Ngumiti ako kay mom saka pinuntahan si CJ.
"Happy Valentines, Marg." sabi niya sabay abot ng isang boquet ng roses. Ang ganda kulay pink.
"Uy, thanks." Niyaya niya ako na sabay na daw kami pumasok sa school kaya pumayag ako.
Grabe, pati pananamit ko nabago na din. Dati kung pumasok ako sa school naka pants at shirt lang. Ngayon, mga uso na din. Binilhan na din ako dati ng mga ganto kaso hindi ko nga trip isuot.
Pagpasok namin sa school, naghiwalay muna kami. Pupunta daw muna kasi siya sa stage. Operator siya ng program.
"Hey! Ms. Haba ng hair pero maiksi lang naman talaga." Si Dennise talaga.
"Andami mong alam." Sabi ko.
"Hindi ah! Mas marami ka kaya." Den.
"Tara na nga!" Hinila ko na siya. At nakasalubong naman namin si Von. May dala rin siyang isang boquet ng roses na kulay pink din. Pink din?
"Oh, Von. Bigay mo na yan!" Sabi ni Den.
"Hindi. Hindi ko ito ibibigay. S-sa'yo to..." Lumapit naman siya kay Den. Saka binigay yung bulaklak. "..Sige, aalis na ako." Nagkatinginan naman kami ni Den.
"Hanep makamoodswing ng boypren mo!" Medyo sigaw ni Den. Nagpaparinig pa ata haha.
"Bakit kaya?" pagtataka ko.
"Manhid ka talaga..." Sabi niya pa. Napansim niya namang nag aantay lang ako sa susunod niyang sasabihin.
"...Dahil yun dyan sa hawak mo." Napatingin naman ako sa hawak ko. Kaparehang kapareha nga nung binigay ni Von kay Den."Oh. Sa'yo naman talaga yan eh. Saka puno na yung bahay namin. Charot!" Nagtatawanan kami dalawa nung nakita namin s Gette na masasalubong namin.
Nung nakita niya kami, bigla siyang nag iba ng daanan.
But I will take this time to say sorry. Lalo na't aalis na kami.
"Gette!" Lumingon naman siya. She's relax.
"Oh?" Seryoso lang yung mukha niya.
Sumeryoso naman ang palagid.
I will takes this chance.
"Gette, I'm sorry. Hindi ko naman kasi kayo guguluhin kung yun man yung iniisip mo. Sorry talaga. Aalis na kami ni Von. Tatapusin nalang namin ang sem na to. Kaya sana--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Bigla nalang niya akong niyakap. Dun ako mas lalong naiyak. Uh! Huhuhuhu.
"Sorry din, kung nakapagsalita ako ng masama sayo. Dala lang ng galit siguro." Pag eexplain niya. Yeah, naiintindihan ko.
"Andadrama niyo naman eh. *Sob*" Napatingin kami kay Den. Grabe, kung makaiyak to eh. Affected lol.
"Grouphug nga." Sabi ni Gette.
Nakakatuwa naman! Bati bati na kami. I meam kaming tatlo.
"Uh, Gette!" Biglang may tumawag kay Gette.
"Oh Zac. Tamang tama! Zac, si Den and Marg. Den, Marg si Zac." Pagpapakilala niya.
I smell something fishy here. Hahaha!
"Uh, excuse muna girls ha? Magpapraktis lang sana kami?" Tumango kaming dalawa. At iniwan na sila. Hahaha.
Sht! Pupuntahan ko pa pala si Von.
Pero aasikasuhin ko muna to si Dennise.
Hinila ko siya sa Music Room.
"Maaaaargaux! Anong gagawon natin dito?" Hindi ko na siya pinansin.
Nagpapractice ang banda dun kaya napatigil sila pagpasok namin. Andun din si Von.
"Prince! Usap daw kayo nito!" Pinipigil ko ang tawa ko sa reaksyon ng mukha ni Dennise. Lahat na ata ng nakakatawa sa buong mundo yun yung mukha ni Dennise.
HAHAHAHAHAHAHA!
Tumango naman si Prince kaya tinulak ko si Den sakanya.
Tapos tinawag ko din si Von.
"Who's CJ?"
"Kababata ko. kaklase ko din dati."
"Tapos binigyan ka niya ng flowers?""Ano ka ba, regalo niya lang--wait? Are you jealous?"
"No!"
"Hahaha. Okay. Pero you shouldn't be jealous. Know why? I'm yours and you're mine." Niyakap ko siya.
"Sabing hindi nga ako nagseselos!"
Nakakatuwa naman tong araw na to. I think magiging masaya na to. Sabi nga nila, this is just a beginning.
----
A/N: Omegeeeesh guys! Lol. Anyways, salamat sa patuliy na nagbabasa padin. Lalong lalo na sa mga silent readers dyan. Comment kayo. Gusto ko kayong pasalamatan! :))))) votes, too. 15-17 chapters pa. Hoooo. Bago na yung plan ko.Labyuuuu guys!