(A/N: Marguax Santiago sa multimedia)
Marguax Santiago
"Bakit? Hindi mo narin alam ang tama o mali no? Bakit? Pinahalagahan mo ba ako? Hindi. Kasi ginamit mo lang ako."
"Bakit? Hindi mo narin alam ang tama o mali no? Bakit? Pinahalagahan mo ba ako? Hindi. Kasi ginamit mo lang ako."
"Bakit? Hindi mo narin alam ang tama o mali no? Bakit? Pinahalagahan mo ba ako? Hindi. Kasi ginamit mo lang ako."
"Bakit? Hindi mo narin alam ang tama o mali no? Bakit? Pinahalagahan mo ba ako? Hindi. Kasi ginamit mo lang ako."
Paulit ulit yun tumatakbo sa utak ko.
Bakit pa kasi ako pumunta sa lugar na yun?
Pero kung hindi naman? Hindi ko yung makikita?
Seeing Von and Den kissing was such a big mistake.
Nakakaasar! Bakit si Den pa? Si Den na nagtanggol sakin last time nung may nakita akong kahalikan ni Von.
Maybe, she was too depressed na nakabuntis si Jad. Yeah, nalaman ko na din. Pano ba naman yung malanding kinakalantaryo ni Prince ngayon proud na proud na nabuntis daw siya niya Prince. So, pathetic.
Siguro nga nadepressed na siya ng sobra. Kaya maiintidihan ko pa siya pero si Von kissing her back? Aba! Yun ang hindi ko maintindihan.
Pwede niya naman icomfort si Den kasi they are close. Pero ganun pala aang pagcocomfort niya? Fck!
Nagagalit ako ng sobra sakanya.
Gusto ko siyang ipahazing pero alam ko namang hindi ko yun magagawa. Another side of me love me. Siguro 3/4 ko pa nga.
sa sobrang pag iisip hindi ko namalayang nasa tapat ng bahay ko na pala ako. I mean namin. Nila mommy kahit wala sila lagi dyan.
Nagulat ako nung bukas yung ilaw sa sala at may mga nagtatawanan.
Nako, possible kaya?
Pumasok agad ako sa bahay.
"Oh, andito na pala siya eh." Si Dad.
"Hi, missy. How are you?" Lumapit din sakin si Mommy saka nagbeso.
"Uh, fine." Napatingin ako sa paligid. Puro tita and tito ko ito pati mga pinsan.
"Tara, magpicture muna tayo!" Suggest ni Tito Archie. Kaya tumayo naman yung lahat.
"Akin na din yung phone mo Marg. Para may kopya ka din. Upload mo ah? Hehe." Ngumiti ako at tumango.
Nasa malaking pamilya kami. Ako nga lang sa mga relatives namin ang only child. Ewan ko din, only child na nga lang ako pero wala parin silang time para sakin.
"Dad, ano po bang meron?" Tanong ko habang kumakain.
Sandali silang nagkatinginan ni Mommy at tsaka ngumiti.
"Teka nga? May boyfriend kaba?" Natigil ako sa tanong ni tito. Yes, I have a boyfriend pero pag maaalala ko yung nangyari kanina naiiyak ako.
"Pano ba yan, chard! Mukhang meron ata eh. Long distance." Yumuko nalang ako. Hindi ko kayang marinig yung pinag uusapan nila.
My boyfriend cheated on me.
"So yun nga, we're going to US at dun na muna tayo titira. Balak namin ng mommy mo na, isama kana para hindi tayo malayo sa isa't isa. Don't worry mag aaral ka dun sa school na maraming pilipino kaya hindi ka mahihirapan humanap ng kaibigan. Tatapusin mo nalang yung sem na to. And second year college ka sa US." Tumango ako. At may pahabol pa ata si Mommy
"And as for your boyfriend, Von Tolentino.." what? Pano nila nalaman.
"Goodnews missy kasi ang company nila ang partner namin sa business na yun kaya if ever na gusto niyang sumama pwedeng pwede." Tuwang tuwang pag papatuloy ni Mommy.
"Pano niyo po nalaman?" Tanong ko.
"Friends narin kami nung mommy at daddy nun."
Nag iba bigla ang mood ko ah
"Ah, sige po. Excuse me, akyat na po ako." Tumango naman sila kaagad kaya umakyat na ako. Naiirita na ako. Even our parents, alam tapos nagloloko siya? Fck it.
Nagtakip ako ako ng kumot. At gumulong gulong sa kama.
Naaasar ako!
*knock knock*
Inaayos ko yung kama ko bago buksan yung pinto. Si mommy.
"Mom? Bakit?"
"Are you okay, 'nak?"
Hindi ako nakasagot kaya pinapasok ko nalang siya at pinaupo sa kama ko.
"Tungkol ba to kay Von?" Tumango ako. Hindo ako makapagsalita siguro dhil to sa kahihiyaan. Hindi ko inexpect na magiging ganto ako kaopen kay Mommy.
Kwinento ko sakanya lahat ng nangyari kay naiyak na naman ako.
"Oo, siguro nga masyado lang depressed yung si Den ba yun? Tapos si Gette naman at si Von natakot lang. Si Gette natakot na baka mawala sakanya si Jad. Si Von naman natakot din na baka mawala ka sakanya. Pero Marguax, hindi ko nafefeel yung sakit na nararamdaman mo. Depende padin kung gano kasakit."
Mom leave me with that thought kaya hindi ako nakatulog ngayong gabi."I think I should end it."
----
Bridgette SantiagoNagreready na akong matulog. Grabe, ang bigat bigat padin ng loob ko.
"Hoy! Anong problema?" Si Bernadette panget haha
"Hoy ka din! Tsaka para saan yung pinto?" Nagmake face ulit siya saka umupo sa kama mo.
"Spill." Umiling ako.
"Love is sacrifice." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Yuck!"
"Tingnan mo to, may lovelife kana bitter ka pa din. Pero seryoso, kung kailangan mong magsakripisyo. Gawin mo."
"Pano kung hindi niya deserve ang pagsasakripisyo ko?" Ewan pero bigla nalang yan lumabas sa bibig ko.
"Siya na ang bahala dun. Kung ano ang magagawa niya dun sa sinakripisyo mo. Si Jesus nga eh, nagsakripisyo siya para satin kahit hindi niya naman alam kung ano ang gagawin natin sa sakripisyo niya."
"Sana nga ate maisip niya yan." Paninigurado ko.
"Sana nga."
Umalis na si ate para daw makapagpahinga ako.
Pero bago ako matulog, nasabi ko ang isang word maaaring magpabago ng takbo ng mundo ko. Ay sht ang corny.
"Sacrifice."