Prologue.
"...Alam mo ba kung bakit hindi ako nakasagot nung sinabi mong pag inlove ka nags-slowmotion ang lahat?"
"Bakit tita?"
"Kasi, ang totoo hindi naman nags-slowmo yun eh. Kundi nagfa-fastforward."
---"Dennise!"
"Ma!"
"Bumaba kana at kakain na tayo."
"Tatapusin ko nalang po ito." Nanahimik na si Mama. Actually, pangsiyam na beses ko ng pinanonood tong Must Be Love. Namememorize ko na nga yung iba.
Hay, ang swerte nga ni Kathryn Bernardo dun eh. Daniel Padilla!!! Kyaaaaa."Then, it must be love."
Mabilis na natapos yung movie kaya bumaba na ako. Nakakagutom na din eh. Sunday ngayon at first day sa school bukas.
College na ako, gusto ko nga maging fashion designer eh. Kaya yun yung path na tinatahak ko. Lalim! Hindi rin naman ako ganun katalino so, keri na ako sa designing.
*beeeep*
Si Cindy talaga (bestfriend ko) nasa timing lagi siya magtext. Kumakain eh. Pasikreto kong binuksan yung cellphone ko.
Cindy Balaca
Hoy! Nanonood ka? Si Enrique Gil nasa Rated K. Waaaah.Enrique? ENRIQUE GIL?!!
"Dahan dahan 'nak. Mabulunan ka." Sabi ni Papa. Pano kasi kulang nalang lahat ng nasa plato ko ipasok ko lahat sa bunganga ko. Kailangan kong makita si Enrique Gil KO. Hehe.
Umakyat na ako agad. Tapos binuksan yung TV.
Korina: Okay, message mo nalang Enrique sa mga supporters mo.
Enrique: So, yun. Iniimbitahan ko po kayo sa Araneta. Next month. Sana makapunta kayo.
Oo nga pala, sasayaw siya. Yung dun sa King of the Gil. Kailangan ko ng manghingi. Hehe.
Kinuha ko yung libro kong tinatapos basahin. Grabe, malapit na ang happy ending. Hooooo.
"I love you... forever."
"I love you.. more than a lifetime." And then, our lips met.
THE END.
KYAAAAAA! Natapos ko na. Grabe, kelan ko kaya mameet ang one and only ko? Kaexcite.
-----
"Bridgette!""Huy! Nakikinig ka ba?" Hay, nako. Kasama ko nga pala ngayon yung ate ko. At, sa kasamaang palad andito kami ngayon sa Blue Magic. Magreregalo daw sa Jowa niya.
"Ano?"
"Pwede na ba 'to kay Josh?"
"Sino yun? Yung Jowa mo?"
"Nah, ah. Hindi yun Jowa or Shota or short time. Boyfriend ko siya! B-O-Y---"
"Tss, alam ko na po!" Iritado kong sagot. Ini-spell niya pa talaga. Alam ko naman talagang nang iinis lang siya. Andito kami kasi bibili ng gamit para bukas late na nga kaso ngayon lang namin nakuha ang padala ni Mommy.
"So, ito nalang?"
"Sus, dapat dyan hindi nireregaluhan. Tapos pag nagbreak kayo, ano--"
"BITTER." Tama naman yung sinabi ko ah? Pagnagbreak na kayo nasayang lang mga binili mo. Tch. Gastos.
----
"Hindi kana ba titigil dyan sa pagbabasa mo, Margaux?""Nah."
"Eh, pupunta nga tayong restau ngayon eh. Yung malapit dyan sa inyo." Sabi nung kapitbahay namin. We're friends, maybe pero wala sakanya minsan ang atensyon ko.
I love books.
She know that.
"Steph? Anong gagawin dun?" I said while reading my science book.
"Ano pa edi maghahanap ng boys!" she said that loudly. We're here in my room nga pala. She's the one going to our house because I often went outside of our house. Ewan, siguro mas trip ko lang magbasa.
"What? Waste of time. And, it's our first day in school tomorrow." Sabi ko. Hindi kami magkapareho ng school kaya i'm sure mag isa na naman ako nito bukas.
I believe in 7Bs: Books before boys because boys bring babies.
That's true naman diba?